Matuto Tungkolsa Islam:

Ang Mga Haligi ng Islam

 

Ang pisikal na kilos at pagbigkas ng pagsamba na tinatawag na mga Haligi ng Islam. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya (Shahadatayn)
Ito ay pagpapahayag na ‘walang tunay na diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad ay Kanyang Sugo at Alipin’. Ang pagpapahayag na ito ang siyang susi upang ang isang tao ay makapasok sa pananampalatayang Islam at tuluyang maging mabuting Muslim. Ang kahulugan ng unang bahagi ng pagpapahayag, “walang tunay na diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah”, ay:

Ang Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang.
Ang Allah ang Nagmamay-ari ng lahat ng mga nilikha at Siya rin ang Namamahala sa lahat ng ito.
Ang Allah lamang ang Nag-iisang karapatdapat sambahin.
Walang tunay na diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah, at si.Muhammad ay Kanyang Sugo at Alipin
Walang tunay na diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah, at si.Muhammad ay Kanyang Sugo at Alipin
Ang kahulugan ng ikalawang bahagi ng pagpapahayag, ‘Si Muhammad ay Kanyang Sugo at Alipin’ ay kinapapalooban ng mga sumusunod na kahulugan:

Ang sumunod sa Propeta r sa anumang kanyang ipinag-utos..
Ang maniwala sa lahat ng kanyang sinabi.
Ang umiwas sa anumang kanyang ipinagbabawal.
Ang sambahin ang Allah ayon lamang sa pamamaraan ng Propeta.


2. Ang Pagdarasal (Salah)

Ang Pagdarasal ay isang paraan kung saan ang isang alipin ay pinananatili ang kanyang sarili sa pakikipag-ugnayan sa kanyang Panginoon. Sa pamamagitan nito ay naitutuon niya ang kanyang sarili sa pakikipag-usap sa kanyang Panginoon, nagsusumamo sa paghingi ng kapatawaran, humihingi ng tulong at gabay sa buhay. May limang itinakdang pagdarasal na kailangang isakatuparan araw-araw. Ang mga kalalakihan ay kinakailangang gampanan ito sa Masjid (Mosque) kasama ang kongregasyon, maliban lamang sa mga may sapat na kadahilanan upang hindi maisagawa ito. Sa pamamagitan nito’y nagkaka-kilakilanlan ang bawa′t Muslim, nagkakaroon ng pag-uugnayan, nagmamahalan at nagkakaisa na siyang namang nagbubuklod sa kanila upang maging malakas at mapanatili ang katatagan. Nalalaman nila ang mga pangangailangan ng kapatid na Muslim sa pang-araw-araw na pagkikita.

Muslims Magdarasal sa Moske
Ang malaking bilang ng mga taong nagpapatirapa sa pagdarasal sa Allah, ang Kataas-taasan, sa kakaibang ayos, kung saan ay malinaw na ipinakikita ang kanilang kababaang-loob at pagsuko sa Nag-Iisang Diyos – Allah.

Kung ang isa ay wala sa kongregasyon (ng itinakdang pagdarasal) dahil sa siya ay may karamdaman, siya ay dinadalaw nila, at kung siya ay nagkukulang sa kanyang tungkulin sa pagsamba ay pinapayuhan siya. Ang pagkakaiba, katulad ng antas sa lipunan, lahi, at angkan, ay hindi binibigyang halaga, sapagka’t ang mga Muslim ay nakahanay nang magkakatabi sa isang tuwid na hanay at silang lahat ay nakaharap sa iisang direksiyon (Makkah) sa iisang pagkakataon. Ang lahat ay pantay-pantay hinggil sa kanilang pagsunod at pagtindig sa harap sa Allah.

3. Ang Itinakdang Tungkuling Kawanggawa (Zakaah)
Ang kawanggawang ito ay isang maliit na bahagi lamang ng yaman na ibinibigay ng isang mayamang Muslim sa kanyang mga kapatid na Muslim na mahihirap at nangangailangan. May mga panuntunan kung papaano ito ipamamahagi. Ito ay kusang-loob na ibinibigay ng isang Muslim at sa kanyang pamamahagi nito’ y tinutupad niya ang ipinag-uutos ng Allah.

Ang literal na kahulugan ng ′Zakat′ ay ‘isang karagdagan’. Ang literal na kahulugan ng ′Zakat′ ay ‘isang karagdagan’. Pinararami nito ang yaman ng tao, at pinangangalagaan nito mula sa kasawiang-palad. Ang kawanggawa ay ginagawaran ng malaking gantimpala ng Allah.

Ang layunin sa likod ng naturang kawanggawa (Zakaah) ay pasiglahin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lipunang Muslim, gayundin upang pawiin ang kahirapan at wakasan ang panganib na maaaring idulot nito. Sa pamamagitan nito, ang puso ng mga mayayamang Muslim ay nalilinis mula sa pagiging sakim, at ang puso ng mga mahihirap ay nalilinis mula sa galit at inggit na maaari nilang maramdaman sa mga mayayaman. Kanilang nakikita ang mga mayayaman na nagbibigay ng kanilang yaman na ipinag-uutos ng Allah, at ang patuloy nilang pagtulong at pagkalinga sa kanilang pangangailangan.

4. Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan (Siyaam)
Ito ay isang itinakdang tungkulin sa bawa′t Muslim na isagawa minsan sa isang taon, na kilala bilang buwan ng Ramadan. Simula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa tuluyang lumubog ang araw, ang mga Muslim ay kinakailangang umiwas sa mga bagay na nakasisira ng kanyang pag-aayuno, maging ito man ay pagkain, inumin, o pakikipagtalik sa kanyang asawa. Ang pag-aayuno ay isang pagganap ng pagsamba sa Islam at ito rin ay ipinag-utos sa mga nakaraang relihiyon.

Ginagamit ng mga Muslim ang Lunar calendar upang malaman ang simula at katapusan ng bawa′t buwan. Ito rin ay ginagamit upang malaman ang simula ng panahon ng mga okasyong pangrelihiyon sa Islam (katulad ng Pag-aayuno at Hajj).

Ang Allah ay nagwika:

(O kayong mananampalataya! Ang pag-aayuno ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging matuwid.) (Qur'an, al-Baqarah 2:183)


5. Ang Paglalakbay sa Makkah (Hajj)
Ang Hajj ay isang uri ng paglalakbay sa Banal na Bahay (ang Ka′bah sa Makkah) upang isagawa ang mga ritwal sa mga partikular na lugar at oras. Ito ay isa sa mga haligi ng Islam na itinakda sa bawa′t Muslim, lalaki at babae, minsan sa kanyang tanang buhay, kung siya ay may matinong kaisipan, nasa tamang gulang, at may kakayahang pisikal at pananalapi.

Ang mga peregrino ay umiikot sa palibot ng Ka′bah sa panahon ng Hajj
Ang mga peregrino ay umiikot sa palibot ng Ka′bah sa panahon ng Hajj. Ang loob ng Masjid na ito ay kayang maglaman ng mga dalawang-milyong tao sa iisang pagkakataon.

Ang Allah ay nagwika:

Ang paglalakbay sa Bahay (Ka’bah) ay isang tungkulin na dapat gampanan sa Allah, sa mga may kakayahang isagawa ito. At sinuman ang magtakwil (tungkol dito), samakatuwid, ang Allah ay walang pangangailangan ng anuman sa sinuman sa Kanyang mga nilikha. ( Qur'an, Ali Imran 3:97).


Ang Hajj ay ang pinakamalaking Islamikong pagtitipon. Ang mga Muslim mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay dumadalo upang makisalo sa pagdiriwang na ito sa iisang lugar at oras; silang lahat ay tumatawag at dumadalangin sa Nag-iisang Panginoon, nakasuot ng magkakatulad na uri ng kasuotan, at isinasagawa ang iisang uri ng ritwal.

Walang pagkakaiba sa pagitan ng mahirap at mayaman, taong maharlika at karaniwan, puti at itim, Arabo at ibang lahi; silang lahat ay pantay-pantay sa harap ng Dakilang Diyos – ang Allah. Walang anumang pagkakaiba sa kanila maliban sa pagiging makadiyos (taqwaa) sa Allah. Ang Hajj ay isang tagpo kung saan binibigyang-diin ang pagkakapatiran ng lahat ng mga Muslim at ang pagkakaisa ng kanilang pag-asam at damdamin.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top