Matuto Tungkol sa Islam:

Kabutihang-asal, Pag-uugali, at Moral sa Islam

 

Kabutihang-asal, Pag-uugali, at Moral sa Islam
Ipinagbabawal sa Islam ang lahat ng uri ng kasamaan at kahalayan, maging sa pamamagitan ng pananalita o sa gawa.

Ang Allah ay nagwika:

(Sabihin! (Nguni′t) ang mga bagay na sadyang ipinagbabawal ng aking Rabb (Panginoon) ay ang Fawahish (mga imoral na gawain)maging ito man ay lantad o lihim, lahat ng uri ng kasamaan, pang-aalipusta, at pagtatambal ng iba sa Allah [sa pagsamba]) na hindi naman Niya binigyang karapatan (o kapahintulutan) ito, at ang pagsasabi ng mga bagay tungkol sa Allah na wala naman kayong kaalaman.) (Qur'an, al-'Araf 7:33)


Iniuutos at hinihikayat nito ang lahat tungo sa mabuting moral at pag-uugali. Ang Propeta ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:

“Ako ay ipinadala upang gawing lubos ang makatwiran at kagalang-galang na pag-uugali.” (Haakim)


Ang Allah – ang Dakila at ang Kataas-taasan ay nagwika sa Banal na Qur′an:

(Sabihin: “Halina kayo, aking bibigkasin kung ano ang ipinagbawal sa inyo ng inyong Rabb (Panginoon): Huwag magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; maging mabait at masunurin sa inyong mga magulang; huwag patayin ang inyong mga anak dahil sa karalitaan – Kami ay nagbibigay ng panustos para sa inyo at para sa kanila. Huwag lumapit sa Al-Fawâhish (mga imoral na kasalanan), maging lantad man o lihim; at huwag patayin ang sinuman na ipinagbawal ng Allâh, maliban sa isang makatuwirang dahilan (ayon sa batas ng Islam). Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa).  Qur'an, al-An'am 6:151).


Ang Sugo ay nagsabi:

“Walang sinuman sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya mahalin para sa kanyang kapatid kung ano ang minamahal para sa kanyang sarili.” (Bukhari)

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top