المس توى الأول - LEVEL  ONE

Part 1

SILABUS

NG MGA ARALIN

PARA SA UNANG BAYTANG

PAUNANG SALITA

 

Sa Ngalan ni Allah Ang Maawain Ang Mahabagin

 Alhamdulillah, was-Salaatu was-Salaamu 'alaa Rasoolillaah wa 'alaa Aalihi wa Ashaabihi wa man Tabi'ahum bi-ihsaan ilaa yawmiddeen. Ammaa ba'd.

 

             

 Mga kapatid na mga mag-aaral, ang maliit na sinulat na ito ay upang magamit ninyo na gabay at mababasa sa ating pag-aaral. Ito ay pansamantalang translation mula sa aklat na ginagamit sa ating pag-aaral sa Islamic Studies Course Level – 1 at dinagdagan ng mga tinipon mula sa iba’t-ibang mga pamphlets na nakasalin sa Tagalaog, ayon sa mga paksang nakatakdang pag-aaralan sa level na ito. Nais naming ipagbigay-alam sa inyo na ito ay pansamantala at pang madalian lamang dahil hindi pa kompleto ang pagkagawa nito at hindi pa nabasa ng aking mga kasama upang iwasto kung mayroong mga dapat iwasto.  Ang totoo hindi pa namin ito na-review ng mabuti, alam kobatid naming posibleng may makikita kayong mga mali o hindi tama ang pagka type at pagka tagalog. Kaya kami ay humihingi ng paumanhin sa mga mag-aaral at sa sinumang posibleng makakabasa nito, huwag ninyong ilagay sa inyong mga isipan at kalooban na bakit namimigay sila ng ganitong materyales na mayroon pang maraming mali. Uulitin namin, ito po ay hindi pa tapos. 

 Hihingin rin namin ang inyong tulong na kahit ano o saang parte sa notes na ito ang makita ninyong mali, pakisabi nyo na lang sa amin upang ito'y aking maiwasto. Ang Allah ang magbibigay sa atin ng gantimpala ayon sa ating nilalayon. O Allah! Ibigay Mo po sa amin dito sa mundo ang kabutihan at ganoon din Huling Araw, at iligtas Mo po kami mula sa parusang Apoy. Ameen.   

Ust. Homer Pagayawan

Islamic Studies Section

2013

Mga Nilalaman

AL-QURAAN AL-KAREEM

 

 

ISLAMIC STUDIES FOR FILIPINO NEW MUSLIMS

المس توى الأول - LEVEL  ONE

PAUNANG SALITA

AL-QURAAN AL-KAREEM   Part 1

Unang Aralin - SOORATUL FAATIHA

Ikalawang Aralin - SOORAH AL-'ASR

Ikatlong Aralin - SOORAH AL-QADR

Ika-apat na Aralin - SOORAH AL-FEEL

Ikalimang Aralin - SOORAH AL-IKHLAAS

Ika-anim na Aralin SOORAH AN-NASR

Ikapitong Aralin - SOORAH AL-MASAD

Ikawalong Aralin - SOORAH AL-FALAQ

Ikasiyam na Aralin - SOORAH AN-NAAS

 

 

Unang Bahagi - Ang Mga Pamagat Ng Mga Mabababang Soorah

Unang Aralin - SOORATUL FAATIHA

Panimula

Binabasa ng isang Muslim sa kanyang pagdarasal ang Soorah Al-Faatiha, na ang bilang ng mga “aayah” o talata ay pito, nang labing-pitong beses sa bawat araw at gabi at higit pa kung itatayo rin niya ang mga Sunnah o boluntaryong pagdarasal. Ang pagsasalah ay hindi magiging katanggap-tanggap maliban lamang sa pagbabasa nito dahil ayon sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala): «Walang Salah na magiging katanggap-tanggap sa sinuman na hindi binasa ang panimula ng Aklat (Faatihatul Kitaab)». Bagama't sa ikli nito, pumapaloob dito ang kahulugan ng Banal na Qur-an at sakop nito ang pangunahin nitong mga layunin, kung kaya nailalahad dito ang mga panuntunan ng batas at mga sangay nito gayundin ang aqeedah o katuruan, pagsamba, pananampalataya sa Kabilang Buhay,

pananampalataya sa mga katangian ng Allaah, pagsuko sa Allaah at panalangin para sa katatagan sa pananampalataya at matuwid na pamamaraan ng mga mabubuting mananampalataya at sa pag-iwas sa mga gawain ng mga kinamumuhian at ng mga nangaligaw.

 At dahil sa kahalagahan at banal na katangian (ng Soorah Al-Faatiha), pinangalanan ito ng iba’t-ibang mga katawagan. Kinikilala ito bilang Ummul Kitaab (Ina ng Aklat), As-sab ‘ul Mathaani (Pitong Bersikulo), Waa-fiyya (Sapat), Kaafiyya (Ganap) kung kaya, ito ay nakapagbibigay ng liwanag sa mananampalataya at sa maka-Diyos na kabutihan, isinasara sa kanya ang mga pintuan ng kasamaan at binubuksan naman ang mga pintuan ng habag at awa.

Pagsasatitik:

1. Bismillaahir Rahmaanir Raheem. 

2. Alhamdu lillaahi Rabbil 'aalameen. 

3. Ar-Rahmaanir Raheem. 

4. Maaliki Yawmid Deen.

5. Iyyaaka na'budu wa iyyaaka nasta'een. 

6. Ihdinas Siraatal Mustaqeem.

7. Siraatal latheena an'amta 'alayhim ghayril   magh-dhoobi 'alayhim wa ladh dhaaalleeeen.

Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Magsimula ako sa Ngalan ng Allaah, bilang paghahangad ng tulong, gabay at katugunan Niya. Ang salitang Allaah ay Pangngalan Pantangi ng Rabb na Tagapaglikha, na Siya lamang ang nararapat na sambahin at wala nang iba pa. Ito ay bukod-tangi sa Kanyang mga Pangalan, at ito ay hindi maaaring ipangalan sa iba. Ang salitang Ar-Rahmaan, saklaw ng Kanyang habag ang lahat ng Kanyang mga nilikha. Ang salitang Ar-Rahmeen, labis-labis ang Kanyang awa at pagmamahal nang ganap sa mga mananampalataya. Na ang dalawang ito (ang Ar-Rahmaan at ArRaheem) ay kabilang sa Kanyang mga Pangalan. 

2. Alhamdu lillaahi Rabbil 'aalameen. 

2. Ang lahat ng papuri ay nararapat lamang sa Allaah na Rabb na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang. Ito ay papuri ng Allaah sa Kanyang sarili, na kalakip ang Kanyang pag-uutos sa Kanyang mga alipin (na Siya ay purihin nila). Na Siya lamang ang karapat-dapat (sa mga paruring) ito dahil Siya lamang  ang lumikha ng lahat, ang Tagapangasiwa nito, ang Tagapangalaga sa lahat ng Kanyang nilikha sa pamamagitan ng Kanyang mga biyaya; at pamamatnubay Niya sa Kanyang tunay at minamahal na mga alipin tungo sa Eemaan (Pananampalataya) at paggawa ng mabuti.

3. Ar-Rahmaanir Raheem.  

3. Ang salitang Ar-Rahmaan, saklaw ng Kanyang habag ang lahat ng Kanyang mga nilikha. Ang salitang Ar-Raheem, labis-labis ang Kanyang awa at pagmamahal nang ganap sa mga mananampalataya. Na ang dalawang ito (ang Ar-Rahmaan at ArRaheem) ay kabilang sa Kanyang mga Pangalan.

4. Maaliki Yawmid Deen.

Siya (Luwalhati sa Kanya) lamang ang Bukod-Tanging Nagmamay-ari at Mangangasiwa sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at ito ang Araw ng pagbibigay ng kabayaran sa lahat ng mga gawain. At ang Kanyang pagiging bukod-tangi sa Pagmamay-ari at Pangangasiwa sa Araw ng Paghuhukom, dahil walang sinuman ang mag-aangkin.

5. Iyyaaka na'budu wa iyyaaka nasta'een.

Ikaw lamang ang aming susundin at sasambahin, at Ikaw lamang ang aming hihingian ng tulong sa lahat ng aming pangangailangan. Lahat ng bagay ay nasa Iyong Kamay, walang sinuman ang nagmamay-ari ng anuman na kahit na katitingna-katiting na bagay, kundi Ikaw lamang.

6. Ihdinas Siraatal Mustaqeem.

Turuan Mo kami, patnubayan at gabayan patungo sa matuwid na Landas. Patatagin Mo kami, (sa Landas na yaon) hanggang sa Ikaw ay aming makatagpo, at ito ang Islam, ang maliwanag na daan patungo sa pagmamahal ng Allaah at tungo sa Kanyang Al-Jannah (Hardin, isinaling Paraiso). Ito ang itinuro ng Huling Sugo na nauna kaysa sa kanya. Katiyakan, walang anumang daan patungo sa tunay na kaligayahan ng isang alipin kundi ang pagiging na Matuwid sa Islam.

7. Siraatal ladheena an'amta 'alayhim, Ghayril maghdoobi 'alayhim wa ladh Dhaaalleeen.

Daan ng mga pinagkalooban Mo ng biyaya, ang mga Propeta, mga matapat, mga namatay ng Shaheed, nagpupunyagi sa Daan ng Allaah o nakipaglaban nang alangalang sa Allaah, at mga mabubuti; silang mga pinatnubayan at matutuwid.

At huwag Mo kaming ihanay sa mga nagtungo sa daan ng mga isinumpa, yaong mga nakaaalam ng katotohanan subali't ito ay kanilang tinanggihan, ang mga Hudyo at ang mga gumaya sa kanila. Ganoon din ang mga naligaw, yaong mga tumanggi at nawala nang pagkalayo-layo mula sa katotohanan, ang mga yaong nag-aangking tagasunod ni 'Eesaa (Hesus alayhis salaam) na nasa labas ng Islaam, at sa sinumang sumusunod sa kanila.

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Alhamdulillaah Ang papuri sa Allaah na Makapangyarihan
Rabbil 'aalameen Nagmamay ari sa lahat ng mga nilikha, (kabilang) ang sangkatauhan, mga jinn (mga nilikhang hindi nakikita) at mga Anghel.
Ar-Rahmaanir Raheem Ang May-awa, Ang May habag            

Maaliki Yawmid

Deen

Ang Makapangyarihan sa Araw ng Paghuhukom at wala Siyang katuwang sa Kanyang pagbibigay hukom.
Iyyaaka na'abudu Itinatangi ko lamang sa Iyo ang aking pagsamba.
Iyyaaka nasta'een Itinatangi ko lamang sa Iyo ang paghingi ko ng tulong.
Ihdinas Siraatal Mustaqeem Patnubayan Nyo po kami sa Matuwid na Landas (Ya Allaah tungo sa matuwid na landas),

Siraatal ladheena

an'amta 'alayhim

Sa landas Inyong mga Pinagpala, (Nang mga Propeta, ng mga tapat, ng mga martir, at ng mga matutuwid na mananampalataya).

Ghayril              maghdoobi

'alayhim

At hindi sa landas na umani ng Iyong Poot, (Hindi ang landas ng mga Hudyo)
Wa ladh dhaaalleeen At ng mga nangaligaw. (At hindi ang landas ng mga kristiyano dahil sila ay mga ligaw sa katotohanan). 

Kabuuang kahulugan:

                                          Itinuturo ng Soorah Al-Faatiha sa isang Muslim ang pakikitungo sa kanyang

Panginoon at ito ay nahahati sa dalawa; una ay ang pagpupuri sa Allaah na Makapangyarihan at pangalawa ay ang panalangin at pagsusumamo sa Kanya. Kaya kapag nais ng isang Muslim na manalangin, makabubuti na unahin niya ang pagpupuri sa Allaahu Ta’aala at saka siya manalangin ng anuman na nais niya dahil ang Allaah ay katiyakang tutugon sa kanyang dasal; sa gayundin, ang pagbigkas ng Soorah AlFaatiha sa pagdarasal ay pagbubukas para sa isang Muslim ng malaking pintuan ng karangalan at ito ay ang pakikipag-usap niya sa Allaahu Ta’aala na ayon sa nabanggit sa Hadeeth Qudsee: Ang Allaah ay nagsabi: (Hinati ko ang Salaah sa pagitan ko at ng Aking alipin sa dalawa: kapag binigkas ng alipin (mananalangin) ang: Alhamdulillaahi

Rabbil ‘aalameen, sasabihin ng Allaah: Dinakila ako ng aking alipin. At kapag binigkas ang: Ar-Rahmaanir Raheem, sasabihin ng Allaah: Ako ay pinuri ng aking alipin. At kapag binigkas ang: Maaliki Yawmid-Deen, sasabihin ng Allaah: Ako ay dinakila ng aking alipin. At kapag binigkas ang: Ihdinas-Siraatal Mustaqeem Siraatal ladheena an'amta 'alayhim Ghairil maghdoobi alayhim Wa ladh dhaaalleen, sasabihin ng Allaah: Ito ay sa pagitan ko at ng aking alipin, at mapasa aking alipin ang anumang kanyang hiniling. Dahil dito, si 'Umar bin Abdul Aziz (radhiyallaahu 'anhu) binibigkas niya ang Al-Faatiha nang bawat aayah, at humihinto siya sa pagitan ng mga ito, kaya nang tanungin siya kung ano ang dahilan ng kanyang paghinto; sagot niya: Dahil sa katotohanan, tinuruan tayo ng Allaahu Ta’aala kung paano natin Siya purihin, luwalhatihin at dakilain nang ayon sa pamamaraan na natatangi sa Kanya. Ang Allaah ay Dakila, Makapangyarihan, Ang tanging Tagapaglikha ng mga tao, Jinn at Anghel. Sakop ng Kanyang habag ang lahat, at napapaloob sa Kanyang awa ang lahat ng nilalang sa pamamagitan ng pagkakaloob Niya ng biyaya sa Kanyang mga mananampalataya mula sa paglikha, pagbibigay biyaya at paggabay sa kanila sa matuwid na landas.

 Ang Allaah ay Ang Iisa at pagkatangi-tanging Diyos na karapat-dapat sa lahat ng uri ng papuri at pagluwalhati. Siya ang may dakilang habag at walang hanggang kabutihan. Siya rin ang tanging Tagapaghatol, Tagapaghukom, at Ang Makapangyarihan sa Araw ng Paghuhukom; dahilan upang Siya lamang ang tanging hinihingan ng tulong ng isang Muslim; walang ibang sinasamba maliban sa Kanya; nagpapasakop sa Kanya; nagpapakumbaba; takot na isinusuko ang sarili; humihiling sa Kanya ng katatagan sa pananatili sa landas ng mga Propeta, ng mga matutuwid na mananampalataya, ng mga martir at ng mabubuting mga mananampalataya. Hinihiling din sa Kanya ang ilayo Niya siya sa landas ng mga kinamumuhian niyang mga Hudyo at ng mga nangaligaw na Kristiyano.

Pagsasanay:

1- Isulat sa tamang patlang ang sumusunod na mga salita ng Banal na Soorah (Al-

Faatiha):  (Rabbil,   Deen, Siraatal, An-Amta, Al-Maghdoobi)

  1. Bismillaahir Rahmaanir Raheem.  2. Alhamdu lillaahi ………………..…………  'aalameen. 3. Ar-Rahmaanir Raheem.  4. Maaliki Yawmid …….……….…………. 
  2. . 5. Iyyaaka na'budu wa iyyaaka nasta'een.  6. Ihdinas ……………………..…Mustaqeem. 

 Idugtong ang mga sumusunod na salita sa tama nitong kahulugan:

                     Salita                            Kahulugan
Alhamdulillaah                                Ang nagtataglay ng awa
Ar-Rahmaan,  Ar-Raheem               Pagpupuri sa Allaah
Iyyaka na'budu                                Ang Landas
As-Siraat                                          Tanging ikaw ang aming sinasamba
Rabbul 'Aalameen                           Ang Hari ng lahat ng nilikha mula sa mga tao, jinn at mga anghel

                                                                      

2-    Bumanggit ng tatlo mula sa mga pangalan ng Soorah Al-Faatiha:

a..……………………………………………….…………………….………………

b.…………………………………………….……………………….……………….

k. ………………………………………………….…………..………..…………….

4-     Ano ang mga bagay na hinihikayat ng Soorah Al-Faatiha?

……………………………………………………………………….…………………

…………………………………………………………………………………………

5-     Magbanggit ng dalawa mula sa mga itinuturo ng mga Banal na Talata ng Soorah

Al-Faatiha. …………………………………………………………………………….

…………………………………………………….……………………………………

Gawaing Bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-Faatiha

Ikalawang Aralin - SOORAH AL-'ASR

Panimula

Ang Soorah Al-‘Asr ay isang Makkiyyah (Kabanata ng Qur-an na ipinahayag sa Makkah) at ang mga aayah nito ay tatlo. Ipinahayag ito nang napakaikli at napakaliwanag upang makapagbigay linaw sa mga dahilan ng ikaliligaya at ikapagtatagumpay ng tao o ng kanyang ikabibigo sa buhay at ikapapahamak.

Katiyakan na ang Allaahu Ta’aala ay sumumpa sa Al-'Asr, at ito ay ang panahon na nakatakda ang katapusan ng buhay ng tao, ng anumang pumapaloob na nakamamanghang mga pangyayari rito at ng mga kaalaman na tumutukoy sa kakayahan at kapangyarihan ng Allaah; na sadyang ang sangkatauhan ay nasa loob ng kawalan at kakapusan maliban lamang sa sinumang nagtataglay ng apat na katangian na binanggit sa loob ng Soorah (Al-'Asr) at ito ay ang mga sumusunod: Pananampalataya - Mabubuting gawa - Pagpapayo sa katotohanan- Pangungunyapit sa Pagtitiis; at ang mga katangian na ito ay itinuturing na mga pundasyon ng kabutihan at pundasyon ng relihiyon kaya sinabi ni Imam Al Shaafi'ee (kaawaan nawa siya ng Allaah): "Kung wala ng iba pang ipinahayag ang Allaah maliban sa Soorah na ito, makasasapat na ito".  

Pagsasatitik:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Wal 'Asr. 2. Innal insaana lafee khusr. 3. Illal ladheena aamanoo, wa amilusSaalihaat, wa tawaasaw bil Haqq, wa tawaasaw bis Sabr.

Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

  1. Wal 'Asr. 2. Innal insaana lafee khusr.
1-2. Sumumpa ang Allaah sa pamamagitan ng panahon na walang pag-aalinlangang ang lahi ni Aadam ay nasa pagkawasak at pagkatalo.

3. Illal ladheena aamanoo, wa amilus-Saalihaat, wa tawaasaw bil Haqq, wa tawaasaw bis Sabr.

3. Maliban sa kanila na naging mananampalataya at gumawa ng mabubuting gawa, at nagpayuhan sila sa isa't isa sa pananatili sa katotohanan, at pagsunod sa kagustuhan ng Allaah, at pagtitiis para rito. 

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Al- 'Asr Ang panahon 
Khusr Ang Kawalan at Kapahamakan
Aamanoo

Paniniwala sa Allaah, sa Kanyang mga Anghel, sa

Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo at sa Huling Araw (ng Paghuhukom).

As-Saalihaat Ang mga gawain na  nagdudulot ng kabutihan sa tao at hindi nakapipinsala sa sinuman.
Tawaasaw Pagbibigay payo sa isa’t isa.
Al-Haqq Lahat ng kabutihan.
As-Sabr Lakas ng loob sa pagtitiis ng hirap sa paggawa ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan.

             

Kabuuang kahulugan:

 Nabanggit sa Banal na Soorah na ito na ang Allaah ay sumusumpa sa panahon, at ito ay ang paglipas ng gabi at araw nang ayon sa ganap na kaayusan at pamamaraan. Ito rin ang panahon ng liwanag at dilim, ng init at lamig, ng kaganapan ng mga gawain ng tao mabuti man o masama. Dahil dito, maituturing na ang tao ay ligaw at sawi sa pagtahak niya sa kasamaan at sa pagsunod niya sa sariling layaw (na masama). Ang panahon ay walang kinalaman sa kanyang pagkaligaw at pagkasawi dahil ang bawat sandali ay dumadaan sa buhay ng tao at nagbibigay ito ng babala sa pagsapit ng kanyang katapusan.  Ayon pa sa isang makata:

(Tunay na tayo ay nagsasaya sa mga araw na ating pinalilipas * Subalit ang bawat araw na lumipas ay bawas sa nakatakdang oras).

 At walang sinuman ang makaliligtas mula sa pagkaligaw at pagkapahamak maliban sa mga nananalig sa Allaahu Ta’aala, nananampalataya sa Kanyang mga Aklat at Sugo, gumagawa ng mga gawaing nakapagdudulot ng kabutihan at hindi nakapipinsala ng iba, nag-iimbita sa bawat isa tungo sa pagtalima sa katotohanan, sa paggawa ng kabutihan, sa pagsasanay sa sarili upang tiisin ang hirap ng paggawa ng kabutihan at sakripisyo sa pagbabawal sa sarili mula sa mga makamundong pagnanasa at kasamaan.

Pagsasanay:

1- Isulat sa tamang patlang ang sumusunod na mga salita ng Banal na Soorah (Al

‘Asr):   

(Insaana, Khusr, Aamanoo, As-Saalihaat, Bis-Sabr)

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

  1. Wal 'Asr. 2. Innal ………..………… lafee ……….....……. 3. Illal ladheena …………………..…… wa 'amiloo ………….………..………. wa tawaasaw bil haqqi wa tawaasaw …………………..……….  . 
  2. Idugtong ang sumusunod na mga salita sa tama nitong kahulugan:
Ang Salita Ang kahulugan
Al- 'Asr Ang panahon.
Khusr Ang Kawalan at Kapahamakan.
Aamanoo Paniniwala sa Allaah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo at sa Huling Araw (ng Paghuhukom).
As-Saalihaat Ang mga gwain na nagdudulot ng kabutihan sa tao at hindi nakakapinsala sa sinuman.
Tawaasaw Pagbibigay payo sa isa't-isa.

2-    Sa ano sumumpa ang Allaah sa umpisa ng Banal na Soorah na ito?

…………………………………………………………………………………………..  

3-    Paano makakamit ng tao ang kaligayahan dito sa mundo at sa kabilang buhay?

a …………………………………………………………………………………………

b …………………………………………………………………………………………

k …………………………………………………………………………………………

d …………………………………………………………………………………………

 5- Bumanggit ng dalawa mula sa mga itinuturo ng mga Banal na Aayat ng Soorah Al-

‘Asr.  ……………………………………………………………………..…………….………

………………………………………………………………..………………………….

Gawaing Bahay:

 Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-‘Asr.

Ikatlong Aralin - SOORAH AL-QADR

 Panimula

 Ang Soorah Al-Qadr ay isang Makkiyyah (Kabanata ng Qur-aan na ipinahayag sa Makkah) at ang mga bersikulo nito ay lima. Ito ay tumatalakay sa pag-umpisa ng pagpapahayag sa Banal na Qur-aan at sa mga natatanging kahalagahan ng Laylatul Qadr kumpara sa ibang mga araw at buwan at ito ay dahil sa pagkakaroon nito ng mga liwanag, milagrosong palatandaan, mga biyaya ng Diyos na Makapangyarihan sa Kanyang mga mananamplataya bilang pagbibigay dangal sa kapahayagan ng Banal na Qur-aan. Tumatalakay din ito sa pagpanaog ng mga Butihing Anghel hanggang madaling araw. Ano nga ba, at tunay ngang nakamamangha ang pagkakaroon nito ng

Dakilang Gabi ng Qadr dahil ang (isang) gabi na ito sa Allaahu Ta’aala ay nakahihigit (ang kabutihan) sa isang libong buwan.  

Pagsasatitik:                            

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Innaaa Anzalnaahu fee Laylatil Qadr.  2. Wa maaa adraaka maa Laylatul Qadr. 3. Laylatul Qadri khayrum min alfi Shahr. 4. Tanazzalul Malaaikatu war Roohu feehaa, bi idhni Rabbihim min kulli amr. 5. Salaamun hiya hattaa matla'il fajr.

 Kahulugan:                           

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Innaa Anzalnaahu fee Laylatil Qadr.

1. Katiyakan, ibinaba Namin ang Qur-aan sa gabi ng Qadr – na ito ay gabi ng karangalan, na ito ay sa buwan ng Ramadhaan.

2. Wa maa adraaka maa Laylatul Qadr.

2. At ano ang makapagpapatid sa iyo, O Muhammad, kung ano ang gabi ng Qadr, na dakila at pinarangalan na gabi?

3. Laylatul Qadri khayrun min alfi Shahr.

3. Ang gabi ng Qadr ay gabi na biniyayaan sa isang libong buwan na pagsamba, na wala sa ibang gabi ang ganitong katangian.

4. Tanazzalul Malaaikatu war Roohu feehaa bi idhni Rabbihim min kulli amr.

4. Na sa gabing yaon ay bumababa ang maraming mga anghel at ang anghel na si Jibreel (a.s.) sa kapahintulutan ng kanilang Rabb na Tagapaglikha upang gawin ang anumang pinagpasiyahan ng Allaah sa taong (year) yaon.

5. Salaamun hiya hattaa matla'il fajr.

5. Na sa gabing yaon ay punong-puno ng kapayapaan, na walang anumang hindi kanais-nais na mangyayari hanggang sa pagsikat ng Fajr.

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Anzalnaahu Aming sinimulan ang pagpapahayag ng Banal na Qur-aan kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Laylatul Qadr Gabi ng Karangalan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng rebelasyon kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa buwan ng Ramadhaan.
Maa adraaka? Sino ang nagbigay kaalaman sa iyo?
Tanazzalul Malaaikah Nagkatawang tao para sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang mga Anghel at nakita nga niya sila sa gabing iyon; at ang pinagmulan ng salita ay: Tatanazzalu.
Ar Rooh Siya ang Anghel na si Jibreel ang tagapagdala ng kapahayagan.
Amr Alituntunin  na may dulot na kabutihan sa mga tao
Salaam Ligtas mula sa kasamaan at kapahamakan

Kabuuang kahulugan:

 Sinimulan ng Allaahu Ta’aala ang pagpapahayag sa Banal na Qur-aan sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa gabi na tinawag na (Laylatul Qadr)  (gabi ng kapasyahan) at isa sa mga gabi na napapaloob sa mapagpalang buwan ng Ramadhaan. Itinuturing din ito bilang isang malaking gabi ng karangalan na binigyan ng kahalagahan ng Allaah at ginawa Niya itong nakahihigit sa isang libong buwan dahil dito Niya pinili ang pinuno ng mga sugo upang maging gabay ng lahat ng sangkatauhan, at ipinadala sa kanya ang mga anghel na mararangal kasama ang anghel na si Jibreel na mapagkakatiwalaan, na nagdadala ng mensahe ng

Allaahu Ta’aala para sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng

Allaah) at ng mga kautusan na kung saan ay napapaloob ang patnubay sa sangkatauhan at liwanag. At dahil sa laki ng kabutihan at kadakilaan ng gabing ito, ginawa ito ng Allaah na ligtas at mapayapa sa sangkatauhan mula sa pag-uumpisa nito hanggang sa madaling araw.

 At ang ibig sabihin ng pagpapahayag sa Banal na Qur-aan, ay ang pagpapahayag nito galing sa Lawhul Mahfoodz (Pinahahalagahang Papel) nang isang beses o minsanan patungo sa kalangitan ng daigdig at ipinahayag sa pamamagitan ni Anghel Jibreel dito sa mundo sa loob ng dalawampu't tatlong taon. At sa katiyakan, ayon sa pananaw ng mga  Mufassiroon (mga taong nagbibigay sa mga kapaliwanagan ng Banal na Qur-an) na ang isang gawaing mabuti sa loob ng Laylatul Qadr ay mas nakahihigit sa gawain sa loob ng isang libong buwan na wala sa loob nito ang Laylatul Qadr. 

Pagsasanay:

1- Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang patlang:

(Qadr, Laylatul, Khayrun, Alfi, Malaaikatu)

 Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Innaa Anzalnaahu fee laylatil ……………… 2. Wa maa adraaka maa ……………... qadr. 3. Laylatul Qadri ………..…………. min ………….………. Shahr.

4. Tanazzalul ……………………… war Roohu feehaa bi idhni Rabbihim min kulli amr. 5. Salaamun hiya hattaa matla'il fajr.

2-    Idugtong ang mga salita sa tama nitong kahulugan:

Anzalnaahu Aming sinimulan ang pagpapahayag ng Banal na Qur-aan kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Laylatul Qadr Gabi ng Karangalan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng rebelasyon kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa buwan ng Ramadhaan.
Ar Rooh Alituntunin  na may dulot na kabutihan sa mga tao.
Amr Siya ang Anghel na si Jibreel ang tagapagdala ng kapahayagan.
Salaam Ligtas mula sa kasamaan at kapahamakan.

3-    Ipaliwanag ang mga yugto ng kapahayagan ng sa Banal na Qur-aan sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala)?

a…………………………………………………………………………..……………..   b…………………………………………………………..…………………………...

4-    Bakit nakahihigit para sa Allaah ang (Laylatul Qadr) kaysa sa ibang mga araw? 

………………………………………………………………..………………………... 

…………………………………………………………..……………………………...

…………………………………………………………….…………………………...

5-    Bumangit ng dalawang bagay na itinuturo ng mga Banal na Aayaat:

a………………………………………………………………………….……………... b………………………………………………………………………………………...

 Gawaing Bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-‘Qadr.

Ika-apat na Aralin - SOORAH AL-FEEL

 

 

Panimula

 Ang Soorah Al-Feel ay isang Makkiyyah (Kabanata ng Qur-aan na ipinahayag sa Makkah) at ang (bilang ng) mga bersikulo nito ay lima. Tumatalakay ito sa kuwento ng mga may-ari ng Elepante na nagbalak wasakin ang Ka'bah subalit ibinalik ng Allaah sa kanilang mga sarili ang masama nilang hangarin na ito at bagkus, pinotrektahan ang Kanyang Bahay (Ka'bah) mula sa kanilang karahasan at kalupitan. Nagpadala rin ang Allaah laban sa mga hukbo ni Abraha Al-Ashram ng pagkaramiraming Niyang mga nilikha, at ito ay ang mga ibon na may bitbit sa kani-kanilang mga paa at tuka na mga batong maliliit na higit na nakapamiminsala kaysa balang nakamamatay hanggang sa nangawasak silang lahat at naparusahan ng Allaah at napuksa ang kahulihulihan sa kanila. Ang mahalaga at makasaysayan na pangyayaring ito ay naganap sa taon ng kapanganakan ng pinuno ng mga nilikha na si Muhammad na anak ni Abdullah (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) noong taong limang daan at pitumpo (570 AD). Itinuturing ang kaganapang ito bilang isa sa mga dakilang tanda sa pagpapatunay ng kanyang pagka Propeta, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.

Pagsasatitik:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Alam tara kayfa fa'ala Rabbuka bi Ashaabil Feel. 2. Alam yaj'al kaydahum fee tadhleel.  3. Wa arsala ‘alayhim tayran abaabeel.  4. Tarmeehim bihijaaratim min sijjeel. 5. Faja'alahum ka'asfim ma`kool.

Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Alam tara kayfa fa'ala Rabbuka bi Ashaabil.

1. Hindi mo ba nabalitaan, O Muhammad, kung ano ang ginawa ng iyong Rabb na Tagapaglikha, sa mga nagmamay-ari ng Elepante: na si Abrahah Al-Ashram na tagaAbysinnia at ang kanyang mga sundalo, na ang hangarin nila ay wasakin ang Ka'bah sa Makkah?

2. Alam yaj'al kaydahum fee tadhleel.

2. Hindi ba Niya ginawa ang kanilang masamang balakin na hindi maganap?

  1. Wa arsala alayhim tayran abaabeel.  4. Tarmeehim bihijaaratim min sijjeel.
3-4. At nagpadala Siya laban sa kanila ng mga ibon, na napakarami, na pinagbabagsakan sila ng mga batong Sijjeel na gawa na mainit na luwad.

5. Faja'alahum ka'asfim ma'kool.

5. At para silang nagmimistulang mga nawasak na mga pananim sa bukirin na ang mga bunga nito ay parang kinain ng mga hayop at itinapon ang tangkay.

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Kaydahum Kanilang katusuhan at panlilinlang.
Tadhleel Pagkasira at pagkawala ng bisa o kuwenta.
Abaabeel Mga grupong kalat-kalat.
Sijjeel Putik na nagiging tulad sa bato ang tigas.
Ka'asfim Parang dahon na tuyo. 
Ma'kool Uri ng pagkain na sa loob nito ay buto.

Kabuuang kahulugan:

 May isang hari sa Yemen na nagngangalang Abraha Al Ashram na nagpatayo sa bayan ng San'aa ng malaking simbahan na pinalalamutian ng mga bato na inukit sa ginto. Binalak niyang wasakin ang Ka'aba upang ilihis ang mga tao sa pagsasagawa ng Hajj at maisagawa ito sa kanyang simbahan; kaya naghanda siya ng isang malaking hukbo at nagtungo kasama ng mga ito papuntang Makkah upang wasakin ang Ka'abah. Isinama rin ni Abraha ang isang malakas at napakalaking elepante at nang malapit na ang kanyang hukbo sa Makkah Al-Mukarramah, iniutos niya na agawin ang mga kayamanan ng mga arabo at ang kani-kanilang mga kamelyo, na kung saan, ang isa sa mga ito ay pag-aari ni Abdul-Muttalib na anak na lalaki ni Hashim, ang lolo ng Propeta at kinikilalang pinuno ng mga Quraish sa panahon na iyon. Pinuntahan ni Abdul

Muttalib si Abraha at nang siya ay makapasok, napansin ni Abraha ang matipuno niyang pagka lalaki, ang kanyang pagiging kagalang-galang at kagitingan kaya hinarap siya nito nang maayos, pinaupo sa kanyang tabi at tinanong ang kanyang pakay. Ang sabi ni Abdul Muttalib: “Ang pakay ko ay ang maibalik sa akin ng Hari ang aking kamelyo”. Ang tugon naman sa kanya ni Abraha: “Kinakausap mo ba ako para sa iyong kamelyo at pababayaan ang Ka’aba na sa katotohanan, naparito ako upang wasakin ito”? Sagot sa kanya ni Abdul Muttalib: “Ako ang nagmamay-ari ng kamelyo at ang Ka’bah ay may Rabb (Diyos) na Nagmamay-ari na mangangalaga para rito”.  Ibinalik sa kanya ni Abraha ang kamelyo at nagpasyang gibain ang Ka'bah. At nang kinaumagahan, pinaharap ni Abraha sa kinaroroonan ng Ka'bah ang kanyang hukbo at sa unahan ng mga ito ay ang mga Elepante, subalit nang mapalapit na sila (sa Ka’bah), bumalikwas ang mga Elepante dahil sa takot at pagkasindak. Sinikap muling paharapin ito ng mga kawal ni Abraha patungong Ka’aba subalit hindi nila ito nakaya. Kasunod nito, nagpadala ang Allaahu Ta’aala ng grupo-grupong mga ibon na may dala-dalang maliliit na mga bato na may taglay na mga mikrobyo na (nagiging sanhi) ng bulutong tubig at tigdas at ipinagpupukol ito kay Abraha at sa kanyaang hukbo hanggang sa sila ay nangamatay. Naipagtanggol ng Allaah ang Sagradong Bahay mula sa kasamaan ng Kanyang mga kaaway na mapang-api. 

 Pagsasanay:

1- Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang patlang:

(Rabbuka,   Feel,   Abaabeel,   Sijjeel,   Ma'kool)

 Bismillahir Rahmaanir Raheem

  1. Alam tara kayfa fa'ala ………………….… bi ashaabil …………….…………  .
  2. Alam yaj'al kaydahum fee tadhleel. 3. Wa arsala 'alayhim tayran …….………… .

4. Tarmeehim bi hijaaratin min …….……. .   5. Faja'alahum ka'asfin ……..….….  .

2- Idugtong ang mga salita sa tama nitong kahulugan:

Kaydahum Pagkasira at pagkawala ng bias.
Tadhleel Kanilang katusuhan at panlilinlang.
Abaabeel Putik nagiging tulad sa bato ang tigas.
Sijjeel Mga grupong kalat-kalat.
Ka'asfim Parang dahon na natuyo.
Ma'kool Uri ng Pagkaing may buto sa ilalim.

3-Ano ang sinabi ni Abdul-Muttalib na anak na lalaki ni Hashim kay Abraha nang sabihin niya ang kanyang hangad na wasakin ang Ka'bah?

….………………………………………………………………………………………

…………………………………………………………………………………………

4- Ano ang parusang ginawa ng Allaah kay Abraha Al-Ashram at sa kanyang mga kawal? 

………………………………………………………………………………………… 

…………………………………………………………………………………………

5- Bumangit ng dalawang bagay na itinuturo ng mga Banal na Aayah:

a………………………………………………………………………………………

 b ………………………………………………………………………………………..

 Gawaing Bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-Feel.

Ikalimang Aralin - SOORAH AL-IKHLAAS

Panimula

Ang Soorah Al-Ikhlaas ay isang Makkiyyah (Kabanata ng Qur-aan na ipinahayag sa Makkah) at ang (bilang ng) mga bersikulo nito ay apat. Tumatalakay ito sa mga katangian ng Allaahu Ta’aala, ang Tanging Iisang Diyos, Ang May-angkin ng Lahat ng Kompletong Katangian, Dalisay at Hindi Nagtatangi ng anumang kakulangan at Siya Ang Makapangyarihan sa lahat at hindi nangangailangan ng sinuman na maliban pa sa Kanya. Sa pamamagitan ng Soorah Al Ikhlaas, binigyan ng kasagutan ng Allaahu Ta’aala ang mga Kristiyano laban sa paniniwala nila sa Trinidad at gayundin sa mga Mushrikeen o ang mga taong kumikilala at sumasamba sa mga diyos-diyosan at sa mga Pagano na tinagurian ang Allaahu Ta’aala na may angkan at mga anak.  

Pagsasatitik:

Bismillahir Rahmaanir Raheem

1.  Qul Huwal laahu Ahad.   2. Allaahus Samad.   3. Lam yalid wa lam yoolad. 

4.  Walam yakul lahoo kufuwan ahad.

 Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Qul Huwal laahu Ahad.

1. Sabihin mo, O Muhammad, Siya ang Allaah na Ahad – Bukod-Tangi at Nag-iisa na ang pagsamba ay para sa Kanya, na wala Siyang katambal na kahit na sinuman.

2. Allaahus Samad.

2. Ang Allaah ay As-Samad - ang Bukod-Tangi na inaasahan ng Kanyang mga nilikha sa lahat ng kanilang pangangailangan, Ganap, walang kakulangan at walang pangangailangan.

3. Lam yalid wa lam yoolad. 

3. Kailanman ay hindi Siya nagsilang at kailanman ay hindi Siya nagkaroon ng anak, at kailanman ay hindi Siya isinilang o ipinanganak at wala Siyang asawa.

4.  Walam yakul lahoo kufuwan ahad.

4. At wala Siyang pangnilikhang katangian at kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-taasan. 

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Allaah Ang Diyos na iyong sinasamba.
Ahad Iisa at walang panginoon (na dapat sambahin) maliban sa Kanya.
As-Samad Ang Panginoon na Tanging tinatawagan at sinasandalan nila sa kanilang pangangailangan.
Lam yalid Wala Siyang Anak, ni lalaki man o babae.
Lam yoolad Wala Siya ni Ama man o Ina.
Kufuwan Katulad o katambal.

Kabuuang kahulugan:

 Ipinag-utos ng Allaahu Ta’aala sa Banal Niyang Sugo ang sabihin sa mga nangungutyang mga pagano at sa mga sumasamba sa mga diyos-diyosan na: “Tunay na ang Panginoon ko na aking sinasamba at ang itinatawag ko sa inyo upang sambahin

ninyo ay Iisa. Wala Siyang katambal at kahalintulad; wala siyang kapareho sa Kanyang Dhaat (o sa Kanyang Katangian at maging sa Kanyang mga gawain). Sa katotohanan, Siya ay Iisa at hindi ang tulad ng pagkakilala ng mga Kristiyano ayon sa pinaniniwalaan na Trinidad (ang ama, ang anak at ang espiritu santo). At hindi rin tulad ng pinaniniwalaan ng mga Pagano sa pagkakaroon ng maraming diyos. Ayon sa nabanggit sa aklat "At-Tasheel Li-'Uloomet-Tanzeel": (Dapat malaman na ang pagkilala sa Allaahu Ta'aala bilang Iisa ay may mga kahulugan at lahat ng ito ay tama bilang pagtatangi sa Kanya, Ang Makapangyarihan sa lahat). 

  1. Katotohanan na Siya ay Iisa, walang pangalawa at ito ay tinatawag na pagtatanggi nang mariin sa bilang. 

Katotohanan na Siya ay walang kapareho.

  1. Katotohanan na Siya ay Iisa hindi maaaring mahati.

At ang ibig ipakahulugan ng Soorah (Al-Ikhlaas), ay ang mariing pagtanggi sa pagtatambal bilang tugon laban sa mga Mushrikeen. Katunayan, inilahad ng Allaahu

Ta’aala sa Banal na Qur-aan ang mga sagradong pagpapatunay sa Kanyang Kaisahan (sa pagka Diyos ng sangkatauhan).

Kaya ang Allaahu Ta’aala, walang sinuman o anuman ang makahahalintulad sa Kanya. Hindi maaaring magkaroon Siya ng anak dahil ang anak ay hindi mangyayari o mabubuo maliban sa pagkakaroon ng asawa. At hindi rin Siya ipinanganak, ni mula sa sinumang ama o ina dahil ang lahat ng ipinanganak ay maituturing na bagong pangyayari subalit ang Allaahu Ta’aala ay walang pinagmulan at walang hangganan pagpapatunay na hindi maaari na Siya ay ipinanganak o ang magkaroon ng magulang dahil Siya ang Una na walang umpisa ang Kanyang pinagmulan at Siya na Makapangyarihan ay wala ring katambal, kahalintulad o kaparehas sa Kanyang mga nilalang, ni sa Kanyang Dhaat (Banal na Katangian o mga gawain).

 Pagsasanay:

1-Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang patlang:

(Ahad,  Samad,  Yalid,  Yoolad,  Kufuwan)

 Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Qul huwallaahu ………….….. 2. Allaahus ………......... .  3. Lam ………….…… wa lam ……………….……. .  4. Wa lam yakun lahoo …………………..….. ahad.

 2- Idugtong ang mga sumusunod na salita sa tama nitong kahulugan:

Ahad Ang walang hanggan, Ang Sakdal at Ganap.
As-Samad Nag-iisa na walang ibang Panginoon maliban sa Kanya. 
Lam Yalid Katulad o katambal.
Kufuwan Wala Siyang Anak, ni lalaki man na anak o babae.

 3-Magbanggit ng tatlo mula sa mga Banal na Katangian ng Allaah ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

….……………………………………………………………….……………………….

……………………………………………………..……………………………………

4-    Ipaliwanag ang Doktrina ng Trinidad ayon sa paniniwala ng mga Kristiyano? 

……………………………………………………….…….…………………………… 

……………………………………………………………………..……………………

5- Magbanggit ng dalawa sa mga itinuturo ng mga banal na aayat ng Soorah Al- Ikhlaas.

a..……………………………………………………………………..………………

b. ………………………………………………..……………………………………

 Gawaing Bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-Ikhlaas.

 

Ika-anim na Aralin SOORAH AN-NASR

 

Panimula

                                       Ang Soorah An-Nasr ay Madaniyyah o kabanata ng Qur-aan na ipinahayag sa

Madeenah. Ito ay tumatalakay sa tagumpay sa pagbubukas ng Makkah para sa mga Muslim na siyang nagbigay sa kanila ng karangalan at naging bahagi ng paglaganap ng Islaam sa buong kapuluan ng lupaing Arabiano. Naging daan din ito ng pagpigil sa pagsamba sa mga diyos-diyosan na itinatambal nila sa Allaahu Ta’aala sa pagkadiyos; at gayundin sa kamalian at pagkaligaw. Sa pamamagitan ng malinaw na tagumpay na ito, yumakap ang karamihan ng mga tao sa Relihiyon ng Allaahu Ta’aala at naitaas ang watawat o simbolo ng Islaam at naglaho ang paniniwala sa mga santosanto at diyos-diyosan.  Ang pagsasalaysay tungkol sa matagumpay na pagbubukas ng Makkah para sa mga Muslim at kahit bago pa man ito naganap ay maituturing na isa sa mga pinakamatibay na patotoo sa pagka Propeta ni (Muhammad) sumakanya ang pinakamabuting kapayapaan at pagpapala.

Pagsasatitik:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Idhaa jaaa-a nasrul laahi wal-Fath. 2. Wa ra'aytan Naasa yadkhuloona fee deenillaahi afwaajaa. 3. Fasabbih bihamdi Rabbika wastaghfirh, innahoo kaana tawwaabaa.   

Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Idhaa jaaa-a nasrul laahi wal-Fath.

1..Kapag ganap na, O Muhammad, ang iyong pagkapanalo laban sa mga walang pananampalataya na mga Quraysh, at naganap na sa iyo, ang tagumpay sa pamamagitan ng pagpasok mo sa Makkah,

2. Wa ra'aytan Naasa yadkhuloona fee deenillaahi afwaajaa.

2. At nakita mo ang maraming tao na papasok sa Islaam na Deen ng Allaah, nang grupu-grupo. 

3. Fasabbih bihamdi Rabbika wastaghfirh, innahoo kaana tawwaabaa.

3. Kapag ito ay naganap, samakatuwid ay ihanda mo na ang iyong sarili sa pakikipagharap sa iyong Rabb na Tagapaglikha sa pamamagitan ng patuloy na pagpuri bilang pasasalamat sa Kanya, at patuloy na paghingi ng kapatawaran, dahil walang pag-aalinlangan, Siya ang Ganap na Mapagpatawad sa mga minamahal, at tinatanggap ang kanilang pagbabalik-loob.

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Nasrul laah Tagumpay ng relihiyon ng Allaah.
Al-Fath Pagbubukas sa mga puso ng tao upang tanggapin ang Islaam o ang tagumpay na nangyari sa Makkah.
Deenul laah Ang relihiyong Islaam.
Afwaajaa Grupo-grupo.
Fasabbih bihamdi Rabbika Alalahanin mo ang iyong Panginoon na Siyang tumupad sa Kanyang pangako sa iyong tagumpay at Siya mong pasalamatan sa paggabay Niya sa mga tao tungo sa relihiyong Islaam.
Wastaghfirh

Humingi ka sa Kanya ng kapatawaran para sa iyong sarili at sa

mga kasamahan mo na nag-alala dahil sa tagal o antala sa pagtatagumpay nila.

Tawwaabaa Labis labis ang pagtanggap sa pagsisisi ng Kanyang mga alipin.

Kabuuang kahulugan:

Sa banal na kabanata na ito, binigyan ng magandang balita ng Allaahu Ta’aala ang Propeta (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) tungkol sa tagumpay sa Makkah. Inutusan din Niya ang Propeta (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) na maging mapagpasalamat sa Kanya sa pagbibigay Niya ng biyaya sa pagyakap ng mga tao sa relihiyon ng Allaah ng maramihan at grupo-grupo kung kaya ang karamihan sa kanila ay naging tagapanalig, tauhan at tagapapagtanggol ng Islaam pagkatapos nilang maging mga kaaway o kalaban nito. Sakatotohanan, yumakap sa relihiyong Islaam ang mga Arabo nang walang digmaan o labanan. Hindi lumipas ang dalawang taon pagkatapos ng tagumpay na nangyari sa Makkah, lumaganap nang pangkalahatan ang pananampalataya (Islaam) sa buong kapuluan ng lupaing Arabiano. Sa katotohanan, iniutos ng Allaahu Ta’aala sa kanyang mahal na Propeta na Siya ay luwalhatiin, dakilain at purihin sa biyayang ito. Nararapat din na magpasalamat sa Kanya sa pagbibigay tagumpay Niya sa kanila laban sa mga kaaway; humiling sa Kanya ng kapatawaran para sa kanyang sarili at sa kanyang mga tagasunod. Sa gayon din, napapaloob sa Soorah An-Nasr ang balita sa pagpanaw ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), at sa dahilan na ito, tinawag ito bilang Suurah ng Pamamaalam. Ito ay dahil noong ipinahayag ang Soorah na ito, nasabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kay Aaisha: (Wala akong ibang iniisip kundi ang pagdating ng kamatayan ko). At sinabi ni Ibn 'Umar (kasiyahan nawa siya ng Allaah): (ipinahayag ang Soorah na ito sa Mina sa panahon ng Hajjatul Widaa’ o Hajj na Pamamaalam at pagkatapos, ipinahayag banal na Aayah: (Sa araw na ito

ginawa kong ganap ang inyong relihiyon). Namuhay ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) pagkatapos nito nang walumpung araw at saka siya sumakabilang buhay.

Pagsasanay:

1- Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang patlang:

(Nasru, Naas, Afwaajaa, Istaghfirhu, Tawwaabaa)

 Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Idhaa jaaa-a …………….. Allaahi wal fath.  2. Wa ra-aytan ……………..….... yadkhuloona fee deenillaahi ……………..….…… .  3. Fasabbih bihamdi Rabbika wa ……………….………, innahoo kaana tawwaabaa.  

2-    Idugtong ang sumusunod na salita sa tama nitong kahulugan:

Nasrul laah Pagbubukas sa mga puso ng tao upang tanggapin ang Islaam o ang tagumpay na nangyari sa Makkah.
Al-Fath Tagumpay ng relihiyon ng Allaah.
Deenul laah Grupo-grupo.
Afwaajaa Ang relihiyong Islaam.
Fasabbih bihamdi Rabbika Alalahanin mo ang iyong Panginoon na Siyang tumupad sa Kanyang pangako sa iyong tagumpay at Siya mong pasalamatan sa paggabay Niya sa mga tao tungo sa relihiyong Islaam.

3-    Ano ang magandang balita ng Allaahu Ta’ala sa Kanyang mahal na Propeta?

….………………………………………………………………………………………

…………………………………………………………………………………………

4-    Ano-ano ang kautusan ng Allaahu Ta’aala sa kanyang mahal na Propeta? 

5-    Bumangit ng dalawang bagay na itinuturo ng mga Banal na mga Aayah:

a………………………………………………………………………………………… b…………………………………………………………………………………………

Gawaing Bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah An-Nasr.

 

Ikapitong Aralin - SOORAH AL-MASAD

 

Panimula

Ang Soorah Al-Masad ay (Makkiyah) o soorah na ipinahayag sa Makkah at pinangalanan din ito na Soorah Al-Lahab (Liyab). Tumatalakay ito sa pagkasira ni Abu Lahab na nagkaroon ng tatlong mga anak na lalaki na sina Utbah, Mut-ab at Utaybah. Yumakap sa Islaam ang dalawang nauna sa Araw ng Tagumpay na naganap sa Makkah at hindi naman yumakap sa Islaam si Utayba. Ang anak ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na si Ummu Kulthoom ay naging asawa ni Utayba samantalang ang kanyang kapatid na si Ruqayya ay nasa kapatid naman ni Utayba na si Utbah bilang asawa nito. Nang ipinahayag ang Soorah Al- Masad na tumutuligsa kay Abu Lahab, nasabi nito sa dalawa nitong anak: “Ang ulo ko sa dalawa ninyong ulo ay haraam (bawal)”.  Ibig sabihin, hindi ako makikipagkita at makikipagusap sa inyo kung hindi ninyo hihiwalayan ang dalawang anak na babae ni Muhammad kung kaya hiniwalayan nga ng mga ito ang dalawang anak ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).. At nang binalak sumama ng pinakamasamang si Utaybah sa kanyang ama sa Shaam (Syria), sinabi nito: “Pupuntahan ko si Muhammad at hahamakin ang kanyang sarili at ang kanyang relihiyon”. At nang makapunta nga ito, sinabi niya: “O Muhammad, katotohanan na hindi talaga ako isang maniniwala sa bituin kapag ito ay naglaho at gayundin sa kanya na lumapit at bumaba (Anghel Jibreel)” at saka siya'y dumura sa harapan ng propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala at hiniwalayan ang kanyang asawa na Ommu Kulthoom na anak ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).  Dahil dito, nanalangin laban sa kanya ang sugo ng Allaah (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) at sinabi: (O Allaah, umutos ka ng isang lobo na manggagaling sa iyo upang papatay sa kanya) at inatake nga siya (Utayba) ng isang leon. Si Abu Lahab naman ay namatay pagkatapos ng digmaan sa Badr paglipas ng pitong gabi dahil sa sakit na nakakahawa na tinawag na Al-'Adasah (العدسة). Nanatili siya ng tatlong araw na walang lumalapit sa kanya kahit isa man hanggang sa nangangamoy na ito. At nang nabagabag ang mga kamag-anak at tauhan niya dahil sa kahihiyan, humukay sila at saka nila ito itinapon doon gamit ang mahahaba at makakapal na kahoy na naglagay sa kanya sa loob ng hukay. Pagkatapos, saka nila pinagbabato ito ng mga maliliit na bato hanggang sa tuluyang matabunan ang hukay. Walang nagnais na magdala sa kanya sa takot na mahawaan sila ng sakit na dumapo rito. Nawasak nga siya tulad ng pagkakasalaysay sa Banal na Qur-aan. Namatay siya sa napakasamang uri ng pagkamatay.

Ang kanyang asawa naman na si Ummu Jameel, na ang kahulugan ay Ina ng Kabutihan ay may iisang mata lamang at mas karapat-dapat na tawaging Ummu Qabeeh o Ina ng Kasamaan. Ayon sa Soorah Al-Masad, katotohanan na nabanggit nga siya rito bilang (Hammaalatal hatab) na kung saan siya ay nagdadala ng bigkis ng mga tinik at ikinakalat sa gabi sa daanan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) upang saktan ito. Tunay na napakasama ng ugali nito tulad ng asawa niya. Nagkakalat siya ng kasiraan at kasamaan ng isang tao sa isang tao at pinasisiklab ang apoy ng galit at away sa pagitan nila. Naibalita rin na siya ay may alahas na kuwintas na mamahalin at sinabi niya: “Isinusumpa ko sa ngalan ni Al-Laat at Al-Uzzaa (dalawang diyos-diyosan ng mga paganong arabo) ipantutustos ko ito sa pakikipaglaban kay Muhammad at dahil dito, pinarusahan siya ng Allaah sa pamamagitan ng lubid na yari sa dahon ng palmera na galing sa impiyerno na nakapulupot sa kanyang leeg.

Pagsasatitik:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Tabbat yadaaa Abee Lahabiw wa tabb. 2. Maaa ‘aghnaa ‘anhu maaluhoo wa maa kasab.  3. Sayaslaa Naaran dhaata lahab.  4. Wamra`atuhoo hammaalatal hatab. 

5. Fee jeedihaa hablum mim masad.

Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Tabbat yadaaa Abee Lahabiw wa tabb.

1. Pagkawasak at tuluyang pagkabigo sa dalawang kamay ni Aboo Lahab dahil sa kanyang pamiminsala sa Sugo ng Allaah na si Propeta Muhammad s.a.w., at walang pag-aalinlangang ito ay tunay na naganap sa kanya.

2. Maaa 'agnaa anhu maaluhoo wa maa kasab.

2. Hindi naging kapaki-pakinabang sa kanya ang kanyang kayamanan at anak, na kung kaya, kailanman ay walang magagawa ang mga ito sa kanya upang siya ay iligtas mula sa kaparusahan ng Allaah kapag ito ay dumating na sa kanya.  

  1. Sayaslaa Naaran dhaata lahab. 4. Wamra'atuhoo hammaalatal hatab. 
3-4. At walang pag-aalinlangan, siya ay papasukin sa naglalagablab na Apoy, at gayundin ang kanyang asawa na siyang nagdadala ng tinik upang ito ay ikalat sa dinaraanan ng Propeta bilang pamiminsala sa kanya.

5. Fee jeedihaa hablum mim masad.

5. Na nakapulupot nang mahigpit sa kanyang leeg ang lubid na magaspang ng Masad

– hibla ng puno ng palmera, at iniaangat siya sa pamamagitan nito sa Impiyernong Apoy, pagkatapos ay ihahagis siya tungo sa kaila-ilaliman nito.

  

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Tabbat yadaaa  Abee Lahab Panalangin laban kaya Abu Lahab sa pagkawasak ng kanyang sarili at kawalan.
Wa tabb Katotohanan na siya (Abu Lahab) ay nangawasak at nawalan.
Maaa 'agnaa anhu maaluhoo Hindi nakapagbigay ng kahit na anong kabutihan sa kanya ang kanyang mga yaman. 
Wa maa kasab At mga anumang nagawa sa pang-aaway niya sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Sayaslaa Naaran dhaata lahab Susunugin siya sa apoy na naglalagablab. 
Hammaalatal hatab  Ang sagad na nagsisikap sa pagdadala ng kasamaan sa pagitan ng mga tao.
Jeedihaa Leeg niya.
Masad Hibla ng palmera.

Kabuuang kahulugan:

                                       Tumatalakay ang kabuuan ng Banal na Soorah na ito sa pagwasak sa buhay ni

Abu Lahab, ang kalaban ng Allaahu Ta’aala ang (makapangyarihan sa lahat) at ng Kanyang mahal na sugo (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Si Abu Lahab ay tunay na isang matinding kaaway para sa sugo ng Allaah. Sinusundan niya palagi ang bawat hakbang ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) upang sirain ang panawagan niya sa mga tao (tungo sa Islaam) at upang mahadlangan niya ang mga tao sa pananampalataya kanya. Ang Allaahu Ta’aala ay nagbanta sa kanya ng naglalagablab na apoy at gayundin ang kanyang asawa na tunay na nagkakalat ng kasiraan at kasamaan sa pagitan ng mga tao at sa pagitan ng mga tribo upang hindi paniwalaan ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kapag inanyayahan niya ang mga ito tungo sa Islaam. Kaya pinarusahan ng Allaah ng pagkawasak ng sarili at ang kanyang asawa at

ginawa Niya silang dalawa bilang aral sa mga gumagawa ng away at pananakit sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) o sa sinumang lumalaban sa kanyang relihiyon (ang Islaam).

 Pagsasanay:

1-    Isulat sa tamang patlang ang mga sumusunod na salita buhat sa Banal na Soorah: (Yadaa,  Lahab,  Sayaslaa, Hablum)

 Bismillahir Rahmaanir raheem

1..Tabbat ……………. Abee ………………. wa tabb.  2. Maa …………… 'anhu maaluhoo wa ma kasab.  3. ………..……. Naaran dhaata lahab. 4. Wamra-atuhoo hammaalatal hatab.  5. Fee jeedihaa …………………. mim masad.

2-    Pagdugtungin ang mga sumusunod na salita sa tama nitong kahulugan:

Tabbat yadaaa  Abee Lahab Katotohanan na siya (Abu Lahab) ay nawasak at nawalan.
Wa tabb Panalangin laban kaya Abu Lahab sa pagkawasak ng kanyang sarili at kawalan
Maaa 'agnaa anhu maaluhoo At mga anumang nagawa sa pang-aaway niya sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Wa maa kasab Hindi nakapagbigay ng kahit na anong kabutihan sa kanya ang kanyang mga yaman. 
Hammaalatal hatab  Hibla ng Palmera
Masad Ang sagad na nagsisikap sa pagdadala ng kasamaan sa pagitan ng mga tao.

3-    Ano ang hiningi ni Abu Lahab sa kanyang dalawang anak na si Utbah at Utaybah pagkatapos maipahayag ang soorah Almasad?

….…………………………………………………………………………..…………… …………………………………………………………………………………………

4-    Ano ang sinabi ni Utaybah sa sugo ng Allaah (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala)? 

………………………………………………………………………………………… 

…………………………………………………………………………………………

5-    Bumangit ng dalawang bagay na itinuturo ng mga banal na mga ayaat:

a …………………………………….…………………………………………..……...

b …………………………………………………………….…………………..……...

 Gawaing bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-Masad.

Ikawalong Aralin - SOORAH AL-FALAQ

 

Pasimula

 Ang Soorah Al-Falaq ay isang Makkiyah o ipinahayag sa Makkah at naglalaman ito ng limang aayah. Ito ang pangalawa sa pinakahuling Soorah ng Banal na Qur-aan ayon sa pagkakasunod-sunod sa Mushaf. Nabibilang din ito bilang isa sa dalawang sinasabing Mu'awwadhatain (ang pagpapakubli sa Allaah mula kay Satanas) at sinusundan naman ito ng Soorah An-Naas. Nang ipinahayag ang dalawang nabanggit na Soorah, ito na ang pinanghawakan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa pagpapakupkop sa pangangalaga ng Allaah at binitawan na ang ibang pamamaraan.  Kaya kapag binasa ng isang Muslim ang Mu’awwidhatain o ang Soorah Al-Falaq at Soorah An-Naas sa umaga at hapon nang tatlong beses ay tiyak na mapapangalagaan siya laban sa lahat ng kasamaan. Katunayan, ang Propeta (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) ay binasa niya ang dalawang Soorah na ito bilang lunas sa pangkukulam sa kanya ng Hudyo na si Labeed bin Al-A'asam na nawa ay sumpain ng Allaah. At tunay na gumaling nga ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa pamamagitan ng pagpapala na dala ng Mu’awwidhatain.

Pagsasatitik:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Qul a'oodhu bi-Rabbil falaq. 2. Min sharri maa khalaq. 3. Wa min sharri ghaasiqin idhaa waqab. 4. Wa min sharrin-naffaasaati fil-'uqad. 5. Wa min sharri haasidin idhaa hasad.

 Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Qul a'oodhu bi-Rabbil falaq.

1. Sabihin mo, O Muhammad, Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allaah na Rabb na Tagapaglikha ng Falaq, na ito ay pagbubukang-liwayway.

2. Min sharri maa khalaq.

2. Mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha at sa mga kapinsalaan na maidudulot nito.

3. Wa min sharri ghaasiqin idhaa waqab.

3. At mula sa kamamaan ng matinding kadiliman kapag kumalat na ang gabi nito at sa anumang kasamaan at mga nakapipinsala na nangyayari rito.

4. Wa min sharrin-naffaasaati fil-'uqad.

4. Mula sa mga nagsasagawa ng karunungang itim na mga kababaihan na hinihipan nila ang kanilang mga ibinuhol na tali, na ito ay kanilang pinagbubuhol-buhol bilang pangkukulam. 

5. Wa min sharri haasidin idhaa hasad.

5. At mula sa kasamaan ng sinumang mainggitin kapag kinapopootan na niya ang mga tao dahil sa mga biyayang ipinagkaloob ng Allaah sa kanila, na kapag siya ay naiinggit ay nais niyang mawala ito sa kanila.

  

Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
A'oozu Ako ay nagpapakubli at nagpapakupkop
Birabb Sa Panginoon ko at nagpapabuti sa akin
Al-Falaq Bukang liwayway
Min sharri maa khalaq Mula sa pamiminsala ng Kanyang mga nilikha
Ghaasiqin izaa waqab Ang gabi kapag lumaganap ang kadiliman nito
Annaffaasaati fil'uqad  Ang mga nandaraya ng mga tao sa pamamagitan ng panlilinlang kung kaya nasasaktan nila ang mga ito.
Haasidin idhaa hasad Ang taong nasisiyahan sa paglaho ng mga biyaya mula sa mga tao

Kabuuang kahulugan:

Inutusan ng Allaah,  ang Makapangyarihan sa lahat ang kanyang banal na sugo sa Soorah na ito na magpakubli at magpakalinga sa Panginoon ng Bukang Liwayway na humihiwalay sa gabi at nagpapaalis sa dilim. Siya, (Ang Allaahu Ta’aala) ay ang panginoon ng lahat ng mga nilalang. Siya ang nangangalaga sa lahat ng kanyang mga nilikha mula sa kasamaan ng mga iba maging ito man ay tao,  Jinn, maiilap na hayop, insekto, apoy at maging sa kasamaan ng gabi kapag ito ay dumilim at lalo na kapag lumaganap na ang kadiliman nito dahil dito sa kadiliman ng gabi lumalaganap ang mga masasama. Dahil dito, inutusan tayo ng  Allaah ay naguutos na magpakubli mula sa kasamaan ng gabi at mula sa mga mangkukulam na nagtatali ng buhol sa hibla at iniihipan ito upang saktan ang mga alipin ng Allaah sa pamamagitan ng pangkukulam nila at upang maipagpahiwalay nila ang lalaki at ng kanyang asawa. At sa katotohanan, nagawang kulamin ni Labeed bin Al-A'asam ang mahal na Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa kanyang suklay at sa buhok na napasama sa suklay na kung saan ay ibinuhol dito ang labin-isang buhol na tinusokan ng karayom.

At dahil dito, ipinahayag sa kanya (Propeta Muhammad) ang Al-Mu'awwadhatain. Kaya sa tuwing basahin niya ang isang Aayah, bumubukas ang isang buhol, at nararamdaman niya na gumagaan ang kanyang pakiramdam hanggang sa nabuksan ang pinakahuling buhol. Pagkatapos nito, masiglang tumayo ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ng aktibo at nanumbalik ang kanyang kalusugan at ang kanyang kaligtasan mula sa lahat ng karamdaman. At katotohanan na ang Allaahu Ta’aal ay nag-utos sa atin na magpakubli at magpakalinga mula sa kasamaan ng isang naiinggit na umaasang maglaho ang biyaya mula sa kanyang kapwa at hindi nasisiyahan sa anumang ibinibigay sa kanya  ng Allaahu Ta’aala.   

Pagsasanay:

1-Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang patlang:

(Al-Falaq,  Khalaq,  Waqab,  Al-'Uqad,  Hasad)

 Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1. Qul a'oodhu birabbi …………………. . 2. Min sharri maa ………..………….…..

3. Wa min sharri ghaasiqin idhaa …………………….. . 4. Wa min sharrin naffaathaati fee …………………….………….. .

2-    Ano ang iniutos ng Allaah sa kanyang banal na Propeta? 

….………………………………………………………….……………..……………

3-    Sino ang kumulam sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala)? At  papaano? ……..………………………………………………………..………….………………………………………………………………..….…………………………… 

4-    Paano gumaling ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) mula

sa kulam? .........…………………………………………………………………………

Gawaing bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah Al-Falaq.

Ikasiyam na Aralin - SOORAH AN-NAAS

 

Panimula

 Ang Soorah An-Naas ay isang Makkiyah o uri ng Soorah na ipinahayag sa Makkah at ang bilang mga talata nito ay anim. Ito ay ipinahayag pagkatapos ng Soorah Al-Falaq at ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga Soorah sa Mushaf, ito na ang pinakahuling Soorah ng Banal na Qur-aan at pangalawa naman sa Mu’awwidhatain, o ang dalawang Soorah na naglalaman ng papapakupkop sa pangangalaga ng Allaah laban sa Satanas. Napapaloob dito ang dasal sa pagpapakupkop at pagpapakubli sa Panginoon laban sa kasamaan ng pinakakaaway sa mga kaaway na si Iblis o Satanas at sa kanyang mga alagad na mga taong demonyo at mga Jinn na tumutukso sa mga tao sa pamamagitan ng lahat ng uri ng panunukso at pagbubulong. Katotohanan na ang Allaahu Ta’aala ay winakasan ang Kanyang Banal na Aklat sa pamamagitan ng AlMu'awwadhatain at inumpisahan naman sa pamamagitan ng Al-Faatiha o Ang Pambungad,  nang sa gayon ay mapagsama ang mabuting pangungumpisa at mabuting pagtatapos na siyang itinuturing na pinakamataas na aspeto ng kabutihan at kagandahan dahil ang isang alagad na mananampalataya ay humihiling sa Allaah ng tulong at nagpapakupkop sa Kanyang pangangalaga sa umpisa ng kanyang gawain hangang sa kahulihan nito.

Pagsasatitik:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

  1. Qul a'oodhu bi Rabbin Naas.  2. Malikin Naas.  3. Ilaahin Naas.  4. Min sharril waswaasil Khannaas.   5. Alladhee yuwaswisu fee sudoorin Naas.  6. Minal Jinnati wan  Naas.

Kahulugan:

Bismillaahir Rahmaanir Raheem.

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.

1. Qul a'oodhu bi Rabbin Naas. 

1. Sabihin mo, O Muhammad s.a.w.: Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allaah na Rabb na Tagapaglikha ng sangkatauhan, na Bukod-Tanging Makapangyarihan na pigilan ang kasamaan ng sinumang nanlilinlang.

2. Maalikin Naas.

2. Ang Maalik – Hari ng mga tao na Siyang Bukod-Tanging Tagapangasiwa sa lahat ng kanilang mga kalagayan, na Malaya at hindi nangangailangan sa kanila.  

3. Ilaahin Naas.

3. Ang Ilaah o Diyos na sinamba ng sangkatuhan na Siya lamang ang Bukod-Tangi na may karapatan at karapat-dapat lamang na sambahin.

4. Min sharril waswaasil Khannaas. 

 4. Mula sa kapinsalaan ni Shaytaan na nambubuyo sa oras ng pagkalimot ng tao sa pagkakaalaala sa Allaah at naglalaho kapag naalaala ang Allaah.

5. Alladhee yuwaswisu fee sudoorin Naas. 

 5. Na siya ang nambubuyo ng kasamaan at naglalagay ng pag-aalinlangan sa mga dibdib ng mga tao.

6. Minal Jinnati wan  Naas.

6. Mula sa mga Shaytaan na nagmula sa lahi ng Jinn at nagmula sa lahi ng tao.

 Talatinigan:

Ang Salita Ang kahulugan
Rabbin Naas Panginoon ng mga tao at Ang Tagapangalaga nila.
Malikin Naas Ang kanilang hari at Ang Tagapamahala sa kanila
Ilaahin Naas Ang Nararapat lamang na  kanilang sambahin
Alwaswaasil Khannaas Ang mga masasamang pagnanasa na nakatago sa loob ng katawan
Yuwaswisu fee sudoorin Naas Bumubulong sa mga tao upang gumawa ng kasamaan
Minal Jinnati wan Naas Mula sa panig ng mga jinn at mula sa panig ng mga tao

Kabuuang kahulugan:

Sa Soorah na ito, ang Allaahu Ta’aala ay nag-uutos (sa mga mananampalataya) na magpakupkop, magpakubli at humingi ng pangangalaga sa lumikha sa lahat ng mga tao at Tagapamahala ng kanilang mga gawain dahil Siya ang nagbigay buhay at ang lumikha sa kanila mula sa pagiging wala at Siya rin ang nagbigay ng maraming biyaya na kailanman ay hindi mabibilang at maaabot ng isipan. At sa katotohanan, itinatangi ng Allaah ang mga tao ng pagpapaalala dito, bilang parangal sa tao na pagyamanin ang lahat ng anuman sa mundo, na binigyan Niya ng pag-iisip at kaalaman at inutusan ang mga Malaaikah (mga anghel) na magpatirapa kay Adam (sumakanya nawa ang kapayapaan) na   siyang pinakamataas na antas sa lahat ng mga nilikha ng Allaah sa anumang-uri. Gayon din, ang Allaah ang tanging Nagmamay-ari nang ganap sa lahat ng mga nilikha, mga namamahala man o mga pinamamahalaan. Ang Allaah rin ang tanging Tagapamahala sa kanila, ang Nagbibigay ng kaayusan sa kanilang mga kilos at gawain. Ang Allaahu Ta’ala ay Siya ring

kanilang tanging Panginoon at ang karapat-dapat na pagtuunan ng pagsamba. Siya rin ang pinakamay karapatan na hingan ng mapagkukublihan at pangangalaga laban sa kasamaan at kay Satanas. Tunay na inulit ng Allaah nang tatlong beses ang salitang An-Naas o mga tao sa Banal na Soorah na ito upang ipakita ang karangalan, pagbibigay halaga at pagkalinga sa kanilang buhay. Sa katotohanan, napapaloob sa Soorah An-Naas ang tatlong katangian mula sa mga katangian ng Allaahu Ta’aala at ito ay ang mga: Ar-Ruboobiyyah, o Ang Pagkapanginoon, Al-Mulk o ang Pagmamay-ari at ang Al-Uloohiyyah o Ang Pagiging tunay na nararapat na pagtuunan ng pagsamba. Kaya, ang Allaah ay Siyang Panginoon ng lahat ng sinuman at anupaman, Ang tanging Hari at ang tunay na nararapat sambahin. At dahil dito, Kanyang iniutos sa humihiling ng kalinga ang magpakalinga sa Allaah laban sa kasamaan ng Satanas na bumubulong ng mga salitang nakasasama sa sarili at tumutukso sa tao upang mahikayat ito sa paggawa ng kasalanan. Kapag naaalala ng tao ang kanyang Panginoon, lumalayo si Satanas at naglalaho ngunit kapag nakakalimutan ng tao ang kanyang Panginoon, bumabalik si Satanas at bubulong sa kanya. Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala): (Katotohanan na si Satanas ay inilagay ang kanyang ilong sa puso ng tao, kapag naalala (ng tao) ang Allaah siya (Satanas) ay humapit, at kapag naman nakalimot, siya ay pumapasok sa kanyang puso at saka bubulong). Sa katunayan, ang mga demonyong tao ay higit na nakapipinsala at mapanganib kaysa mga demonyong jinn, dahil inaakit niya ang kanyang kasama sa mga gawaing malalaswa at tinutukso niya ito tungo sa paggawa ng mga masasama. Tanging ang nakaliligtas lang ay ang inililigtas ng Allaah at inilalayo sa pagkahulog sa mga kasamaan at pagkakasala.  

Pagsasanay:

1-  Isulat ang mga sumusunod na salita sa tamang patlang

 (Birabbi,  An-Naas,  Ilaahi,  Alwas-waasi)

Bismillaahir Rahmaanir Raheem

1.Qul a'oodhu …………..….…. An-Naas. 2. Maliki ……………….………..

3. …………....….… An-Naas. 4. Min Sharri ……………..…….. Al-Khannaas.                              

5. Al-Lathee Yuwaswisu fee sudoori Annaas. 6. Minal Jinnati wan-Naas.

2-      Ano ang layunin ng paulit-ulit na pagbanggit sa salitang An-Naas sa loob ng banal

na Soorah? ……………………………….………….….……………………….….…

3-      Sumulat ng isang marangal na hadeeth na nagpapahiwatig sa panganib na dala ni

Satanas sa tao? ………………………………….……………………………………

Gawaing bahay:

Isaulo nang mabuti ang Soorah An-Naas.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top