PAG-AASAWA NG MGA MUSLIM
EPEKTO SA LIPUNAN
Ang lalaki ay pinapapayagan ng Qur’an na makapag-asawa ng apat na babae sa kundisyong dapat ay mabigay niyang ang lahat ng kanilang mga kinakailangan at lahat sila ay dapat pantay-patay ang mga matatanggap na mga kagamitan at pagmamahal. Taliwas sa iniisip ng karamihan, hindi maaaring tumira sa iisang bahay lamang ang lahat ng mga asawa. Dapat ay may kanya-kanyang bahay ang bawat pamilya ng lalaki. Ang epekto ng pag-aasawa ng marami ng kalalakihan sa lipunan ay nagbibigay ito ng solusyon sa kakulangan ng lalaki dahil sa mga lalaking namamatay kapag mayroong gera. Ang iba sa mga kababaihan ay mas gugustuhin nang maging kabit kaysa sa hindi magkaroon ng asawa. Nakatutulong din ito sa mga babae sapagkat ang pag-aasawa nila ay magbibigay ng kasiguraduhan na mayroong magbibigay ng kanilang mga pangangailangan at magmamahal sa kanila (Islam Can, n.d.).
Sa Gobyerno - Makakatulong ang mga ganitong uri ng kasalan sa uri ng sistema ng gobyerno sa Mindanao dahil isa sa mga dahilan kung bakit nagpapakasal ang mga Muslim ay dahil sa negosyo. Marahil, isang magandang epekto para sa mindanao ay ang pagpapalago ng mga Muslim sa kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng mga ganitong kasalan. Sa ganitong paraan ay maari silang makakatulong upang umunlad ang Mindanao at pati na rin ang Pilipinas.
Isa sa mga interviewee ay inilahad ang kanyang input ukol dito.
“Just like what we see in movies, may iba na ipinapakasal for “merger.” To strengthen yung power of one family, it will tie the knot with another powerful one to make a dynamic duo. It depends if the families uses it as an advantage para mas mapabuti yung government or otherwise.”-Princess
“It makes a family stronger kasi mostly yung mga prominent family, tendency is kailangan from a prominent family rin yung pakakasalan. Dahil dito, nabubuo ang samahan nila para mas mapatatag ang lipunan. Madalas, ang mga prominent family na ito ay mga kanya-kanyang “connections.” Kapag ipnagsama ay mapapalakas ang kakayahan nila para makapagawa at impluwensiya ng pagbabago.”-Haira
Ngunit maari rin kontrobersyal ito dahil ang paglakas ng hiwalay na gobyerno ay nakakaapekto sa sambayanang gobyerno ng Pilipinas. Base sa mga nakikita natin na alitan sa Mindanao ay hindi na maganda ang naidudulot ng pagkakaiba ng paniniwala ng mga Pilipino at dahil sa kaibahan na ito ay maraming tao ang nasasaktan at namamatay. Kontra sa paniniwala na ito ay ang pananaw ni Gng Limbona:
“Para sakin, it’s a way para mas makilala natin at maembrace natin ang isa’t-isa. Mas nagkakaroon ng diversity kasi marami tayong pwedeng matanggap at mas lalong marami tayong maishare sa iba. Kasabay nito, nakakabuild tayo ng character na magiging threshold for respect sa society. Although hindi ko masyado nakikita na narerespeto yung beliefs namin, kasi imbes na i-understand man lang nila kahit hindi na nila aralin, ang tingin pa rin ng ibang tao is faulty yung Shariah namin. I feel like people are closing their doors na unawain yung religion namin.”
Base sa mga interbiew ay masasabi na may malaking hindi pagkakaintindihan na nagaganap ukol sa iba’t ibang paniniwala. Maliban sa pagstereotype sa mga tradisyon ng mga Muslim tulad ng kanilang kasalan ay may pagsestereotype din sa kanilang lokal ng sistema at indibidwal na personalidad.
Sa Kapwa- Sa bahagi na ito, ilalahad ang kanilang panig ukol sa kanilang tradisyon at relihiyon.
“Our faith to our religion is really strong. Our mentality is to act to please our God. Since tumira ako sa Manila, marami akong Catholic friends na nakikita na hindi gaano sangayon sa Catholic church. And I never feel that towards sa ‘church’ namin and my other Muslim friends never feel that too. When we encounter any Muslim brothers or sisters in other places than Mindanao (for instance, in Manila), we tend to treat them more nicely than the usual. Parang may bond or attachment sa isa’t-isa kahit hindi personal na kilala. Dahil dito, sa tingin ko kaya nagiging maganda ang pakikisama.” - Haira
Pananaw ng simbahang katoliko - Sa pagbabasa mo sa blog na ito ay iyong natutunan na talagang magkaiba ang kulturang Islam at ang katolisismo, lalo na ang konsepto ng pag-aasawa. Alam natin na ang pinakamalawak na relihyon sa Pilipinas ay ang Katoliko at malawak ang impluwensya ng simbahang Katoliko sa ating bansa. Ano ang pananaw ng simbahang Katoliko sa pagpapakasal ng mga Muslim, considering na salungat ito sa pinaniniwalaang tama at hustisya sa paniniwala ng mga Katoliko? May concern ba ang mga Katoliko sa kulturang ito ng mga Muslim?
Dahil nga ng mga lumitaw sa diskusyon tungkol sa pag-aasawa ng mga Muslim sa panahon ngayon na kung saan ay mas malalaya na ang mga Muslim, masasabi nating marami nang pagkakatulad ang modernong tradisyon ng pag-aasawa ng mga Muslim sa tradisyong pag-aasawa ng mg Katoliko, kapag ang pinag-uusapan natin ay ang kalayaan at kondisyon sa pagpapakasal. At dahil sang-ayon naman ang modernong tradisyong ito sa paniniwala ng simbahang Katoliko sa kalayaan sa pagpapakasal ng iyong mahal o sinumang nais mong pakasalan, walang dineklara ang simbahang Katoliko tungkol sa pagkasalungat sa pag-aasawa ng dalawang Muslim, ngunit sila ay salungat sa pag-aasawa ng isang Muslim at isang Katoliko - at ibang topic na ito (O'Rourke, 2004).