SA PAGBABALIK NI JESUS (AS) ANG MGA HUDYO
AT KRISTIYANO AY MANINIWALA SA KANYA
(ni: bro. ahmad eranio)
HINIHILING NG MGA HUDYO SA IYO, O MUHAMMAD (), NA MAGPAKITA KA NG HIMALA
Qur’an 4:153. Hinihiling ng mga Hudyo sa iyo, O Muhammad (), na magpakita ka ng himala na tulad ng himalang ginawa ni Mousã – Moses () bilang patunay ng iyong pagiging totoo sa pamamagitan ng tuwirang paghahayag sa kanila ng kasulatan mula sa Allâh (), na ang pagkakasulat ay katulad ng mga Lapidang ipinadala kay Mousã mula sa Allâh (); na kung kaya, huwag kang magtaka, O Muhammad (), dahil ganoon din ang ginawa ng mga ninuno nila kay Mousã (), humiling sila ng mas matindi pang kahilingan kaysa rito, hiniling nila kay Mousã na magpakita sa kanila ang Allâh () nang lantaran; na sa gayong kadahilanan ay sinanhi ng Allâh () na tamaan sila ng kidlat dahil sa kasamaan nila, na humihiling sila ng bagay na wala naman silang karapatan.
ANG PAGSUWAY NG MGA HUDYO SA KAUTUSAN NG DIYOS
Qur’an 4:154. At itinaas Namin sa ibabaw ng kanilang mga ulunan ang bundok ng ‘Tûr’ noong tumanggi silang ipatupad ang kanilang pangako, na sila ay nangakong tutuparin nila ang batas ng ‘Tawrah.’
At inutusan Namin sila na pumasok sa ‘Baitul Maqdis’ (sa ‘Falisteen’) na naka-‘sujud’ (na ang ibig sabihin ay nakayuko na may kasamang pagpapakumbaba), subali’t sila ay pumasok nang patihaya na nakasadsad ang kanilang mga pigi, upang sila ay hindi makapag-‘sujud;’ at inutusan Namin silang huwag gawin ang pangingisda sa araw ng ‘Sabbath’ subali’t nilabag nila ito at sa halip ay nangisda pa rin sila; at nagkaroon Kami ng matibay na kasunduan sa kanila, subali’t ito ay kanilang nilabag.
ISINUMPA SILA NG DIYOS DAHIL SA KANILANG PAGSIRA NG KASUNDUAN
Qur’an 4:155. Kung kaya, isinumpa Namin sila dahil sa ginawa nilang pagsira sa kasunduan; at sa pagtanggi nila sa mga talata at mga palatandaan ng Allâh (), na nagpapatunay sa pagiging totoo ng Kanyang mga Sugo; at dahil din sa ginawa nilang pagpatay sa mga Propeta nang di-makatarungan, at sa sukdulan nilang kasamaan.
AT ISINUMPA RIN NAMIN SILA DAHIL SA KANILANG PAGTANGGI AT PAG-AAKUSA KAY MARIA (AS)
Qur’an 4:156. At isinumpa rin Namin sila dahil sa kanilang pagtanggi at pag-aakusa kay Maryam (birheng Maria ), na siya ay nakagawa (raw) ng pakikiapid gayong siya ay wala namang kasalanan.
Qur’an 4:157. At dahil sa kanilang sinasabi bilang pagmamayabang at pag-aalipusta: “Katiyakan, napatay namin ang ‘Al-Masih’ (ang Messiah) na si `Îsã (Hesus ) na anak ni Maryam,” – gayong sa katotohanan ay hindi nila napatay si `Îsã () at mas lalong hindi nila ito naipako; bagkus ang naipako nila ay isang lalaki na kamukha niya dahil sa iniisip nilang ito ay si `Îsã ().
ANG PAGBABA NI HESUS () AY TANDA SA PAPALAPIT NA PAGDATING NG ORAS NG PAGKAGUNAW
Qur’an43:61. At katiyakan, ang pagbaba ni `Îsã – Hesus () bago dumating ang Araw ng Muling Pagkabuhay ay tanda sa papalapit na pagdating ng Oras ng pagkagunaw ng sandaigdigan (‘As-Sâ`ah’), na kung kaya, huwag kayong magduda dahil ito ay tiyak na mangyayari, at sundin ninyo ako sa anumang aking ipinarating sa inyo mula sa Allâh (), ito ang Matuwid na Landas tungo sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) na walang paliku-liko at hindi lihis.
AT HUWAG NINYONG HAYAANG MAHARANGAN KAYO NI ‘SHAYTÂN’ (SATANAS)
Qur’an 43:62. At huwag ninyong hayaang maharangan kayo ni ‘Shaytân’ sa pamamagitan ng kanyang pambubuyo mula sa pagsunod sa Akin sa anumang Aking ipinag-utos sa inyo at Aking ipinagbawal, dahil sa katunayan, siya ay malinaw ninyong kalaban.
AT SINABI NI HESUS “KATIYAKAN, DALA KO SA INYO ANG PAGIGING PROPETA
Qur’an 43:63. At nang dumating si `Îsã (Hesus ) sa mga angkan ni Isrâ`îl na dala-dala niya ang mga malilinaw na mga katibayan, kanyang sinabi: “Katiyakan, dala ko sa inyo ang pagiging Propeta, at upang linawin ko sa inyo ang ilan na mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan hinggil sa ‘Deen’ (o Relihiyon), na kung kaya, matakot kayo sa Allâh () sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas ninyo sa Kanyang ipinagbabawal, at sundin ninyo ako sa anumang ipinag-utos ko sa inyo na pagkatakot sa Allâh () at pagsunod sa Kanya.
Quran 43:64. “Katiyakan, ang Allâh (), Siya ang aking ‘Rabb’ at inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng lahat! Na kung kaya, sambahin ninyo Siya nang bukod-tangi, at huwag kayong sumamba ng kahit na anumang bukod sa Kanya.
Itong ipinag-utos ko sa inyo ay mula sa pagkatakot sa Allâh () at paniniwala sa Kanyang Kaisahan na ito ang Matuwid na Landas, at ito ang ‘Deen’ ng Allâh () na katotohanan na hindi Niya tinatanggap ang anuman maliban dito.”
SA ARAW NG MULING PAGKABUHAY
Qur’an 4:159. At walang pag-aalinlangan, walang sinumang matitira mula sa mga angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at mga Kristiyano) sa dulo ng panahon sa pagbabalik ni `Îsã () nang hindi maniniwala sa kanya bago siya (`Îsã) mamatay; at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, si ` Îsã () ay magiging testigo sa kasinungalingan ng sinumang di-naniwala sa kanya at sa paniniwala ng sinumang naniwala.