KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG PAGKALIKHA NG MGA ANGHEL AT NI IBLEES (SATANAS)  

 At sinabi ni Propeta Muhammad (sas): Ang mga angel ay nilikha mula sa liwanag. (Sahi Muslim)

Ang mga Angel ay may kanya-kanyang tungkulin Kay Allah (swt) at sila ay alipin at malapit sa Allah (swt). Subalit kailanman ni isa sa kanila ay wala kaming sinamba, kundi ang bukod tanging nag-iisang si Allah (swt) lamang na siyang lumikha ng lahat.

MGA IBAT’IBANG PANGALAN NG MGA ANGHEL AT ANG KANILANG TUNGKOLIN

PARAISO --------------------- ANGHEL RIDWAN

EMPYERNO ----------------- ANGHEL MALIK

SA ULAP AT ULAN -------- ANGHEL MIKAEL

LIBINGAN -------------------- ANGHEL MUNKAR AT NAKIR

KAMATAYAN ---------------- ANGHEL IZRAEL (MALAKALMAWT)

DALAWANG ANGHEL NA TAGALISTA NG KABUTIHAN AT KASAMAAN (KIRAMAN AT KATHIBIN)

TAGALISTA NG KABUTIHAN --------- ANGHEL RAKIB

TAGALISTA NG KASAMAAN --------- ANGHEL ATIT

TAGA IHIP NG TRUMPETA ----------- ANGHEL ISRAFIL

TAGA DALA NG REBELASYON ---- ANGHEL JIBRIEL

 

Qur’an 79:1-7. Sumumpa ang Allâh () sa pamamagitan ng mga anghel na humahablot sa mga kaluluwa ng mga walang pananampalataya nang masidhing paghahablot sa oras ng kanilang kamatayan, at sa mga anghel na malumanay na may pag-iingat na kinukuha ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya, at sa mga anghel na lumulutang (lumalangoy) habang sila ay bumababa mula sa kalangitan o umaakyat patungo roon, at kasunod kaagad nito ay sumumpa rin ang Allâh () sa pamamagitan ng mga anghel na nakikipag-unahan sa mga ‘Shaytân’ sa pagdala ng kapahayagan tungo sa mga Propeta; upang ito ay hindi manakaw sa kanila, at pagkatapos kasunod kaagad din nito ang panunumpang muli ng Allâh () sa pamamagitan ng mga anghel na nagpapatupad sa utos ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na ipinagkatiwala sa kanila na pangangasiwa sa Kanyang mga nilikha at hindi maaaring manumpa ang sinumang nilikha sa ibang pangalan maliban sa Pangalan ng ‘Rabb’ na Tagapaglikha, Allâh ().

Qur’an 78:38 Sa Araw na tatayo si Jibril () at ang mga anghel na nakahanay, na hindi sila maaaring mamagitan maliban sa kung sino ang pinahintulutan ng Allâh () na Pinakamahabagin na pamagitanan, at pawang katotohanan lamang ang sasabihin at kung ano ang karapat-dapat na sabihin.

Qur’an 82: 9-12 Subali’t walang pag-aalinlangan, may mga anghel na nasa inyo na nagmamanman na kagalang-galang sa paningin ng Allâh () na tagasulat sa anumang ipinagkatiwala sa kanila upang itala ang mga ito sa talaan, at wala silang anumang nakaliligtaan sa anuman na inyong gawain at sa anuman na inyong inilihim, batid nila kung anuman ang inyong ginagawa mabuti man ito o masama.

Narrated by Abu Huraira The Prophet said, "Angels keep on descending from and ascending to the Heaven in turn, some at night and some by daytime, and all of them assemble together at the time of the Fajr and 'Asr prayers.

Then those who have stayed with you overnight ascend unto Allah who asks them, and He knows the answer better than they, "How have you left My slaves?" They reply, "We have left them praying as we found them praying.

“If anyone of you says Amin” (during the prayer at the end of the recitation of Surat-al-Fatiha), and the angels in Heaven say the same, and the two sayings coincide, all his past sins will be forgiven." [S. A. V.4 - H.no. 446]

KABILANG SA MGA PALATANDAAN AY ANG UNANG PAG-IHIP NI ANGHEL JIBRIL SA TRUMPETA

Qur’an 39:68. At hihipan ang Trumpeta, na sa pamamagitan nito ay mamamatay ang lahat ng nasa kalangitan at nasa kalupaan, maliban sa sinumang naisin ng Allâh (swt) na hindi mamatay, At doon sila ay nakatayo lahat na buhay mula sa kanilang libingan na nakamasid lamang at naghihintay sa anumang gagawin sa kanila.

KAPAG NAHIPAN NA ANG TRUMPETA BABANGONG MULI ANG MGA TAO MULA SA KANILANG MGA LIBINGAN

Quran 23:101. Pagkatapos, kapag dumating na ang Muling Pagkabuhay at nahipan na ng anghel na siyang itinalaga sa pag-ihip ng trumpeta, ay babangong muli ang mga tao mula sa kanilang mga libingan, na walang pagmamayabang hinggil sa kanilang lahing pinagmulan,

KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG PAGKALIKHA NI IBLEES (SATANAS)?

Quran 15:27. At nilikha rin ang ama ng mga ‘Jinn’ na si Iblees (‘Shaytân’) bago pa likhain si Âdam mula sa matinding init ng apoy na walang usok.

AT SINABI NI ALLAH (SWT) KAY SATANAS AT SA MGA ANGEL NA YUMUKO KAY ADAM (AS)

Quran 15:29. “At kapag hinugis Ko na siya (Adam) at binuo Ko na nang ganap ang kanyang anyo at naihinga Ko na sa kanya ang Aking Espiritu ay magpatirapa kayo sa kanya bilang paggalang at hindi pagsamba.”

Quran 15:31. Nagpatirapa sa kanya ang lahat ng mga Anghel bilang pagsunod nila sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at walang sinuman sa kanila ang tumanggi, subali’t si Iblees (Satanas) ay tumanggi na magpatirapa kay Âdam na kasama (noon) ng mga Anghel na nagpatirapa.

Quran 15:32. Sinabi ng Allâh () kay Iblees (Satanas): “O Iblees! Ano ang dahilan ng hindi mo pagpapatirapa na kasama ng mga anghel?”

Quran 15:33. Sinabi ni Iblees (Satanas) bilang pagpapakita ng pagmamataas at panibugho, “Hindi maaari sa akin na magpatirapa sa tao na ginawa Mo lamang mula sa pinatuyong luwad na itim na nagbabago ang kulay.”

SINABI NI ALLÂH (SWT) SA KANYA “LUMABAS KA MULA SA HARDIN”

Quran 15:34-35. dahil katiyakang ikaw ay pinagkaitan ng lahat ng biyaya at katiyakang mananatili sa iyo ang Aking sumpa at pagkalayo mula sa Aking awa, hanggang sa Araw na bubuhayin na mag-uli ang mga tao para sa paghuhukom at pagbabayad.”

Quran 15:36. Sinabi ni Iblees (Satanas): “O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Panatilihin Mo ako rito sa daigdig hanggang sa Araw na bubuhaying mag-uli ang Iyong mga alipin, na ito ay ang Araw ng Muling Pagkabuhay.”

Quran 15:37-38. Sinabi ng Allâh () sa kanya: “Katiyakan, ikaw ay kabilang sa mga inantala Ko ang kanilang kamatayan hanggang sa araw na mamamatay ang lahat ng mga nilikha pagkatapos ng pag-ihip ng unang trumpeta at hindi sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

Kaya, siya ay tinugunan tungo sa kahilingan na ito bilang dahan-dahan na pagpaparusa sa kanya na di niya namamalayan, upang siya ay manlinlang at maging ‘fitnah’ o pagsubok sa mga tao at mga ‘Jinn.’

Quran 15:39-40. Sinabi ni Iblees (Satanas): “O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Dahil sa pagmali at pagligaw Mo sa akin ay aakitin ko ang mga angkan ni Âdam sa mga kasalanan dito sa kalupaan, at ililigaw ko silang lahat mula sa Daan ng Patnubay, maliban sa mga alipin Mo na Iyong ginabayan at taos-puso sila sa pagsamba nang bukod-tangi sa Iyo, na sila ay hindi matutulad sa ibang mga nilikha Mo.”

Quran 15:41-42. Sinabi ng Allâh (): “Ito ang Matuwid na Daan patungo sa Akin at sa Tahanan ng Aking Karangalan.

Katiyakan, ang Aking mga alipin ay yaong taos-puso sa kanilang pagsamba at hindi kita bibigyan ng kakayahan na makuntrol ang kanilang mga puso para mailigaw sila mula sa Matuwid na Landas, subali’t ang kakayahan mo lamang ay sa mga yaon na sumunod sa iyo na mga naligaw na mga sumamba ng iba (bukod sa Allâh) na naging sapat sa kanila ang pangangasiwa mo at pagsunod sa iyo na sa halip ay pagsunod sa Akin.”

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top