ANG PAGBABALIK NI MARIA AT NG SANGGOL NA SI JESUS SA JERUSALEM

(ni: bro. ahmad erandio)

DALADALA NI MARIA ANG SANGGOL NA MAY PANGUNGUTYA SA MGA TAONG HINDI NANINIWALA SA KANYA

Quran 19:27. At si Maryam ay nagtungo sa kanyang sambayanan na dala-dala niya ang sanggol mula sa lugar na kanyang pinagmulan, at noong siya ay kanilang nakita sa gayong kalagayan, kanilang sinabi sa kanya: “O Maryam! Katiyakang nagdala ka ng isang kasindak-sindak na pangyayari.”

Quran 19:28. “O kapatid na babae ng mabuting tao na si Hâroun! Kailanman ang iyong ama ay hindi naging masamang tao na gumawa ng kahalayan at gayundin ang iyong ina na hindi masamang babae na nakiapid.”

ANG PANGAKO NI MARIA (AS) NA HINDI MAG SASALITA SA HARAP NG MGA TAO

Quran 19:29. Pagkatapos ay itinuro niya ang bagong sanggol na si `Îssã (Hesus ) upang siya ang kanilang tanungin at pagsalitain, at kanilang sinabi nang may pagkamangha at di pagsang-ayon: “Paano kami makikipag-usap sa isang sanggol na nasa kuna (duyan) at sumususo pa lamang?”

ANG UNANG MILAGRO NI   JESUS (AS) AY ANG PAGSALITA SA HARAPAN NG MGA HUDYO NG SIYA AY ISANG SANGGOL NA KASISILANG PALAMANG

Quran 19:30. Tumugon ang sanggol na si `Îssã (Hesus) na nasa kuna palamang na sumususo: “Katiyakan, ako ay alipin ng Allâh, na Siyang nagpasiya na ako ay pagkalooban ng Aklat na ‘Injeel,’ (Ebanghilyo) at ginawa Niya akong Propeta.

Quran 19:31. “At ginawa Niya akong mapagpala at kapaki-pakinabang kahit saan man ako naroroon, at inutusan Niya ako na pangalagaan ang pagsasagawa ng ‘Salâh’ (Pagdarasal) at magbigay ng ‘Zakah’ (obligadong kawanggawa) habang ako ay nabubuhay.

Quran 19:32. “At ginawa Niya akong mabuti at masunurin sa aking ina, at hindi Niya ako ginawa na mapagmataas na masama na hindi sumusunod sa aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha.”

Quran 19:33. “At ang kapayapaan at kaligtasan ay sumaakin mula sa Allâh () sa araw na ako ay ipinanganak, at sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay bubuhayin na mag-uli sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

At namangha ang mga Hudyo sa milagrong ginawa ni Jesus (as) ang pagsalita bilang isang sanggol na kasisilang palamang subalit marami parin sa mga Hudyo ang hindi naniniwala kay Jesus (as)

SAKATUNAYAN SANGGOL PALAMANG SI JESUS (AS) GUSTO NG PATAYIN NG MGA HUDYO

Mateo 2:13 Pagkaalis ng mga pantas, napakita kay Jose ang Anghel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin ang sanggol at ang kanyang ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.”

ANG KATANGIAN AT BUHAY NI JESUS (AS)

Quran 19:34. Ganito ang kuwento hinggil kay `Îssã (Hesus), () na ikinukwento Namin sa iyo, O Muhammad (), ang kanyang katangian at buhay, na siya, si `Îssã na anak ni Maryam (Maria) ay walang pag-aalinlangan na makatotohanan na siyang pinag-aalinlanganan ng mga Hudyo at mga Kristiyano.

SI JESUS (AS) AY SUGO PARA SA ANGKAN NI ISRAIL (YACOB)

Quran 3:49. At gagawin siyang Sugo sa mga angkan ni Isrâ`il at sasabihin sa kanila: “Ako ay dumating sa inyo na may dalang palatandaan mula sa Allâh () na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na nagpapatunay na ako ay Sugo mula sa Kanya ().  

ANG MGA HIMALANG GAGAWIN NI JESUS (AS)

Quran 3:49. “At ako ay maghuhugis mula sa luwad (‘clay’) ng kamukha ng ibon at (pagkatapos ay) hihingahan ko ito upang ito ay maging isang tunay na ibon sa kapahintulutan ng Allâh ().

“Pagagalingin ko ang ipinanganak na bulag, at gayundin ang mga ketongin, at bubuhayin ko ang namatay sa kapahintulutan ng Allâh (). At sasabihin ko sa inyo kung ano ang inyong kakanin at kung ano ang inyong itatabing pagkain sa inyong mga tahanan.

“Katotohanan, ito ay mga dakilang pangyayari na wala sa kakayahan ng sinumang tao kundi patunay lamang na ako ay Propeta ng Allâh at Kanyang Sugo, kung kayo ay naniniwala sa katibayan ng Allâh () at sa Kanyang mga talata at sumasaksi sa Kanyang Kaisahan.” 

SI JESUS (AS) ANG SAKSI SA KASULATAN NI MOISES (AS)

Quran 3:50. “Ako ay naparito sa inyo, na magpapatotoo sa kung ano ang nilalaman ng ‘Tawrah’ (Aklat ni Moises) at ipahihintulot sa inyo sa pamamagitan ng kapahayagan mula sa Allâh () ang ilan na ipinagbawal sa inyo ng Allâh () upang luwagan kayo bilang Awa mula sa Allâh ().

“At dala-dala ko (rin) sa inyo ang mga palatandaan mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang patunay na ang aking mga sinasabi sa inyo ay totoo; na kung kaya, katakutan ninyo ang Allâh (), at huwag ninyong labagin ang Kanyang ipinag-utos, at sumunod kayo sa akin sa anumang ipinapahayag ko sa inyo mula sa Allâh (). 

Quran 3:51. “Katiyakan, ang Allâh () ay Bukod-Tangi na aking ‘Rabb’ at inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na ako ay nanghihikayat sa inyo tungo sa Kanya; na kung kaya, sambahin ninyo Siya.

Dahil ako at kayo ay pareho sa pagkaalipin at pagpapakumbaba sa Kanya. Ito ang Matuwid na Landas.”

ANG PANAWAGAN NI JESUS (AS) SA MGA MAY PANINIWALA SA DIYOS

Quran 3:52. Noong mabatid ni `Îssã (Hesus) ang kanilang di-pagtanggap, nanawagan siya sa kanyang tunay na mga tagasunod, at sinabi: “Sino ang sasama sa akin para itaguyod ang ‘Deen’ (Relihiyon) ng Allâh?”

Sinabi ng kanyang mga Hawâriyyun (mga piling-piling disipulo): “Kami ang tagapagtaguyod ng ‘Deen’ (Relihiyon) ng Allâh () at nanghihikayat patungo rito.

Naniwala kami sa Allâh () at sumunod sa iyo; na kung kaya, tumestigo ka para sa amin na kami ay mga Muslim taimtim at ganap na sumusuko sa Allâh sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang Kaisahan at pagsunod sa Kanya. 

error messagebox
00:00

MaryPurification

ANG PAGBABALIK NI MARIA AT NG SANGGOL NA SI JESUS SA JERUSALEM

 

e-click lang po natin ang green at white arrow para sa ating pagsusulit

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top