SI JESUS AT SI MARIA SA QUR’AN  

(ni: bro. ahmad erandio)

 

ASI JESUS (AS) AY NAGMULA SA SALITA NG DIYOS

 

Ang mga Muslim ay may paniniwalang si Jesus (as) ay isa sa mga piniling Sugo ni Allah (swt) na siya ang Kristo at ipinanganak na himala at walang lalaking namamagitan kundi sa pamamagitan lamang ng salita ng Diyos.

AT SI MARIA ANG PINILI NG DIYOS SA LAHAT NG MGA KABABAIHAN SA KANYANG KAPANAHUNAN

Qur’an 3:42. At ipaalaala mo, O Muhammad (), nang sinabi ng mga anghel: “O Maryam, katotohanan ang Allâh () ay pinili ka para sumunod sa Kanya, at nilinis ka mula sa mga masasamang pag-uugali at kahalayan; at bukod-tangi kang pinili sa lahat ng mga kababaihan sa sangkatauhan sa iyong kapanahunan.

Ang mga Muslim ay matapat na nagmamahal at may malaking pagrespito kay Maryam (Maria), sa katunayan sa Dakilang Qur’an mayroong sariling bersikulo na tinaguriang Surah Maryam (Chapter Mary).

Subalit sa mga naunang kasulatan marami tayong mababasa na mga ibat-ibang bersikulo na kahalintulad nila; Mateo, Lukas, Marcos, Juan, Pedro, at iba pang pangalan subalit ni isa ay walang bersikulong nakapangalan kay Jesus (as) o kaya sa kanyang inang si Maria (as).

AT SINABI NG PROPETA MUHAMMAD (SAS) SI JESUS (AS) ANG SIYANG PINAKAMALAPIT SA AKIN 

Iniulat ni Abu Huraira, aking narinig mula sa propeta ni Allah at sinabing; Sa lahat ng tao ako ang siyang pinakamalapit sa anak ni Maryam (Maria) at ang lahat ng mga propeta ay magkakapatid (sa pananampalataya), at walang sinumang propeta sa pagitan ko at sa kanya (Jesus). (S. Al-Bukhari Hadith 4.651)

ANG MAGANDANG BALITA KAY MARIA

Quran 3:45. At wala ka roon, O Propeta ng Allâh, nang sinabi ng mga anghel: “O Maryam! Katotohanan ang Allâh (), binibigyan ka Niya ng magandang balita ng isang sanggol na mangyayari sa pamamagitan ng salita ng Allâh na sasabihin sa kanya na ‘kun’ – (maging), ‘fayakun’ – at ito ay magiging (maganap at ito ay kaagad na magaganap).

“Ang kanyang pangalan ay ‘Al-Masih, `Îssã ibnu Maryam’ (Messiah, Hesus na anak ni Maria) at siya ay igagalang dito at sa Kabilang-Buhay; at kabilang sa mga malalapit sa Allâh sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

NAGULAT SI MARIA SA IBINALITA NG ANGHEL

Quran 3:46. “At siya ay magsasalita sa mga tao habang siya ay isang sanggol pa lamang sa duyan pagkapanganak sa kanya at makikipag-usap din siya sa kanila pagdating ng kanyang hustong gulang, ayon sa kung ano ang ipinahayag sa kanya.”

“Ang pakikipag-usap na ito na kanyang gagawin ay pakikipag-usap bilang Propeta, pamamahayag at pagpapatnubay. At isa siya sa mga mabubuting tao, matuwid sa kanyang pananalita at gawa.”

NAGULAT SI MARIA (RAA) SA IBINALITA NG ANGHEL

Quran 3:47. Sinabi ni Maryam (), na nagugulat sa balita: “Paano ako magkakaroon ng anak gayong wala naman akong asawa at hindi ako masamang babae?” Sinabi sa kanya ng anghel: “Ito ay mangyayari, hindi ito kataka-taka sa kapangyarihan ng Allâh (), na Siyang lumikha ng anuman na Kanyang nais mula sa wala.

Kapag Siya ay nagpasiya na lumikha ng anumang bagay, sinasabi Niya lamang dito ‘kun’ – maging, ‘fayakun’ – at ito ay magiging (maganap at ito ay kaagad na magaganap).”

ANG KATANGIAN NG BATANG ISISILANG NI MARIA (AS)

Quran 3:48. At tuturuan siya ng Allâh () na sumulat, at ng matuwid na pananalita at gawa; ituturo (rin) sa kanya ang ‘Tawrah’ (Lumang Tipan) na ipinahayag kay Mousã  (Moses) at ganoon din ang ‘Injeel’ (Ebanghilyo) na ipinahayag sa kanya ( Îssã -Hesus).

Quran 19:21. Sinabi sa kanya ng anghel: “Ganoon ang tunay na pangyayari na katulad ng iyong sinasabi na walang sinumang lalaki ang humipo sa iyo at hindi ka mahalay, subali’t ang iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay nagsabi:

Ang pangyayari ay napakadali para sa Akin; upang magkaroon ng ganitong uri ng sanggol bilang tanda ng katibayan para sa mga tao na nagpapatunay sa kapangyarihan ng Allâh (), at siya (sanggol) ay awa mula sa Amin, at magiging masunurin sa kanyang ina at mabuti sa sangkatauhan, na ang paglikha kay `Îssã (Hesus ) sa ganitong pamamaraan ay naitakda na, naitala na sa ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh,’ na kung kaya, ito ay walang pag-aalinlangang magaganap.”

AT HINIPAN NI ANGHEL JIBRIL SI MARIA (AS)

Quran 19:22. At nagdalang-tao si Maryam pagkatapos hipan ni Anghel Jibril () ang kanyang kasuotan sa gawing dibdib na bahagi, hanggang sa ang pag-ihip na ito ay umabot sa kanyang sinapupunan at nangyari ang pagdadalang-tao dahil doon, at siya ay umalis at nagtungo sa lugar na malayo sa mga tao.

AT DUMATING ANG PANAHON UPANG ISILANG NI MARIA (AS) ANG BATANG SI KRISTO HESUS (AS)

Quran 19:23. At dumating sa kanya ang paghilab ng tiyan sa ilalim ng puno ng palmera ng ‘Thamr’ (o datiles), bilang tanda na malapit na siyang manganak, at kanyang sinabi: “Kaawa-awa naman ako, sana ay namatay na ako bago pa ito nangyari, at ako ay limot na ng mga tao na hindi na nila maalaala at malayo na sa kanilang pananaw.”

O MARIA WAG KANG MAGDALAMHATI

Quran 19:24 At tinawag siya ni Anghel Jibril, na sinasabing, “Huwag kang magdalamhati, dahil katiyakang pinagkalooban ka ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng tubig na dumadaloy sa iyong paanan.”

AT SINABI NG ANGHEL KAY MARIA (RAA) YUGYUGIN MO ANG PUNO NG THAMR

Quran 19:25 “At yugyugin mo ang puno ng palmera ng ‘Thamr’ (Dates) na nasa iyong harapan, na sasanhiin na malalaglag sa iyo nang kusa ang mga sariwang bunga ng ‘Thamr’ mula sa puno.

Quran 19:26. “Pagkatapos ay kumain ka mula sa sariwang ‘Thamr’ (Dates) na ito at uminom mula sa tubig at magalak ka sa iyong sarili dahil sa iyong bagong silang na sanggol (na si Kristo Hesus).

At kapag may nakatagpo ka na sinumang tao na nagtanong hinggil sa iyo, na kung ano ang nangyari sa iyo, tugunan mo siya sa pamamagitan ng senyas, na sabihin mo, ‘Katiyakan, ipinangako ko sa aking sarili na ako ay hindi magsasalita; na kung kaya, mula ngayon ay hindi muna ako makikipag-usap sa mga tao.

 

error messagebox
00:00

Jesus Mary

SI JESUS AT SI MARIA SA QUR’AN QUIZ

 

e-click lang po natin ang green at white arrow para sa ating maigsing pagsusulit

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top