KABILANG SA MGA TANDA NI ALLAH (SWT) AY ANG MATINDING PAGKAYANIG NG KALUPAAN

(ni: ahmad erandio)

 

Quran 22:1. O kayong mga tao! Katakutan ninyo ang parusa ng Allâh () sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal!

Katiyakan, ang mangyayari sa Oras ng pagkagunaw ng daigdig ay isang matinding pagkayanig ng kalupaan na isang malagim na pangyayari at kagimbal-gimbal na pangingisay ng kalupaan, dahil mabibiyak ang mga duluhan nito at ito ay isang bagay na napakasidhi na hindi kayang abutin ng sinuman kung gaano ito katindi at hindi kayang abutin ng kaisipan ang pagiging totoo nito na pangyayari.

Quran 22:2 Sa Araw na makikita ninyo ang pangyayaring ito, na ang isang ina na nagpapasuso ng sanggol ay makakalimutan niya ang kanyang pinasususong anak; dahil sa sidhi ng pangyayari, at mailalaglag ng nagdadalang-tao ang kanyang dala-dala dahil sa tindi ng takot, at mawawala sa sariling katinuan ang tao na iisipin mo na para silang nasa lubos na kalasingan dahil sa malagim na pangyayari at pagkatakot, gayong hindi naman sila mga lasing kundi ang nagpaalis sa kanila sa kanilang sariling katinuan ay ang sidhi ng kaparusahan.

Qur’an 78:20-26. At mawawala ang katatagan ng mga bundok, na ang mga ito ay maaalis mula sa mga kinalalagyan at magiging parang isang malikmata na lamang.

Katiyakan, ang Impiyernong-Apoy ay nakaabang sa mga walang pananampalataya dahil sa ito ay inihanda para sa kanila, na ito ang kanilang patutunguhan, at sila ay mananatili roon ng pagkahaba-habang panahon na walang patid at tuluy-tuloy na walang katapusan.

SUMUSUMPA ANG ALLAH(SWT)  

Quran 75:1-2. Sumumpa ang Allâh (swt) sa pamamagitan ng Araw ng Muling Pagkabuhay, at sumumpa rin Siya sa pamamagitan ng taong mananampalataya na natatakot na sinisisi niya ang kanyang sarili sa kanyang pagkukulang sa mga kabutihan at pagsagawa ng mga kasalanan.

Quran 75:3 Iniisip ba ng isang taong walang pananampalataya na hindi Namin kayang ipuning muli ang kanyang buto pagkatapos magkadurug-durog nito at kumalat?

Quran 75:4 Hindi ang kanyang inaakala ang katotohanan kundi walang pag-aalinlangan, kaya Naming buuin at pagsama-samahing muli sa pinakaangkop na ayos na pagkabuo, ang mga dulo ng mga daliri ng kanyang mga kamay at mga paa.

PINAGKAWALANG BAHALA LAMANG NILA ANG MULING PAGKABUHAY

Quran 75:5-6. Subali’t tinatanggihan ng tao ang Muling Pagkabuhay, na nais niyang manatili sa pagiging masama sa mga darating pang mga araw ng kanyang buhay, na tinatanong ng walang pananampalataya ng ito bilang pagtanggi sa pagkagunaw ng daigdig: “Kailan ba mangyayari ang Muling Pagkabuhay?”

END OF THE TOPIC

JAZAKALLAHU KHAIRAN


contact me pls. if you want to know more or embrace islam:

Email. This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

fb ahmad erandio

YouTube ahmad erandio

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top