ANG MGA PARI AT HUDYO ANG MAY GUSTONG
PUMATAY KAY JESUS (AS)
(ni: bro. ahmad erandio)
Hindi si Jesus (as) ang may gustong magpakamatay sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan
katibayan:
Marcos 14:55 Naghahanap ang mga punong pari at ang Sanggunian ng patotoo laban kay Jesus para maipapatay siya pero wala silang nakita.
ALAM NYO BA? NA IGINAPOS SI JESUS (AS) NG MGA PARI AT HUDYO AT DINALA SA HARI PARA IPAPATAY!
Marcos 15:1 Maagang-maaga pa’y naghanda ang mga punong-pari ng isang pulong kasama ang mga Matatanda at mga guro ng Batas ang buong Sanhedrin. iginapos nila siya at ipinadala kay Pilato.
SINULSULAN PA NG MGA PUNONG PARI ANG MGA TAO NA SI BARABBAS ANG PAKAWALAN AT SI JESUS (AS) ANG IPAKO SA KRUS!
Katibayan:
Marcos 15:11 sinulsulan naman ng mga punong pari ang mga tao para hingin na si Barabbas ang pakawalan.
Marcos 15:12 kaya tinanong uli sila ni Pilato: “at ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag ninyong hari ng mga Judio?”
Marcos 15:13 at sumagot ang lahat: “Ipako siya sa Krus!”
Marcos 15:14 Iginiit naman ni Pilato: “ano ang kanyang kasalanan?” ngunit lalo nilang nilakasan ang sigaw: “Ipako iyan sa Krus!”
Ang mga Pari at Hudyo pala ang may gustong maipako sa Krus at Mapatay si Jesus (as)? Hindi pala totoong si Jesus (as) ang may gustong mamatay sa Krus?
Wala pala sa puso’t isipan ni Jesus (as) na magpakamatay para tubusin ang kasalanan kundi ang mga Pari at Hudyo lamang ang may gustong patayin si Jesus (as)?
PINAKAWALAN NI HARING PILATO SI BARABBAS AT IPINAHAGUPIT NAMAN SI JESUS (AS)
Marcos 15:15 sa hangad ni Pilatong bigyangkasiyahan ang bayan, pinakawalan niya si Barabbas at ipinahagupit naman si Jesus at ibinigay para ipako sa krus.
PINAGTAWANAN PA SI JESUS (AS) NG MGA PARI AT HUDYO SA KADAHILANANG HINDI KAYANG ILIGTAS ANG KANYANG SARILI
katibayan:
Marcos 15:31 pinagtawanan din siya ng mga punong-pari at mga guro ng batas na nag-uusap-usap: nailigtas niya ang iba, at sarili niya’y di mailigtas!
MALIBAN SA PINAGTAWANAN NILOLOKO PA NILA SA PAMAMAGITAN NG PAGLAGAY NG TINIK SA KANYANG ULO?
Marcos 15:17 Dinamitan nila siya ng kulay-pulang balabal at pumilipit sila ng isang koronang tinik at ipinatong ito sa kanyang ulo. [na may tatak na INRI [na ibig sabihin: Issa (Jesus) ng Nazarino ang Raiz [ang pinuno) sa Israel ]
BAKIT GUSTONG IPAGPALIT NG MGA HUDYO SI JESUS (AS) KAY BARABBAS?
Sakadahilanang si Jesus (as) raw ay makasalanan at higit ang nagawang kasamaan kay sa kay Barabbas kaya sumigaw pa ang mga Pari at Hudyo ilabas si Barabbas at ipako sa Krus si Jesus!
Sa kapanahunan ni Jesus (as) ang pag Pako sa Krus ay para lamang sa taong sagad na ang kasamaan at ganito ang pananaw ng mga Pari at Hudyo kay Jesus (as) na kungsaan hindi tanggap ng mga Muslim na si Jesus (as) ay isang masamang tao.
KUNG TOTOO ANG KRUSIPIKSIYON
Paano ang mga taong nagdasal at humingi ng kapatawaran sa Diyos sa kanilang kapanahunan ligtas ba sila sa Impyernong Apoy kahit wala pa si Jesus (as)?
At bakit walang Pari o Pastor o kaya mga mayayamang relihiyuso na gustong maipako sa Krus tuwing Mahal na Araw? Bakit ang mga mahihirap lamang ang nagpapapako sa Krus!
Dapat mag-aagawan ang mga Pari at Pastor at mga relihiyosong mayayaman sa pagpapapako sa Krus tuwing Mahal na Araw.
Pero wala! ni isa sa kanila ang may gustong magpapapako sa Krus tuwing Mahal na Araw.
NANG NASA LUPA PALANG SI HESUS (AS) DININIG ANG KANYANG DASAL NA WAG MAMATAY
Hebrew 5:7. Nang nasa lupa pa siya, malakas na pagdaing at mga luha ang inihandog niya sa kanyang mga panalangin at samo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya nito dahil sa kanyang pitagan.
ANG PAGDARASAL NI JESUS (AS) NA WAG MAMATAY SA KRUS AY TANGGAP NG DIYOS
Lukas 22:42 “Ama, kung gusto mo, alisin mo sa akin ang kalis (kamatayan) na ito. Gayunma’y huwag ang kalooban ko kundi ang sa iyo ang masunod.”
Si Jesus (as) ba ay matuwid?
James 5:16 … Mabisa! ang taimtim na panalangin ng taong matuwid.
Malinaw na ang pagdarasal ni Jesus (as) sa Hebrew 5:7 at Lukas 22:42na wag mamatay sa Krus ay tanggap ng Diyos
DINIRINIG KO ANG PANALANGIN NG SINUMANG NANANALANGIN KAPAG SIYA AY NANANALANGIN SA AKIN
Qur’an 2:186 Kapag tinanong ka, O Muhammad (), ng Aking mga alipin hinggil sa Akin, sabihin mo sa kanila: “Ako ay malapit sa kanila (sa pamamagitan ng ganap na kaalaman), dinirinig Ko ang panalangin ng sinumang nananalangin (nang hindi gumagamit ng tagapamagitan) kapag siya ay nananalangin sa Akin…
KUNG KAYA ANG SINUMANG NANINIWALA SA KRUSIPIKSIYON SIYA AY HINDI MAKA KRISTO KUNDI MAKA HUDYO SAPAGKAT SILA ANG MAY GUSTONG MAIPAKO SA KRUS SI JESUS (AS)