KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG PAGTAWID NI MOSES (AS) SA KARAGATAN AT ANG KATAWAN NI FA’RAWN
ANG PAGTAWID NI MOISES (AS) AT ANG MGA ANGKAN NI ISRAEL SA KARAGATAN
Quran 10:90. At biniyak Namin ang karagatan para sa mga angkan ni Isrâ`il, hanggang sa sila ay nakatawid, at sinundan sila ni Fir`âwn at ng kanyang mga sundalo bilang pang-aapi at paghihimagsik, na kung kaya, lumusong sila sa karagatan kasunod nila, hanggang sa nagsara ang karagatan noong nasa kalagitnaan na si Fir`âwn at malulunod na, kanyang sinabi:
AT SINABI NI FIRAWN
“Naniwala na ako na walang dapat sambahin kundi Siya, na pinaniniwalaan ng mga angkan ni Isrâ`îl, at ako’y kabilang sa naniwala sa Kanyang Kaisahan at sumusuko sa Kanyang kagustuhan bilang isa sa mga Muslim.” (Q. 10:90)
HULI NA ANG LAHAT NG PAGSISI NI FIRAWN
Quran 10:91. Ngayon pa lamang, O Fir`âwn, dahil dumating na sa iyo ang kamatayan ay saka ka pa lamang naniwala na ang Allâh () lamang ang bukod-tangi na dapat sambahin, samantalang nilabag mo Siya bago dumating sa iyo ang kaparusahan, at ikaw ay kabilang sa mga namiminsala at humaharang sa Kanyang Daan! Samakatuwid, walang kapakinabangan ang iyong pagsisisi sa oras ng iyong pag-aagaw-buhay
AT KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG KATAWAN NI FIRAWN
ANG PAHAYAG NG QUR’AN PATUNGKOL SA KATAWAN NI FIR’AWN
Quran 10:92 Na kung kaya, ngayon ay gagawin Namin na makarating sa kalupaan ang iyong bangkay (na ito ay ipapadpad sa dalampasigan), na makikita ka ng sinumang hindi naniwala sa iyong kamatayan; upang ito ay maging aral sa sinumang darating na mga tao pagkatapos mo.
Ang katawan ni Far’awn ay nadiskobre lamang noong 1898 subalit ang Quran existed na noong 1400 taong nakalipas.
Sakatunayan ang katawan ni Ramses II, ang Ehiptong Paraw’n ito ay sa kapanahunan pa ni Propeta Moses (as)
At ayon sa mga dalubhasa na mga sayantifico nasa 3,000 taon ng nakalipas ang katawan ni Far’awn at ito ay natagpuan sa Red Sea at ang kanyang katawan ay naka lantad sa Royal Mummies Museum sa bansa ng Ehipto.
Quran 10:92 At katotohanan, karamihan sa mga tao ay pabaya sila sa Aming mga katibayan at mga palatandaan, na ito ay hindi nila pinagtutuunan ng pansin at hindi nagsisilbing aral para sa kanila.
Qur’an 10:93. At pinatira Namin ang mga angkan ni Isrâ`îl (Jacob) sa maayos at marangal na tirahan sa ‘Sham’ at sa Ehipto, at pinagkalooban Namin ng mabubuting kabuhayan mula sa mga biyaya rito sa kalupaan, na sila ay hindi nagkakasalungatan patungkol sa Relihiyon (‘Deen’-Al-Islam) maliban na lamang noong pagkatapos dumating sa kanila ang kaalaman na magbubuklod sa kanila, at kabilang sa kaalaman na yaon na nasa loob ng ‘Tawrah’ (Kasulatan ni Moses) ay ang mga kuwento hinggil sa pagiging Propeta ni Muhammad.
Katiyakan, ang iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, O Muhammad (sas) ang huhukom sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at doon sa hindi nila pinagkakasunduan na patungkol sa iyo, kaya, makapapasok sa Impiyerno ang mga hindi naniwala at sa ‘Al-Jannah’ (Paraiso) naman ang mga naniwala. (Q. 10:93)
ni: bro. Ahmad Erandio
2