SINO SI ZAKARIA SA BUHAY NI MARIA NA INA NI JESUS

 

SI IMRAN (as) AT HANNAH (AS)

Si Imran (as) ang tatay ni Maria (as) at si Hannah (as) ang kanyang nanay na siyang naging lolo at lola ni Jesus (as)

Quran 3:33 Katiyakan, ang Allâh (), pinili Niya si Âdan (), si Nûah (), ang pamilya ni Abrâham (), at ang pamilya ni `Imrân (), at ginawa sila na bukod-tangi sa lahat ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan.

Quran 3:34. Sila ang mga Propeta at mga Sugo, na mga dalisay na magkakadugtung-dugtong na mga angkan, na sila ay taimtim sa Allâh () sa Kanyang Kaisahan at pagsunod sa Kanyang Rebelasyon.

ANG PANGAKO NI HANNAH AT IMRAN KUNG SILA AY MAGKAKAROON NG ANAK NA LALAKI

Qur’an 3:35 “O aking ‘Rabb’ (Panginoon) na Tagapaglikha! Ako ay nangangako sa Iyo na ipagkakaloob ko sa Iyo ang nasa aking sinapupunan, bilang taimtim na pangako mula sa akin, na siya ay pagsisilbihin ko sa ‘Baytul Maqdis’ (Falisteen), na kung kaya hinihiling ko na ito ay tanggapin Mo sa akin, dahil Ikaw lamang ang ‘As-Samee’ – ang Ganap na Nakakarinig ng aking panalangin, na ‘Al-`Aleem’ – ang Ganap na Nakaaalam ng aking layunin.”

SUBALIT BABAE ANG IPINANGANAK NI HANNAH AT IMRAN (AS)

Quran 3:36. Noong nabuo ang kanyang pagdadalang-tao, ipinanganak niya ang kanyang sanggol na babae, sinabi niya:

“O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Ang aking ipinanganak ay babae at hindi maaaring manilbihan sa ‘Baytul Maqdis.’ Subali’t ang Allâh () ang Nakaaalam kung anuman ang kanyang isinilang at ito ay pagkakalooban ng Allâh () ng di-pangkaraniwang katangian.”

At sinabi niya: “Hindi maaari na ang lalaki na aking hinahangad para manilbihan ay katulad ng babae. Dahil ang lalaki ay higit na malakas at karapat-dapat sa paninilbihan;

AT PINAPANGALANAN NI IMRAN AT HANNAH ANG KANILANG ANAK NA MARYAM (MARIA)

...gayunpaman, pinapangalanan ko siya ng Maryam at hinihiling ko ang kalinga Mo para sa kanya at sa kanyang magiging pamilya laban sa ‘Shaytân’ (Satanas) na isinumpa at inilayo mula sa Iyong Awa.” (Quran 3:36.)

ANG PALIGSAHAN KUNG SINO ANG MAG-ALAGA KAY MARIA (AS)

Ang pamamaraan na ginawa nila upang mabatid kung sino ang mangangalaga kay Maryam ay nagpaligsahan sila: itinapon nila ang kanilang mga panulat na may pangalan na nakasulat sa mga ito sa ilog ng Jordan, at ang panulat na hindi aanurin ng tubig ang magwawagi.

ANG NAGWAGI AY SI ZAKARIYÃ (AS)

Quran 3:44 At naganap sa pagitan nila ang paligsahan na palabunutan sa pamamagitan ng pagtapon ng   kanilang mga panulat, at ang nagwagi ay si Zakariyã () at siya samakatuwid ang nag-alaga sa kanya.

ANG PANGANGALAGA NI ZAKARIYÃ KAY MARIA (AS)

Quran 3:37…At pinangalagaan ng Allâh () ang kanyang anak na si Maryam (), inaruga at siya ay lumaki sa mabuting aral ng magandang paglaki; at ginawa ng Allâh () na maging madali para sa kanya ang pangangalaga ni Zakariyã (), kaya siya (Maryam) ay pinatira sa kanyang lugar na sambahan (‘Al-Mihrâb’).

Sa tuwing papasok sa lugar na ito si Zakariyã () ay natatagpuan niya ang mga nakahain na masasarap na pagkain. Sinabi ni Zakariyã (): “O Maryam”, saan nanggaling ang mga ‘rizq’ (mabuting pagkain) na ito?” Sinabi niya: “Ito ay biyaya na nagmula sa Allâh ().

Sa katotohanan ang Allâh (), sa Kanyang kagandahang-loob, binibiyayaan Niya ang sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga nilikha nang walang hangganan.” (Quran 3:37)

NANALANGIN DIN SI ZAKARIYA (AS) NA MAPAGKALOOBAN DIN NG ANAK

Quran 3:38. Noong nakita ni Zakariyã () ang kagandahang-loob ng Allâh () kay Maryam sa pamamagitan ng pagbibigay ng biyaya, humarap siya sa Allâh () na kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at nanalangin, na nagsabi: “O aking ‘Rabb!’ Pagkalooban Mo ako ng anak mula sa Iyo, na mabuti, matuwid at mabiyaya. Dahil Ikaw ang ‘Samee`’ – Ganap na Nakakarinig ng mga panalangin ng sinumang nananalangin sa Iyo.”

DININIG ANG PANALANGIN NI ZAKARIYA (AS) AT SILA AY MAGKAANAK NA ANG PANGALAN AY YAHYA [JUAN (AS)]

Quran 3:39. Tinawag siya ng mga anghel habang siya ay nakatayo na nakaharap sa Allâh (), sa lugar na dasalan na nananalangin. Kanilang sinabi: “Katiyakan, binibigyan ka ng Allâh () ng magandang balita na ikaw ay pagkakalooban ng anak na ang pangalan ay Yahyã (Juan )

SI ALLAH (SWT) ANG NAGBIGAY NG PANGALANG YAHYA (AS)

“Katiyakan, binibigyan ka ng Allâh () ng magandang balita na ikaw ay pagkakalooban ng anak na ang pangalan ay Yahyã (Juan ).

NAMANGHA SI ZAKARIYA (AS) SAPAGKAT SIYA AY MATANDA NA AT ANG KANYANG ASAWA AY BAOG PA? (Quran 3:39)

Quran 3:40. Si Zakariyã () ay nagsabi na may katuwaan at pagtataka: “O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Paano ako magkakaroon ng sanggol samantalang ako ay inabot na ng katandaan at ang aking asawa ay isang baog at hindi maaaring magkaanak?

Sinabi ng anghel: “Ganoon ang Allâh, gumagawa ng anuman na Kanyang nais na mga gawain na hindi pangkaraniwan.”

AT KAY ALLAH (SWT) HUMINGI NG TANDA SI ZAKARIYA

Quran 3:41. Si Zakariyã () ay nagsabi: “O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Bigyan Mo ako ng tanda, na magiging katibayan na ang sanggol ay magmumula sa akin, nang sa gayon, ako ay matuwa at masiyahan.”

Kanyang sinabi: “Ang tanda na iyong hinihiling ay hindi mo makakayanang magsalita sa mga tao ng tatlong araw maliban sa mga senyas. Kahit na ikaw ay walang karamdaman, at sa mga panahong yaon, dalasan mo ang pagpuri sa iyong ‘Rabb’ at pagdarasal sa mga dulo ng umaga at sa mga umpisa nito.”

MGA NAKATAGONG KUWENTO NA IPINAHAYAG NG ALLÂH () PATUNGKOL MARIA (AS) AT ZAKARIA (AS)

Quran 3:44. Ang mga ikinukuwento Naming ito sa iyo, O Muhammad () ay mula sa mga nakatagong kuwento na ipinahayag ng Allâh () sa iyo, dahil hindi ka naman nila nakasama noong sila ay di-nagkasundo kung sino sa kanila ang mag-aalaga kay Maryam, kung sino ang may karapatan nito.

At naganap sa pagitan nila ang paligsahan na palabunutan sa pamamagitan ng pagtapon ng kanilang mga panulat, at ang nagwagi ay si Zakariyã () at siya samakatuwid ang nag-alaga sa kanya (Maria).

 

ni: bro. Ahmad Erandio

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top