PAG-AASAWA NG MGA MUSLIM

Epekto sa Pamilya

Sa kultura ng Islam, ang mga Muslim na lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa - hindi sila Pinagbabawalan sa iisang asawa, hindi katulad ng Katoliko na kung saan ay dapat iisang asawa lamang - basta ba ay kaya nilang buhayin ang kanilang mga asawa at pamilya. Oo, dahil dito ay masasabi nating maaaring magkaroon ng maraming pamilya ang isang Muslim na lalaki (Religious Research Centre, n.d.; Al-Sheha, n.d.). Ngunit, para sa bawat pamlya ng isang Muslim na ama, ano nga ba ang epekto sa kanila ng katotohanan na may iba pang pamilya ang kanilang ama? Ano ang epekto sa pagbuhay sa kanila ng ama, pantay pantay ba ang pagbigay ng kanilang mga kailangan o may favoritism ba? Pati ba sa distribusyon ng attention at pagmamahal ba sa bawat pamilya ay may favoritism or pantay pantay nga ba - may power relations bang nagaganap sa mga Muslim na pamilya? At ang huli - nagkakasunduan ba ang lahat ng mga pamilya ng isang Muslim na ama? Pindutin ITO para malaman.

Mula sa interbyew sa mga kabataang Muslim, naibahagi nila ang kanilang kaisipan, sariling karanasan, at obserbasyon ukol sa Pagaasawa ng Muslim.

Isa sa mga kadalasang pananaw sa Muslim na pagsasama ay ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Sa modernong babaeng Muslim, ibinahagi niya ang kanyang pananaw sa Polygamya.

“Hindi naman required or encouraged ang polygamy sa mga Muslim. Hindi lang siya prohibited. It’s a choice. Depende na yun sa moral nung tao kung kaya niyang mangaliwa. For example, if ever sasabihin sa akin ng asawa ko na he wants another wife, I’d leave him. I’m not in favor of polygamy.” - Haira Montaner, 18, Cotabato City

Isa pang kadalasang pananaw sa kasalang Mulsim ay ang arranged marriage. Para kay Gng Montaner, masasabi niya raw na hindi siya pabor sa pagkakaroon ng arranged marriage. Ang kanyang ina ay dating Katolliko bago pa man siya pagpaconvert upang ikasal sa kanyang ama. Maari daw ito ay dahil hindi arranged marriage ang naganap na pagsasama sa kanya magulang. Nakabase raw ito sa kung ano ang nakikita ng isang anak sa kanilang pamilya, ang pananaw rito ay subjective.

“Feeling ko depende iyon sa nakita mo sa parents mo kung masaya naman sila tapos arranged marriage yug parents nila baka papasok rin sa isip nila na hindi naman masama kung iaarrange marriage rin sila. Most of my friends’ parents marriage weren’t arranged. Most of the time traditional yan sa family eh. The tendency is kapag arranged yung marriage yung parents ganun rin sa anak.“ - Haira Montaner
Mayroon din namang mga kabataang na naniniwwalang may kabutihan ang tradisyon na arranged marriage.

“Sa aking opinyon, nakabubuti ang arranged marriage dahil may mga ibang pamilya na bahagi na ng kanilang tradisyon ang pagsasagawa nito. Upang hindi mawala ang tradisyon at maguwi sa hindi pagkakaunawaan, nagkakasundo ang mga pamilya na mag-arranged marriage. Kahit hindi man ako pagsabihan na mag-asawa ng kapwa Muslim ay gagawin ko pa rin ito. Mas maganda kasi hindi mapuputol yung “bloodline” kumbaga. “ - Princess Limbona, 18, Cotabato City
Mula rito, maaring masabi na dahil sa paglipas rin ng panahon, mayroong dalawang paniniwala ang nabuo ukol sa tradisyon sa kasalang Muslim. Una, ang pagkamoderno ng sosiedad ay malaking bahagi kung bakit ngayon ay mas naging malaya ang kaisipan at paniniwala ng mamamayang Muslim. Ngayon ay mas tumatangkilik na sila sa pagkakaroon ng sariling boses; kung tungkol man ito sa pagpili ng sariling asawa o kahit sa pagpayag na magkaroon ng higit sa isang asawa. Pangalawa, kahit na napapaligiran man ng mga pagbabago ay mayroon paring pagpapahalaga sa tradisyon. May mga kabataan na nakikita rin ang kabutihan ng tradisyon. Masasabi sa dalawang pananaw na ito ay nagiging mas open-minded mamamayan ang meron ngayon.


Dahil sa samahan na naganap sa kanilang kanya-kanyang pamilya ay nagbunga sa kanilang mga nabuong paniniwala.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top