ANG NAGKANULO KAY JESUS (AS) ANG NAMATAY SA KRUS
(ni: bro. ahmad erandio)
Qur’an 3:53. “O Allâh na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Pinaniwalaan namin ang anuman na iyong ipinahayag na ‘Injeel,’ at sinunod namin ang Iyong Sugo na si `Îsã (Hesus u); na kung kaya, ibilang Mo kami sa mga sumaksi sa Kaisahan Mo at sa pagkasugo ng lahat ng Iyong mga Propeta.
Sila ang sambayanan ni Propeta Muhammad (r) na sumasaksi sa lahat ng mga Sugo, na naipahayag nila ang mensahe sa kani-kanilang mga sambayanan.”
GINAWA NI ALLÂH (I) NA MAGING KAMUKHA NI HESUS (u) ANG NAGKANULO SA KANYA
Qur’an 3:54. At nagpakana ang mga walang pananampalataya mula sa angkan ni Isrâ`il sa pamamagitan ng pagpili ng mga tao na papatay kay `Îsã (Hesus u) nang pataksil;
PINATAY AT IPINAKO ANG KAMUKHA NI HESUS (AS)
...na kung kaya, ginawa ng Allâh (I) na maging kamukha ni `Îsã (u) ang taong nagturo (o nagkanulo) sa kanya; at siya ang nahuli nila, pinatay at ipinako, sa pag-aakala na siya ay si `Îsã (u). Tinumbasan ng Allâh (I) ang kanilang mga pakana nang higit pa kaysa roon. (Qur’an 3:54)
AYON SA BIBLIYA ANG DIYOS GUMAWA NG KAPARIHA NI HESUS (AS) AT KANILANG IPINAKO SA KRUS!
Acts 2:36 Therefore let all the house of Israel know assuredly, that GOD HATH MADE THE SAME JESUS, whom ye have CRUCIFIED, both Lord and Christ. (KJV)
Kaya't hayaang buong sambahayan ni Israel makilalang tiyak, na ang diyos ay gumawa ng parehong Jesus na inyong Ipinako, parehong Panginoon at Kristo.
Kung pag-aralan natin ang dalawang Aklat ang Bibliya at Qur’an ating matutunghayan na magkahalintulad ang pahayag:
Sinabi ng Bibliya: ang Diyos gumawa ng kapariha ni Hesus (as). (Acts 2:36 K.J.V.)
At sinabi ng Allah (swt) sa Qur’an: at ginawa ng Allâh (I) na maging kamukha ni Hesus (as). (Qur’an 3:54)
AT SINABI NI ALLAH (SWT) IAANGAT KITA PAPUNTA SA AKIN KASAMA ANG IYONG BUONG KATAWAN AT KALULUWA
Qur’an 3:55. Ang ginawang ‘Makr’ (pantumbas sa masamang gawain) ng Allâh (I) laban sa kanila noong sinabi ng Allâh (I) kay `Îsã (u) na: “Kukunin kita mula sa kalupaan nang walang anumang masamang mangyayari sa iyo, at iaangat kita papunta sa Akin kasama ang iyong buong katawan at kaluluwa. At ililigtas kita mula sa mga di-naniwala sa iyo.
SINO ANG NAGKANULO KAY HESUS (AS) NA NAAAYON SA BIBLIYA!
Ang kasagutan ay si Judas Iscariote
Si Judas ay kilala na siyang nagkanulo kay Jesus sa halagang 30 na mga pilak na barya at ang kanyang pangalan ay kadalasang ginagamit nang magkasingkahulugan ng pagkakanulo o pagtataksil.
At sinabi ni Hesus (as):
Lukas 22:21 Kasama ko naman sa hapag ang kamay ng nagtataksil sa akin. 22 Pumapanaw ang Anak ng Tao ayon sa itinakda pero sawimpalad ang taong nagkakanulo sa kanya.”
SINO SI JUDAS ISCARIOTE SA BUHAY NI JESUS (AS)
Siya ay isa sa mga 12 ka Desipulos ni Jesus (as)
Lukas 22:47 Nagsasalita pa siya nang dumating ang isang grupo ng mga tao. At ang lalaking nagngangalang Judas na isa sa Labindalawa ang nangunguna sa kanila. Lumapit ito kay Jesus para halikan siya.
Lukas 22:48 Sinabi ni Jesus: “Judas, ano’t isang halik para ipag-kanulo ang Anak ng Tao?”
AT KUNG SI JUDAS ISCARIOTE ANG NAGKANULO KAY HESUS (AS) MALINAW NA SIYA ANG NAIPAKO SA KRUS
Qur’an 3:54 ...ginawa ng Allâh (I) na maging kamukha ni `Îsã (u) ang taong nagturo (o nagkanulo) sa kanya; at siya ang nahuli nila, pinatay at ipinako, sa pag-aakala na siya ay si `Îsã (u). Tinumbasan ng Allâh (I) ang kanilang mga pakana nang higit pa kaysa roon.
Qur’an 4:158. Gayong sa katotohanan ay iniangat ng Allâh (I) si ``Îsã (u) na buhay – mismo ang kanyang katawan at kaluluwa; at nilinis siya mula sa dungis nila na mga hindi naniwala.
ANG QURAN IPINAHAYAG BILANG KOMPERMASYON SA MGA NAUNA NA MGA KASULATAN (BIBLIYA)
Qur’an 12:111…Kailanman, ang Banal na Qur’ân na ito ay hindi kasinungalingan at haka-haka, kundi ito ay Aming ipinahayag bilang pagpapatotoo sa mga nauna rito na Kasulatan mula sa Allâh (swt).