INILIGTAS NG DIYOS SI JESUS AT JONAS SA KAMATAYAN
(ni bro. ahmad erandio)
Ang mga Hudyo ay malimit na humihingi ng tanda kay Jesus (as) at isa sa mga tanda na ibinigay ni Jesus (as) ay ang palatandaan na nangyayari kay Jonas (as)
At sinabi ng mga pariseo: “guro, gusto naming makakita ng tanda mula sa iyo.” (Mateo 12:38)
AT SINABI NI JESUS (AS) SA KANILA WALA NA AKONG TANDA KUNDI ANG TANDA NI PROPETA JONAS
Mateo 12:39 “Isang palatandaan ang hinihiling ng masama at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang ibibigay sa kanila, maliban sa palatandaan ni Propeta Jonas.
ANO ANG PALATANDAAN NA SINASABI NI JESUS (AS) NA NANGYAYARI KAY PROPETA JONAS?
AT SINABI NI JESUS (AS):
Mateo 12:40 Kung paanong tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng balyena si Jonas noon, gayundin naman tatlong araw at tatlong gabing mananatili sa ilalim ng lupa ang Anak ng Tao.
ANG KASAYSAYAN NI PROPETA JONAS
Jonas 1:1 Ang salita ni Yawe na dumating kay Jonas na anak ni Amittay: 2 “Magpunta ka sa Malaking Siyudad, ang Ninive, at mangaral laban dito sapagkat umabot na sa akin ang kanilang kasamaan.”
NGUNIT HINDI SUMUNOD SA UTOS NG DIYOS SI JONAS
Jonas 1:3 Bumaba siya sa Joppe, at may nakita siya roong barko na paalis papuntang Tarsis. Nagbayad siya ng pasahe at sumakay papuntang Tarsis para makalayo sa mukha ni Yawe.
NGUNIT NAGPADALA SI YAWE NG ISANG MALAKAS NA HANGIN SA DAGAT
Jonas 1:4 At bumagyo nang napakalakas kayat nanganganib na mawasak ang barko. 1:5 Natakot ang mga mandaragat at tumawag ang bawat isa sa kanya-kanyang diyos.
AT SI JONAS NAKATULOG NG MAHIMBING
At habang itinatapon nila sa dagat ang mga kargamento para pagaanin ang barko, nagpunta naman si Jonas sa baba ng barko, at nakatulog nang mahimbing. (Jonas 1:5)
NILAPITAN SIYA NG KAPITAN AT SINABI
Jonas 1:6 “Paano mo nagagawang matulog? Bumangon ka at tumawag sa iyong Diyos! Baka alalahanin pa niya tayo at hindi tayo mamatay.”
MAGPALABUNUTAN TAYO PARAMALAMAN KUNG SINO ANG MAYGAWA NG KAPAHAMAKANG ITO? (Jonas 1:7)
Nagpalabunutan nga sila at si Jonas ang nakabunot.
Jonas 1:8 Kaya sinabi nila sa kanya: “Dahil ikaw ang sanhi ng disgrasya naming ito, sabihin mo sa amin kung ano ka at tagasaan ka? Ano ang lupain mo at ang iyong bayan?”
AT NAGTANUNG SILA KAY JONAS
Jonas 1:9 Sinabi niya sa kanila: “Hebreo ako at sumasamba kay Yaweng Diyos ng Langit na siyang maygawa sa dagat at lupa.”
LUBHA SILANG NATAKOT AT KANILANG SINABI
Jonas 1:10 “Ano itong ginawa mo!” Dahil kasasabi lamang niya sa kanila na tumatakas siya kay Yawe.
Jonas 1:11 Lalong nagngangalit ang dagat, kaya sinabi nila sa kanya: “Ano ang gagawin namin sa iyo para pakalmahin ang dagat?”
“AT SUMAGOT SI JONAS KUNIN NINYO AKO AT IHAGIS SA DAGAT”
Jonas 1:12 Sumagot siya: “Kunin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ang dagat. Alam kong gawa ko kaya sumapit sa inyo ang malakas na bagyong ito.”
AT KINUHA NILA SI JONAS AT INIHAGIS SA DAGAT (Jonas 1:15)
Jonas 1:15 At kumalma ang nagngangalit na dagat. 16-Lubhang natakot ang mga tao kay Yawe at buong pitagang nag-alay sa kanya at gumawa ng mga panata.
AT NILUNOK SI JONAS NG ISDA
Jonas 2:1. Itinalaga naman ni Yawe na lunukin si Jonas ng isang malaking isda. At tatlong araw at tatlong gabi si Jonas sa tiyan ng isda.
TATLONG ARAW AT TATLONG GABI SI JONAS SA TIYAN NG MALAKING ISDA (Jonas 2:1)
AT NANALANGIN SIYA SA LOOB NG TIYAN NG ISDA
Jonas 2:2 Mula sa tiyan ng isda, nanalangin si Jonas kay Yaweng kanyang Diyos.
Ibig sabihin hindi namatay si Jonas sa loob ng tiyan ng isda.
Jonas 2:11 At inutusan ni Yawe ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa pampang.
At pagkatapos ng lahat si Jonas ay pumunta sa bayan ng Ninive
ANG MGA KATANUNGAN
# 1. NG ITINAPON SI JONAS SA GITNA NG KARAGATAN SIYA BA AY BUHAY O PATAY?
ANG KASAGUTAN AY BUHAY:
Jonas 1:12 (At sinabi ni Jonas) Kunin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ang dagat.
# 2. NG SI JONAS AY NASA TIYAN NG ISDA NG TATLONG ARAW AT TATLONG GABI SIYA BA AY “BUHAY O PATAY“
ANG KASAGUTAN AY BUHAY:
Jonas 2:2 Mula sa tiyan ng isda, nanalangin si Jonas kay Yaweng kanyang Diyos.
3. # NANG SI JONAS INILUWA NG ISDA BUHAY O PATAY?
ANG KASAGUTAN AY BUHAY:
Jonas 2:11 At inutusan ni Yawe ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa pampang.
ANUNG TANDA ANG SINABI NI JESUS (AS) SA MGA NAGTATANONG NA MGA PARISEO?
Mateo 12:39 “Isang palatandaan ang hinihiling ng masama at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang ibibigay sa kanila, maliban sa palatandaan ni Propeta Jonas.
Malinaw ang tanda na sinabi ni Jesus (as) at kanyang sinabi: anumang mangyayari kay Jonas ay gayon din ang mangyayari sa akin.
At kung hindi namatay si Jonas ng 3 araw at 3 gabi sa tiyan ng malaking isda ganoon din si Jesus (as) hindi rin namatay sa Krus dahil ang tanda ni Jonas ay tanda rin ni Jesus (as)
Qur’an 4:157. At dahil sa kanilang sinasabi bilang pagmamayabang at pag-aalipusta: “Katiyakan, napatay namin ang ‘Al-Masih’ (ang Messiah) na si `Îsã (Hesus ) na anak ni Maryam,” gayong sa katotohanan ay hindi nila napatay si `Îsã () at mas lalong hindi nila ito naipako; bagkus ang naipako nila ay isang lalaki na kamukha niya dahil sa iniisip nilang ito ay si `Îsã ().
At sinuman ang nag-angkin ng pagpatay sa kanya mula sa mga Hudyo at sa sinumang nagkanulo sa kanya mula sa mga Kristiyano, lahat sila ay nasa pagdududa at pag-aalinlangan at wala silang tiyak na kaalaman, kundi ang sinusunod lamang nila ay haka-haka at hindi sila nakatitiyak na siya ay napatay nga nila bagkus sila ay punung-puno ng pag-aalinlangan.