Ang Paniniwala sa Mga Kasulatan (o Kapahayagan)


Ang Kahulugan ng Paniniwala sa Mga Kasulatan [o Kapahayagan]:
Nabubuo ang pagsusulat sa marangal na Kasulatan (Qur’an) ayon sa pinakamahusay na mga patakaran ng pagsasaayos. .

Ang matapat na paniniwala na ang Allah ay may mga Kasulatan na ibinaba [o ipinahayag[ sa Kanyang mga Sugo para sa Kanyang mga alipin [mga tao], at na ang mga Kasulatan na ito ay Salita ng Allah na tunay Niyang sinalita nang angkop sa Kanyang Kaluwalhatian, at na ang mga Kasulatan na ito ay naglalaman ng katotohanan, liwanag at patnubay para sa sangkatauhan sa dalawang tahanan (sa mundo at sa kabilang buhay).

At ang paniniwala sa mga Kasulatan ay isa sa mga haligi ng Eeman (Paniniwala). Batay sa sinabi ng Maluwalhating (Allah): {O kayong mga naniniwala! Maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang Sugo (Muhammad), at sa Aklat (Qur’an) na Kanyang ibinaba [o ipinahayag] sa Kanyang Sugo, at sa mga Kasulatan naunang ibinaba [o ipinahayag]}. [Surah An-Nisa’ 4:136]

Kaya ipinag-utos ng Allah ang paniniwala sa Kanya, sa Kanyang Sugo at sa Kasulatan na Kanyang ibinaba [o ipinahayag] sa Kanyang Sugo r at ito ay ang Qur’an, gayundin na Kanyang ipinag-utos ang paniniwala sa mga Kasulatang ibinaba [o ipinahayag] nang una sa Qur’an.

At ang Sugo ng Allah r ay nagsabi tungkol sa [kahulugan ng] Eeman (Paniniwala): “Ang ikaw ay maniwala sa Allah, maniwala sa Kanyang mga Anghel, maniwala sa Kanyang mga Kasulatan, maniwala sa Kanyang mga Sugo at sa Huling Araw, at maniwala sa Tadhana, maging ito man ay mabuti o masama”. (Muslim: 8)

Ano ang Mga Napaloloob sa Paniniwala sa Mga Kasulatan [o Kapahayagan]?
Ang Paniniwala na ang pagbaba [o pagpapahayag] ng mga ito ay totoong nagmula sa Allah.
Ang Paniniwala na ang mga ito ay Salita ng Allah –[ang Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan].
Ang Paniniwala sa Mga Kasulatang pinangalanan ng Allah, tulad ng Dakilang Qur’an na ibinaba [o ipinahayag] sa ating Propetang si Muhammad r, at ang Tawrat (Torah) na ibinaba [o ipinahayag] kay Musa (Moises), ipagkaloob nawa sa kanya ang kapayapaan, at ang Injeel (Ebanghelyo) na ibinaba [o ipinahayag] kay Isa (Hesus), ipagkaloob nawa sa kanya ang kapayapaan.
Ang maniwala [tanggapin] sa anumang mga katotohanang napagtibay mula sa aklat na ito.

Ang Mga Kahigtan [o Kabutihan] at Katangian ng Dakilang Qur’an:
Katotohanang ang Dakilang Qur’an ay siyang Salita ng Allah na ibinaba [o ipinahayag] sa Propeta at ang huwaran natin na si Muhammad r, kaya pagkaraan nito, ang isang naniniwala ay nararapat na dakilain ang Aklat na ito at magsumikap upang maitaguyod [at magampanan] ang mga alituntunin nito, gayundin ang pagbabasa nito at ang pagmumuni-muni [sa mga aral at babala] nito.

At sapat na, na ang Qur’an na ito ang siyang patnubay natin sa mundo, at siyang dahilan ng tagumpay natin sa Huling Araw:

At ang Dakilang Qur’an ay nagtataglay ng maraming kahigtan [o kabutihan] at iba’t ibang katangian na namumukod sa iba pang mga naunang banal na Kasulatan, ang mga ilan dito ay:

Katotohanang ang Dakilang Qur’an ay naglalaman ng pinakabuod ng makadiyos na mga batas, at ito ay dumating bilang isang pagpapatibay at pagpapatunay sa lahat ng mga naunang Kasulatan hinggil sa pag-uutos sa pagsamba sa Allah lamang.

Ang Allah ay nagsabi: {At Aming ibinaba sa iyo [O Muhammad] ang Aklat (Qur’an) sa katotohanan, na nagpapatunay sa mga Kasulatang nauna pa rito at tumatayo [bilang] saksi rito}. [Surah Al-Ma`idah 5:48]

At ang kahulugan ng: {Na nagpapatunay sa mga Kasulatang una pa rito}: Ibig sabihin ay sumasang-ayon sa anumang mga salaysay na naipahayag sa mga naunang Kasulatan at sa anumang mga naipahayag dito na mga paniniwala at iba pang mga kautusan, at ang kahulugan naman ng {At tumatayo [bilang] saksi rito}: Ibig sabihin ay bilang isang katibayan at saksi sa mga naunang Kasulatan dito.

Na tungkulin ng lahat ng mga tao sa iba’t-ibang mga wika at lahi na sundin [at panghawakan] ito at tuparin ang mga kahilingan nito gaano man katagal ang pagkahuli ng kanilang panahon sa panahon ng pagpapahayag sa Qur’an, kaiba sa mga naunang Kasulatan sapagka’t ang mga naunang kasulatan ay para sa natatanging mga tao lamang sa gayong natatanging panahon. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At ipinahayag sa akin itong Qur’an upang kayo ay aking bigyang-babala sa pamamagitan nito at ang sinumang abutan [ng mensahe nito]}. [Surah Al-An`am 6:19]

Katotohanang ang Allah ang Siyang nangangasiwa sa pangangalaga sa Qur’an, kaya walang kamay ang maaaring makaabot nito upang magdulot ng kabaluktutan at kailanman ay hindi makaaabot dito. Batay sa sinabi ng Maluwalhati: {Katotohanang Kami ang nagbaba ng Dhikr (ang Qur’an) at katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan [mula sa mga katiwalian]}. [Surah Al-Hijr 15:9 ]. At dahil dito, katotohanang ang lahat ng salaysay nito ay tama, nararapat paniwalaan.


Ano ang tungkulin natin para sa Banal na Qur’an?

Ginawang isang tungkulin para sa atin ang pagmamahal sa Qur’an, ang pagdakila sa kahalagahan nito at ang paggalang dito, sapagka’t ito ay Salita ng Tagapaglikha, na Lubos na Makapangyarihan at Kapita-pitagan. Samakatuwid, ito ang pinakamakatotohanang Salita at pinakamainam.

Ginawang isang tungkulin para sa atin ang pagbigkas at pagbabasa nito, na may pagmumuni-muni sa mga talata at kabanata nito, kaya magmuni-muni tayo sa mga aral [at babala] ng Qur’an, gayundin sa mga salaysay at mga kasaysayan nito, at isalang natin dito ang buhay natin upang maging maliwanag sa atin ang Katotohanan sa Kabulaanan.

At ginawang isang tungkulin para sa atin ang pagsunod sa mga batas nito, at ang pagpapatupad sa mga pinag-uutos nito at sa mga [aral hinggil sa] kabutihang-asal nito, at itinalaga ito bilang isang panuntunan para sa buhay natin. At nang tanungin si Aishah – kalugdan nawa siya ng Allah – tungkol sa pag-uugali ng Propeta r, siya ay nagsabi: “Ang kanyang pag-uugali ay ang Qur’an”. (Ahmad: 24601 – Muslim: 746) Ang kahulugan ng Hadith: Katotohanang ang Sugo ng Alalh r, sa kanyang buhay at mga gawain, ay nagsilbing pamantayan sa aktuwal na pagpapatupad ng mga alituntunin at batas ng Qur’an. Sa katunayan, nabigyan niya r ng katotohanan ang kaganapan ng pagsunod sa patnubay ng Qur’an, at siya ang magandang halimbawa upang sundin ng bawa’t isa sa atin. Batay sa sinabi ng Maluwalhati: {Katotohanang nasa sa inyo sa Sugo ng Allah (Muhammad) ang isang magandang halimbawa ng sinumang umaasa (sa pakikipagtagpo) sa Allah at sa Huling Araw, at lagi nang nag-aalaala sa Allah}.[Surah Al-Ahzab 33:21]

Ano ang Katayuan Natin Tungkol sa kung ano ang nasa mga naunang Kasulatan?
Ang isang Muslim ay naniniwala na ang Tawrat (Torah) na ibinaba [at ipinahayag] kay Musa (Moises) – ipagkaloob nawa sa kanya ang kapayapaan, at ang Injeel (Ebanghelyo) na ibinaba [at ipinahayag] kay Isa (Hesus) – ipagkaloob nawa sa kanya ang kapayapaan, ay totoong nagmula sa Allah, at katotohanang kapwa nitong kinabibilangan ng mga batas, mga aral at mga balita upang patnubayan ang sangkatahan at bigyang liwanag ang kanilang pamumuhay, sa mundong ito at sa Huling Araw.

Ang isang Muslim ay naniniwala na ang Tawrat (Torah) at Injeel (Ebanghelyo) ay ibinaba mula sa Allah, nguni’t [sa paglipas ng maraming panahon] ito ay kapwa nahaluan ng maraming pagbabaluktot at pagpapalit, at wala tayong pinapatotohanan dito maliban kung ano ang sinang-ayunan ng Qur’an at ng Sunnah.


Nguni’t ipinabatid ng Allah sa pamamagitan ng Qur’an na ang Angkan ng Kasulatan mula sa lipon ng mga Hudyo at Kristiyano ay kanilang binago ang kanilang mga Kasulatan, kanilang dinagdagan ito at binawasan, kaya ang mga ito ay hindi na nananatili (mula dating orihinal na kapahayagan) tulad ng pagkakababa nito ng Allah.

Samakatuwid, ang Tawrat (Torah) na umiiral sa ngayon ay hindi na ang dating Tawrat na ibinaba [at ipinahayag] kay Musa (Moises) – ipagkaloob nawa sa kanya ang kapayapaan, sapagka’t ito ay pinalitan [o binago] ng mga Hudyo, at kanilang pinaglaruan ang karamihan sa mga alituntunin nito, ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Kabilang sa mga Hudyo ay yaong binabaluktot ang mga salita [o kahulugan] mula sa [tamang] kalagayan [o kahulugan o paggamit]}. [Surah An-Nisa’ 4:46]

At gayundin naman ang Injeel (Ebanghelyo) na umiiral sa ngayon, hindi ito ang dating Injeel na siyang ibinaba[at ipinahayag] kay Isa (Hesus) – ipagkaloob nawa sa kanya ang kapayapaan, sapagka’t tunay na binago ng mga Kristiyano ang Injeel, at kanilang pinalitan ang karamihan sa mga alituntunin nito. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi tungkol sa mga Kristiyano:

{At katotohanan, kabilang sa kanila ay isang pangkat na binabago ang [kahulugan ng] Aklat [kapahayagan] sa pamamagitan ng [maling pagbigkas sa] kanilang mga dila upang inyong isipin na ito ay nagmula sa Aklat, subali’t ito ay hindi nagmula sa Aklat. At sila ay nagsasabing: “Ito ay nagmula sa Allah,” subali’t ito ay hindi nagmula sa Allah. At sila ay nagsasalita ng kasinungalingan laban sa Allah bagaman [ito ay] kanilang nalalaman}.[Surah Al-`Imran 3:78]

{At kabilang niyaong mga nagsasabing, “Kami ay mga Kristiyano,” Aming kinuha [at tinanggap] ang kanilang kasunduan, subali’t sila ay nakalimot sa isang [mahalagang] bahagi ng anumang [aral na] ipinaalala sa kanila. Kaya, Aming pinangyaring [umiral ang masidhing] suklam at poot sa kanilang pagitan hanggang sa [pagsapit ng] Araw ng Pagkabuhay na Muli at sa kanila ay ipababatid ng Allah ang anumang [kasalanang] kanilang lagi nang ginagawa}[Surah Al-Maidah 5:14]

At dahil dito ay matatagpuan natin na ang tinatawag na banal na kasulatan na nasa mga kamay ng Angkan ng Kasulatan sa ngayon na napaloloob dito ang Torah at Ebanghelyo ay kinabibilangan ng napakaraming walang kabuluhang mga paniniwala at mga kabulaanang salaysay, at kasinungalingan na mga kasaysayan, kaya wala tayong pinaniniwalaan sa mga salaysay ng mga kasulatang ito maliban sa kung ano ang pinatunayan ng Banal na Qur’an o ng Wastong Sunnah (pahayag ng Propeta) at ating pinabubulaanan ang anumang pinabulaanan dito ng Qur’an at Sunnah, at manahimik tayo sa mga nalalabi, samakatuwid hindi natin papaniwalaan at hindi rin naman natin pabubulaanan.

At gayon pa man iginagalang ng isang Muslim ang mga Kasulatang iyon, hindi niya hinahamak at nilalapastangan; sapagka’t sa kabuuan, tunay na naglalaman pa rin ito ng ilan sa mga nalalabing Salita ng Allah na hindi pa rin nabago.


Ang Mga Bunga ng Paniniwala sa mga Kasulatan:
Ang Paniniwala sa mga Kasulatan ay Mayroong Maraming Kabutihang Ibinubunga, ang mga ilan dito ay:

Ang Kaalaman na pinangangalagaan ng Allah ang Kanyang mga alipin, at sa kaganapan ng Kanyang Habag, na kung saan Siya ay nagpadala sa bawa’t pamayanan ng isang Aklat na nagpapatnubay sa kanila at nagbibigay sa kanila ng tunay na kaligayahan sa mundo at sa Huling Araw.

Ang pagkaalam sa wagas na layunin ng Allah sa Kanyang Batas, na kung saan ay nagtakda Siya ng Batas sa bawa’t pamayanan na aangkop sa kanilang mga kalagayan at tutugma sa kani-kanilang pagkatao. Batay sa sinabi ng Allah: {Sa bawa’t pamayanan sa inyo, Kamia ay nagtalaga ng isang Batas at isang panuntunan ng buhay}.[Surah Al-Maidah 5:48]

Ang pagpapasalamat sa Biyaya ng Allah sa pagpapahayag sa mga Kasulatan na yaon, sapagka’t ang mga kasulatan na ito ay isang liwanag at patnubay sa mundo at sa Huling Araw, kung kaya’t pagkatapos nito marapat lamang na pasalamatan ang Allah sa dakilang mga Biyaya na ito.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top