PAANO MAGING MUSLIM

MADALI LAMANG ANG MAGING MUSLIM:

1. Kailangan mag Shahada (Panunumpa) na wala ng ibang Diyos maliban Kay Allah (swt) at si Muhammad (sas) ang kanyang Sugo at si Hesus (as) ang Propeta at Sugo ni Allah (swt).

2. Kailangan maintindihan niya ang kahulugan ng Shahada (Panunumpa).

3. Kailangan maintindihan niya ang kahulugan ng Islam at ang kahulugan ng salitang Muslim.

4. At kailangan tanggap sa puso’t isipan na wala ng ibang Diyos maliban kay Allah (swt)

Ang Shahada (panunumpa) ang siyang una sa limang haligi ng relihiyong Islam. Ito ay isang makabuluhang salitang Arabik na may malawak ang kahulugan, sa literal o tuwirang pakahulugan ay pagsaksi o pagpapatotoo.

Sa pang ispiritwal na aspito ang pinakabuod na katuturan nito ay panunumpa ng isang tao na wala nang iba pang Diyos maliban Kay Allah Subhanah wa Ta’ala at si Propeta Muhammad (sas) ay Kanyang alipin at Sugo.

Ang Shahada ay binibigkas sa salitang arabik sa unang pagkakataon ng isang hindi Muslim na nagnanais yakapin ang relihiyong Islam, gaya ng sumusunod;

ASH-HADUAN - LAA - ILLAHA – ILA - ALLAH WA ASH-HADU - ANNA MUHAMMADAR - RASUL - ALLAH (ako ay nanunumpang walang ibang Diyos maliban Kay Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah).

ANG ISLAM AY MAY LIMANG HALIGI O BATAYAN NG PANANAMPALATAYA [FIVE PILLARS OF ISLAM].

1, Ang Shahada ay pagpapatotoo sa unang haligi nito na walang ibang Diyos na karapatdapat sambahin maliban kay Allah (swt), at si Propeta Muhammad (sas) ang kanyang Sugo, ang Shahada ay nagpapatotoo rin sa pagiging Sugo ni Propeta Hesus (as).

2, Ang Salah [pagdarasal] ng limang beses sa maghapon.

3, Ang Zakah [kawanggawa], pagtukoy sa dalawa’t kalahating bahagdan (2.5%) na inaawas sa natitirang halaga ng ariarian o yaman kung mayroonman siya nito sa buong isang taon.

4, Sawm [pag-aayuno] sa buwan ng Ramadhan.

5, Hajj [pilgrimage] sa Makkah.

pagkakataon

Ang pagpapahayag ng isang tao ng Shahada (Panunumpa) sa kaunaunahang ay nagbibigay sa kanya ng karapatang mapabilang sa tinatawag na Muslim na ang ibig sabihin ay yaong mga sumusunod sa batas ni Allah (swt), at sa aral at kaugalian ng mga Propeta at Sugo ng bawat henerasyon.

At dahil sa pagtanggap nang buong puso’t isipan sa isinasaad ng Shahada ang kanyang relihiyon ay Islam, na ang ibig sabihin ay pagtalima at pagpapasakop sa kagustuhan ni Allah (swt).

BAKIT WALANG BINYAG ANG MGA MUSLIM

Minsan maraming umiiral na mga katanungan ang mga hindi Muslim at isa na rito kung bakit walang binyag o bawtismo ang mga Muslim, hindi tulad sa ibang pananampalataya ang mga sanggol ay binibinyagan.

Ipinangaral sa relihiyong Islam na ang bawat sanggol ay isinisilang na likas [by nature] na Muslim na nabubuhay sa sinapupunan ng ina at iniluluwal sa sangmaliwanag ayon sa kagustuhan ng Diyos at nagiging hindi Muslim lamang siya kapag siya ay nasa tamang taong gulang at pag-iisip at pagsunod sa relihiyon ng kanyang mga magulang.

ANG PAGKAKAIBA NG SHAHADA AT BINYAG

Napakalaki ng kaibahan ng Shahada sa ritwal ng binyag o bawtismo ng mga hindi Muslim. Ang Shahada ay ginagawa ng kusang-loob ng taong nasa tamang gulang at pag-iisip na nais yakapin ang relihiyong Islam.

Wala itong pinipili o itinatakdang panahon para idaos ang pagyakap sa Islam, araw man o gabi, o anumang lugar, gaya ng bahay opisina , munisipyo, Moske o iba pang gusali.

Kahit mismo sa daan ay maisagawa ang Shahada sa harap ng sinumang Muslim maging hukom man o kaya ay tagapangaral ng relihiyong Islam o anumang katayuan sa buhay ang mahalaga ay maipaliwanag niya ang kahulugan ng Shahada. Kung kaya kailanman ay hindi maantala ang pagyakap sa Islam.            

Subalit, bilang paggalang at pagkilala sa may malawak na kaalaman ng Islam, sa mga tagapangaral ng relihiyong Islam dinadala ang sinumang nais yumakap at magpahayag ng Shahada.

Napakasimple at napakadali ng sistema ng pagyakap sa relihiyong Islam kung ihahambing sa pamamaraan ng ibang pananampalataya, na may itinatakdang pook,

panahon at Pari at Pastor lamang ang may karapatang maisagawa ang seremonya ng binyag.

Ang Shahada, bilang unang tungkulin ng isang Muslim ay isang napakahalagang alituntunin patungkol sa kaisahan ng Diyos, na walang nararapat na sambahin kundi si Allah (swt) lamang.

Sinabi ni Propeta Muhammad (sas): “Hindi pahihintulutan ni Allah (swt) na humantong sa impiyerno ang sinumang mag patunay na walang ibang Diyos kundi si Allah (swt): na walang ibang hinahangad kung gayon kundi ang mukha ni Allah (swt).” [Sahih Al-Bukhari]

Ang mga salitang Laa Ilaha Ilallah [wala nang iba pang Diyos liban Kay Allah] ay napakaikli, subalit ito ay walang katumbas o kahalintulad kailanman.

Sinabi ni Propeta Muhammad (sas) nang hilingin ni Propeta Moses (as) kay Allah (swt) na ituro sa kanya ang isang panalanging uusalin kailanma’t sasaisip siya o mananawagan sa kanya, tumugon si Allah (swt); “Laa Illaha Ilallah.

Sinabi ni Propeta Moises (as); O Panginoon, ang mga salitang ito ay sinasambit ng lahat ng alagad mo, sinabi ni Allah (swt); O Moses, kung ang pitong langit at ang lahat ng naroroon, at gayundin ang pitong lupa, kung ang lahat ng ito ay ititimbang sa salitang walang ibang Diyos kundi si Allah, higit ang timbang ng huli kaysa una.” (Sahih Al-Bukhari)

Ang mga Propeta at Sugo ay may iisang paniniwala at panunumpang walang ibang Diyos maliban kay Allah (swt) kung kaya ang mga Propeta at Sugo ng bawat kapanahunan ang siyang tumatayong testigo sa kanilang nasasakupang henerasyon.

Sinabi ni Propeta Muhammad (sas): “Sinumang magpapatunay na walang ibang Diyos kundi si Allah (swt), na nag-iisa at walang kaagapay; na si Muhammad ang kanyang alagad at Sugo; na si Hesus ay alagad at Sugo ni Allah, na utos Niya kay Maria at sa kanyang espiritu; na ang Paraiso at Impiyerno ay totoo, ay papapasukin ni Allah (swt) sa Paraiso dahil dito.” [Sahih Al –bukhari]

Ang aral ni Propeta Muhammad (sas) ay walang pagkakaiba sa aral ng mga naunang Propeta at Sugo, ang pagsamba at pagtalima sa nag-iisa at natatanging Diyos na si Allah (swt), kung kaya ang bawat Propeta at Sugo ng bawat kapanahunan ang siyang daan at katotohanan at may iisang paniniwala at walang ipinapahayag kundi ang Shahada.

Qur’an 2:111. Inaangkin ng mga Hudyo at mga Kristiyano na ang ‘Jannah’ (Paraiso) ay para lamang sa kanila at walang sinumang maaaring makapasok (sa ‘Al-Jannah’ na ito) kundi sila lamang. Yaon ay kanilang maling pag-aakala. Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (sas): ‘Magpakita kayo ng inyong katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan sa inyong pag-aangkin.

Sa relihiyong Islam, ang Shahada (Panunumpa) ang siyang batayan na ang isang tao ay matatawag na Muslim, at upang maging ganap ang kanyang pagka-Muslim, dapat nitong sundin ang mga kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng Qur’an at ang mga aral at tradisyong iniwan ng huling Propetang si Muhammad (sas).

Ayon sa mga naunang kasulatan, maging si Propeta Hesus (snk) ay nangaral tungkol sa kaisahan ng pagsamba sa Diyos, kung kaya   noong may lumapit sa kanya at nagtanong kung ano ang una at pinakadakilang utos, anya:

Marcos 12:29-30. “Ito ang una: Makinig ka, O Israel! Iisa lamang ang ating Panginoong Diyos. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip at ng buong lakas.”

KAYA MALINAW NA MAY NAG-IISANG DIYOS AT MAY NAG-IISANG RELIHIYON LAMANG

Quran 3:85. Ang sinumang magnais ng ibang relihiyon maliban sa relihiyong Islam, kailanman ay hindi ko tatanggapin at sa araw ng pag huhukom isa sila sa mga talunan.

At kung bakit sila ay maging talunan sapagkat kailanman ay hindi tatanggapin ni Allah (swt) ang relihiyong hindi nagmula sa Kanya.

At kahit sa kapanahunan ni Noah, Abraham, Moses at hanggang kay Hesus (snk) kailanman ni isa ay wala silang nabanggit sa alinmang relihiyon ng Kristiyanismo at wala ring naisulat words for word sa alinmang kasulatan ma Qur’an man o ma Bibliya na ang kinatayuan nilang relihiyon ang siyang ipinadala ng Diyos.

ni: bro. Ahmad Erandio

 

error messagebox
00:00

how to be a muslim

Papaano maging Muslim

 

Please click the the green and white arrow for short quiz

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top