KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY SABAY NANG SISIKAT ANG ARAW AT BUWAN (ni: ahmad erandio)
Quran 75:7-9. Samakatuwid, kapag naging malamlam na ang paningin at magugulat at mamamangha sa kagimbal-gimbal na pangyayari sa Araw ng Muling Pagkabuhay na nakikita, at mawawalan na ng liwanag ang buwan, at sabay nang sisikat ang araw at buwan mula sa kanluran na napakadilim, sasabihin ng tao sa oras na yaon:
Qur’an 75:10. “Saan ba maaaring makapagtago upang makatakas sa kagimbal-gimbal na parusang ito?”
Quran 75:11-12. Ang katotohanan ay hindi ang yaong iyong inaasam-asam, O ikaw na tao, na paghingi ng mapagkukublihan, dahil wala nang mapagkukublihan at wala nang kaligtasan sa ngayon.
Quran 75:12 Ang patutunguhan ng lahat ng mga nilikha sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay sa Allâh () lamang na Bukod-Tangi at doon sila mananatili, upang pagbayarin ang bawa’t isa sa anuman na karapat-dapat na kabayaran para sa kanya.
Quran 75:13. Na ipababatid sa tao sa Araw na yaon ang lahat ng kanyang ginawa: mabuti man o masama, ang kanyang unang ginawa at ang kanyang huling ginawa sa kanyang buhay.
Quran 75:14-15. Walang pag-aalinlangan, ang tao ay magiging malinaw na saksi laban sa kanyang sarili sa anuman na kanyang ginawa o hindi ginawa, kahit ikatwiran pa niya ang lahat ng maaaring ikatwiran sa kanyang kasalanan ay hindi na ito magiging kapaki-pakinabang pa sa kanya.
Qur’an 15:45-48. “Katiyakan, ang mga yaong matatakutin sa Allâh na umiwas sa lahat ng kasalanan at pagsamba ng iba bukod sa Allâh, sila ay nasa mga Hardin at mga umaagos na ilog at sasabihin sa kanila: ‘Pumasok na kayo sa mga Hardin na ito nang mapayapa na ligtas sa anumang kasamaan at anumang kaparusahan.’
At inalis Namin sa kanilang mga kalooban ang panibugho at paglalaban-laban, na sila ay mamumuhay sa Hardin na mga nagmamahalang magkakapatid, na sila ay nakaupo sa mga magagarang supa (o luklukan) na magkakaharap ang kanilang mga mukha bilang pagpapatuloy sa kanilang samahan at pagmamahalan, na hindi magaganap sa kanila ang anumang kapaguran, doon sila ay mananatili magpasawalang-hanggan.”
Qur’an 39:73. At aakayin ang mga yaong natakot sa Allâh () na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na naniwala sa Kanyang Kaisahan at sumunod sa Kanya tungo sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) nang grupu-grupo, hanggang sa kapag dumating na sila roon ay matatagpuan nila ang mga pintuan nito na nakabukas na, at iistimahin sila ng mga anghel na pinagkatiwalaan doon, at babatiin sila ng maaliwalas at masasaya sila; dahil sa kanilang kalinisan mula sa mga kasalanan at sasabihin sa kanila: “Salâmun `alaykum – kapayapaan ay sumainyo bilang kaligtasan sa lahat ng di kanais-nais, napakabuti ng inyong kalagayan, na kung kaya, pumasok na kayo sa ‘Al-Jannah’ na rito ay mananatili kayo magpasawalang-hanggan.”
Qur’an 39:74. At sasabihin ng mga mananampalataya: “Lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allâh () na tinupad Niya ang Kanyang pangako sa amin, na Kanyang ipinangako para sa amin na sinabi ng Kanyang mga Sugo
at ipinagkaloob sa amin ang ‘Al-Jannah’ (Hardin) na tutungo kami saan mang lugar doon na aming naisin, napakabuti ng gantimpala sa mga mabubuti na nagsumikap sa pagsunod sa Allâh () na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha.”
Qur’an 38:49-51. Itong Qur’ân ay paalaala at karangalan para sa iyo, O Muhammad (), at sa iyong sambayanan na mga tagasunod.
At katiyakan, para sa mga matatakutin sa Allâh at sumusunod sa Kanya ang mabuting patutunguhan sa Amin sa mga Hardin na kanilang tutuluyan, na kung saan, nakabukas para sa kanila ang mga pintuan nito, na sila ay mga nakasandal sa mga upuan na pinalamutian, hihingin nila ang anuman na nais nila na iba’t ibang uri ng mga prutas na napakasagana at maraming uri ng inumin, na mula sa anumang kagustuhan ng kanilang mga sarili, na naiibigan ng kanilang mga paningin.
Qur’an 38:52. At para rin sa kanila ang mga kababaihan na bukod-tanging nakatuon lamang ang kanilang paningin sa kanilang mga asawa (na mga kalalakihan), na pare-pareho ang kanilang mga edad.
Qur’an 38:53-54. Itong kasiyahan ang mga ipinangako sa inyo, O kayong mga matatakutin sa Allâh, sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at katiyakan, ito ay Aming ipagkakaloob sa inyo na kabuhayan na walang katapusan at walang pagkaubos.