Bakit Hindi Umiinom ng Alak ang mga Muslim

Sa Islam, ang lahat ng bagay na nakakapinsala o ang pinsala ay nakahihigit kaysa sa kabutihan ay ipinagbawal. Kabilang dito ang bawat sangkap na nakakasama sa isip, sinisira ito o binabawasan ang kakayahan nito. Samakatuwid ang alkohol ay itinuturing bawal dahil ito ay malinaw na ipinagbawal sa Qur’an sa mga sumusunod na mga talata:

"Tinatanong ka ng mga Muslim, O Muhammad (saw), kung ano ang batas hinggil sa mga nakalalasing na inumin, sa paggawa nito, sa pag-inom nito, sa pagbili at pagtinda nito. Ang ‘Khamr’ ay tumutukoy sa lahat ng uri ng mga nakalalasing, nakasasara at nakasisira ng matinong pag-iisip – maging ito man ay isang uri ng inumin o pagkain." (Tafsir Al-Muyassar - Al-Qur'an Al-Kareem, al-Baqarah 2:219-220)

"O kayong mga naniwala sa Allâh at sumunod sa Kanyang Sugo! Huwag ninyong lapitan ang pagsa-‘Salâh’ at huwag ninyo itong isagawa habang kayo ay nasa kalagayan ng kalasingan, hanggang sa mabatid ninyo kung ano ang inyong mga sinasabi. Ito ang katuruang inihayag bago ipinahayag ang pinakahuling batas hinggil sa pagbabawal ng mga nakalalasing na bagay sa lahat ng pagkakataon." (Tafsir Al-Muyassar - Qur'an Al-Kareem, an-Nisa' 4:43)

"O kayong mga naniwala sa Allâh at sumunod sa Kanyang Sugo! Katiyakan, ang ‘Al-Khamr’ na ito ay ang lahat ng mga nakalalasing na bagay na sinasarahan ang pag-iisip; at ‘Al-Maysir’ – ang pagsusugal na kasama rito ang lahat ng uri ng pustahan at ang katumbas ng lahat ng ginagawa na may pustahan sa magkabilang panig; at hina-hadlangan ang mga tao sa pagpuri sa Allâh (swt). 

Gayundin ang ‘Al-Anzab’ – isang altar na bato na itinuturing na sagrado ng mga ‘Mushrikûn,’ na kung saan doon nila isinasagawa ang pagkatay ng mga hayop bilang pagdakila sa altar na yaon, at ang lahat ng uri ng mga inanyuang bagay na itinayo para sambahin. At ‘Al-Azlâm’ – ang mga uri ng pana na itinuturing na sagrado ng mga walang pananampalataya, na bago sila magpasya ng isang bagay o bago nila itigil ang isang bagay ay isinasagawa muna nila ito. Isusulat nila sa bawa’t pana ang kanilang mga ipapasya, at pagkatapos ay pipili sila ng isa mula rito, at kung ano ang nakasulat doon sa napili nilang pana ay yaon ang ipapasya nila. Katiyakan, ang lahat ng mga bagay na ito ay kasalanang mula sa mga panghalina ni ‘Shaytân,’ na kung kaya, layuan ninyo ang mga kasalanang ito nang sa gayon ay magtagumpay kayo ng ‘Al-Jannah."

"Katiyakan, ang nais lamang ni ‘Shaytân’ ay pagandahin sa inyo ang mga kasalanan, upang pukawin ang inyong poot sa isa’t isa, at maglaban-laban kayo sa pamamagitan na mga nakalalasing na inumin, at paglalaro ng mga sugal; at ilalayo kayo sa pagpuri sa Allâh (swt) at sa pagsa-‘Salah,’ dahil sa pagkasara ng inyong mga kaisipan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga nakalalasing at sa walang kabuluhan na pagkakaabala ninyo sa pagsusugal; na kung kaya, itigil ninyo ang mga ito." (Tafsir Al-Muyassar - Al-Qur'an Al-Kareem, al-Ma'idah 5:90-91)

At sa mga Ahadith nabanggit din na pinagbabawal ng Propeta (saw). Sapagkat anumang bagay na nagdudulot na pinsala sa alinmang paraan ay isinasaalang-alang na bawal.

Mayroong mga bilang ng medikal na dahilan para sa pagbabawal ng alkohol. Ang alkohol ay naging salot sa lipunan ng tao simula pa noong kauna-unahang panahon. Ito ay patuloy na sumisira sa mga di mabilang na buhay ng tao at nagdulot na kapighatian sa milyong tao sa buong mundo. At ito ay nagkakaroon ng masamang bunga sa isip, binabawasan nito ang lakas ng isang tao at naghahatid sa kanya upang talikdan ang kanyang mga suliranin. Nagdudulot din sa kanya ng pagka-ubos ng salapi bunga ng mga gastusing ginugugol sa nakagawiang pag-inom. Hindi na kailangan pa ng detalye tungkol sa lahat ng masamang dulot ng alkohol sapagkat ang karamihan nito ay karaniwan ng nababatid.

Sapagkat ang alkohol ay ginagawang walang kakayahang pigilin ang bahaging utak ng tao, ang isang taong nalulong sa paglalasing ay madalas na matagpuang umaasal ng lubos na kawalan ng wastong pag-uugali – nagsasabi ng mapang-abusong salita, marahas at mapusok o gumagawa ng mga nakahihiyang gawain. Ang estatistika ay nagpapakita ng isang pagdami ng bilang ng mga patay, pagtaas ng mga krimen, pagdami ng mga maysakit sa isip, at milyong bilang ng mga nawasak na tahanan sa buong mundo ay sumasaksi sa nakasisirang bunga ng pag-inom ng alkohol.

Ang pinsala na dulot ng alkohol ay hindi nakahangga sa isang umiinom, ito ay nakakapinsala rin sa mga ibang tao. Sa kabuuan, ang sakit na dulot ng alkohol ay nagpapahina sa lipunan. Ang sigla [o sigasig] sa paggawaay bumababa sanhi ng naidudulot na kasamaan nito, at ang mga krimen mula sa gumon o pagiging sugapa. Ayon sa ulat ngWorld Health Organization tungkol sa mga malulubhang krimen sa 30 bansa, 86% ng pagpaslang at 50% ng panggagahasa ay bunsod ng pag-inom ng alak. Mayroong magkakatulad ng estatistika sa mga bansa sa buong mundo. Karagdagan, ang mga pinuno sa pampublikong kalusugan ay nagbigay ng tahasang pagtantiya na kalahati sa aksidente sa kalsada na bunga ng kamatayan at ang mga kapansanan ay dulot ng mga taong nasa ilalim ng impuwensiya ng alkohol.

Ang Islam ay umaayon na ang pag-iwas [o pag-iingat] ay siyang pinakamahusay na gamot. Ngunit, ang mga Muslim ay hindi umiiwas mula sa gamot at pagkalasing nang dahil sa mga masasamang dulot nito higit sa lahat ang Diyos ang Siyang nagbawal nito sa kanila. Kaya, para sa kanila, ang pag-iwas ay isang uri ng pagsamba at pagsunod na kung saan sila ay ginagantimpalaan ng Diyos sa kabilang buhay, gayundin sila ay pinangangalagaan mula sa pinsala sa kasalukuyang buhay [sa mundong ito].

Ang ilang mga tao ay nagsasabi na sila ay makakapagpigil sa kanilang mga sarili at kailanman ay hindi nalalasing. Ngunit, ang mga imbestigasyon ay nagpapakita na ang alkohol ay nagsisimula lamang bilang isang inumin para sa mga kasayahan. Walang sinuman ang nagsimulang uminom ng alak na may layuning maging gumon o sugapa. Subalit ito ay sadyang nangyayari nang kusa.