SI HESUS (AS) BA AY GUMAWA NG ALAK O NAPAGBINTANGAN LAMANG
Sa kasalukuyang henerasyon sa ngayon malimit na sinasabi ng mga hindi Muslim na si Hesus (as) ay gumawa ng alak na kung kaya maraming mga taong umiinom ng alak sa kadahilanang si Hesus (as) ay gumawa raw ng alak.
ANG ALAK AY SALOT SA LIPUNAN
Sa relihiyong Islam ang alak ay itinuring na isa sa pinakamalaking kasalanan sa sinumang uminom, magbinta, mamigay o gumawa ng alak sapagkat nagdudulot ito ng maraming kapinsalaan sa loob ng pamilya, kaibign o kahit kaninuman.
IPINAGBABAWAL NG DIYOS ANG ALAK
Qur’an 2:219 Tinatanong ka ng mga Muslim, O Muhammad (), kung ano ang batas hinggil sa mga nakalalasing na inumin, sa paggawa nito, sa pag-inom nito, sa pagbili at pagtinda nito.
Ang ‘Khamr’ ay tumutukoy sa lahat ng uri ng mga nakalalasing, nakasasara at nakasisira ng matinong pag-iisip maging ito man ay isang uri ng inumin o pagkain.
MARAMING TAO SA NGAYON AY UMIINOM NG ALAK SA KADAHILANANG SI HESUS (AS) RAW AY GUMAWA NG ALAK
Subalit ang katanungan totoo kaya ang kanilang paratang na gumawa si Hesus (as) ng Alak hindi kaya ito ay isang gawagawa lamang upang maging kanaisnais sa pandinig at pananaw sa mga umiinum ng alak?
AYON KAY JUAN SA IKATLONG ARAW, MAY KASALAN SA KANA NG GALILEA
Juan 2:1 Sa ikatlong araw, may kasalan sa Kana ng Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. (K. E. P.)
Juan 2:2 Kumbidado rin sa kasalan si Jesus at ang kanyang mga alagad.
NAGKAUBUSAN NG ALAK SA KASALAN
Juan 2:3 Ngunit kinapos ang alak sa kasalan kaya wala na silang alak. Kaya sinabi ng ina ni Jesus sa kanya: “Wala silang alak.”
ANG SABI NI MARIA (AS) “WALA SILANG ALAK.”
Juan 2:4 Sinabi sa kanya ni Jesus: “ANO SA AKIN O SA IYO, O BABAE? Hindi pa sumasapit ang oras ko.”
ANG UNANG KATANUNGAN: Tanggap ba ng mga Muslim na si Hesus (as) ay naging bastos o arogante sa sariling ina na kungsaan tinawag na Babae?
ANG KASAGUTAN: Hindi tanggap ng mga Muslim na si Hesus (as) ay isang bastos magsalita sa sariling ina siya ay isang matuwid na Sugo at Propeta ni Allah (swt) at kailanman ang isang Sugo ng Diyos ay hindi maaaring maging bastos sa sariling ina.
PANGALAWANG KATANUNGAN: Totoo bang si Hesus (as) ay nalasing kung kaya naging bastos sa sariling ina?
KASAGUTAN: Hindi po totoong nalasing si Hesus (as) at naging bastos sa kanyang sariling ina.
PANGATLONG KATANUNGAN: At kung totoo na gumawa si Hesus (as) ng alak tanggap po ba natin na si Hesus ay Lasinggero at isang Bastos at Arogante sa sariling ina?
KASAGUTAN: Bilang mga Muslim na may pagmamahal kay Hesus (as) at sa kanyang inang si Maria (as) kailanman ay hindi namin tanggap na siya ay maging bastos at walang galang sa sariling ina.
ANG MGA SINASABI NI HESUS (AS) PATUNGKOL SA KANYANG INA
Ay malinaw na ito ay gawagawa lamang ng mga nagdagdag bawas sa mga nilalaman ng Bibliya upang maging Halal o Lawful sa kanila ang Alak.
ALAM NAMAN NATING LAHAT NA ANG BIBLIYA AY MAY DAGDAG BAWAS
Halimbawa: ang Katoliko na Bersiyon ay may roong 73 ka Aklat mula sa Genesis hanggang Rebelasyon at ang King James Bersiyon naman ay may 66 ka Aklat lamang at ang bawat isa sa kanila ay mariin na sinasabing ang hinahawakan nilang Aklat ay Tunay na nag mula sa Diyos.
KAYA MALAMANG NA ANG BERSIKULONG NAKASULAT SA Juan 2:2 up to 5
Ay gawagawa lamang na kungsaan gumawa raw si Hesus (as) ng Alak at nalasing sapagkat hindi na nya na kilala ang sariling ina, kaya tinawag ni Hesus (as) ang sariling inang si Maria na BABAE?
ANO ANG SINABI NI HESUS (AS) PATUNGKOL SA KANYANG INANG SI MARIA (AS) SA QUR’AN
Qur’an 19:32. “At ginawa Niya akong mabuti at masunurin sa aking ina, at hindi Niya ako ginawa na mapagmataas na masama na hindi sumusunod sa aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha.”
ANG ALAK AY HINDI LAMANG SA QUR’AN IPINAGBABAWAL KUNDI GANOON DIN SA BIBLIYA
HINDI MAGMAMANA NG KAHARIAN NG DIYOS ANG UMIINUM NG ALAK
Galatians 5:21 pananag-hili, inuman, lasingan, at iba pang tulad ng mga ito. Muli kong sinasabi sa inyo ang sinabi ko na noong una, na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga gumagawa ng mga bagay na ito.
PATAYIN SA BATO ANG BASTOS AT LASENGGO
Deuteronomy 21:20 at sabihin sa mga matatanda – Matigas ang ulo at rebelde ang anak naming ito, at hindi siya nakikinig sa amin, bastos at lasenggo.
Deuteronomy 21:21 At babatuhin siya ng lahat ng lalaki ng kanyang lunsod hanggang mamatay. Kaya maaalis mo ang kasamaan sa iyong piling. Maririnig ito ng buong Israel at matatakot.
DAHIL SA ALAK HINAHADLANGAN ANG KAISIPAN NG TAO SA PAGPURI SA DIYOS
Quran 5:91. Katiyakan, ang nais lamang ni ‘Shaytân’ ay pagandahin sa inyo ang mga kasalanan, upang pukawin ang inyong poot sa isa’t isa, at maglaban-laban kayo sa pamamagitan na mga nakalalasing na inumin, at paglalaro ng mga sugal; at ilalayo kayo sa pagpuri sa Allâh () at sa pagsa-‘Salah,’ dahil sa pagkasara ng inyong mga kaisipan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga nakalalasing at sa walang kabuluhan na pagkakaabala ninyo sa pagsusugal; na kung kaya, itigil ninyo ang mga ito.
Allah (swt) Apostle said, "Whoever drinks alcoholic drinks in the world and does not repent (before dying), will be deprived of it in the Hereafter." [Sahi Al-Bukhari V.7 H. no.81]
The Prophet said, "From among the portents of the hour are the following:
“General ignorance (in religious affairs) will prevail,
(religious) knowledge will decrease,
illegal sexual intercourse will prevail,
alcoholic drinks will be drunk (in abundance),
men will decrease and women will increase so much so that for every fifty women there will be one man to look after them." [Sahi Al-Bukhari V.7 H. no.83]
ni: bro. Ahmad Erandio
Paki click lamang po ang berde at puting arrow para po sa maikling pagsusulit