ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AAYUNO

 

IPINAG-UTOS NI ALLAH ANG PAG-AAYUNO

Qur’an 2:183 kayong nagsisisampalataya! Ang pag-aayuno ay iginawad sa inyo na katulad ng pagtatalaga sa mga nangauna sa inyo, upang kayo ay maging Al-Muttaqun (magkaroon ng pagpipigil sa sarili, may kabanalan, kabutihan, katuwiran, kataimtiman, atbp.).

Quran 2:189. Tinatanong ka ng iyong mga tagasunod, O Muhammad () hinggil sa ‘Al-Ahillah’–mga bagong buwan (‘new moons’), kung paano ito nababago, sabihin mo sa kanila, O Muhammad ():

“Ginawa ng Allâh () ang mga buwang ito bilang mga palatandaan, nang sa gayon ay maging malinaw sa mga tao ang mga nakatakdang panahon para sa kanilang pagsamba na katulad ng pag-aayuno, pagsasagawa ng ‘Hajj’ at sa kanilang mga transaksiyon.”

Qur’an 2:184 At para naman sa mga mahihirapang mag-ayuno, dahil sa hirap na mararanasan nila ay baka hindi nila makayanan ito, na tulad ng mga matatanda.

O mga maysakit na wala nang pag-asa pang-gumaling, ang kailangan lamang nila ay ang magbigay ng fidyah araw-araw [isang hapunan sa isang araw], na ito ay pagpakain ng miskin [mahirap na tao], subali’t kung lalampasan o hihigitan niya ang ‘fidyah’ na itinakda at nagpakain siya nang higit pa kaysa rito at ito ay kusang-loob, ay mas makabubuti ito para sa kanya,

At kung matitiis naman ninyo ang kahirapan ay mas makabubuti ang pag-aayuno para sa inyo kaysa sapagbibigay ninyo ng ‘fidyah’ kung batid lamang ninyo ang napakagandang idinudulot ng pag-aayuno at gantimpala nito mula sa Allâh ().

ANG MGA IBAT-IBANG PAMAMARAAN NG PAG-AAYUNO

Maraming pamamaraan ang pag-aayuno ng bawat tao, may mga nag-aayuno para sa ispiritwal na pangangailangan at mayroong para sa pisikal o materyal lamang at mayroon ding para sa dalawang pangangailangang nasabi.

PAG-AAYUNONG PANG PISIKAL NA PANGANGA-ILANGAN

Halimbawa, sa Lamai Beach sa Thailand ay may isang SPA Health Resort na dinarayo ng maraming tao na mula pa sa iba’t-ibang bansa na nagsisibayad ng malaking halaga upang maranasan lamang ang kakaibang uri ng pag-aayuno.

AYON SA MAG-ASAWANG GUY HOPKIN AT TOI

Ayon sa dalubhasang namamahala nito, si Guy Hopkin, at sa kanyang asawang si Toi, maraming pumupunta sa kanila taun-taon upang magpagamot sa naturang pamamaraan.

Sa isang linggo o mahigit pang pag-aayuno ang maruruming bagay na parang mga lumot at mga taba o sebo na kumakapit sa ating mga bituka ay unti-unting natutunaw at lumilinis sa debris (parang mga batong durog) at toxins (nakakalasong bagay) na nasa loob ng ating katawan.

Sa patuloy na pag-aayuno ng isang tao, milyun-milyong enzymes (maliliit na protina) ang tumutulong upang matunaw ang mga laman ng ating bituka.

DAGDAG PALIWANAG SA MAG-ASAWA

Ang enzymes ay nagiging scavenger enzymes (pang-alis ng maruruming bagay), pumapasok sa mga dinadaluyan ng dugo at gumagalaw laban sa parasito, toxins at maging sa kanser at mga nasisirang selula ng tao.

Ayon sa mag-asawa, ang pag-aayuno ay subok na pamamaraan upang magkaroon ng magandang pangangatawanka at kalusugan.

AYON KAY Dr. NIKOLAYEV

Isang dalubhasang doktor sa Rusya, ang pag-aayuno ay isang internal (panloob) na operasyong hindi nangangailangang tistisin o buksan ang laman ng isang tao.

Sa bansang ito, ang pag-aayuno ay ginagamit bilang gamot at tinataguriang combat mental illness.

Ito ay subok na pamamaraan ng wastong paglinis sa loob ng ating katawan, kabilang ang toxins (nakakalasong bagay) na siyang sanhi ng hindi wastong paggana o pagganap ng mga reproductive organs ng lalaki at babae.

Dagdag paliwanag ni Dr. Nikolayev, ang pag-aayuno ay mabisang panlaban sa impotency (kawalang lakas ng pagkalalaki) at infertility (kawalang kakayahang magbuntis). Ang napakalaking tagumpay ng pakakatuklas nito ang nagbigay-taguri sa pag-aayuno ng “The Hunger Cure”.

SA MAHIGPIT NA PAGSUSURI AT PAG-AAYUNO NI UPTON SINCLAIR

Si Upton Sinclair ay isang kilalang manunulat, natuklasan nito na ang pag-aayuno ang tamang pamamaraang pangkalusugan, ang makabagong pamamaraan sa buhay.

Ito ay simple lamang subalit kamanghamangha ang nagagawa nito, isang milagrosong panggagamot na ayon sa kanya ay nagpagaling sa kanyang sakit na Asma.

ANG PAG-AAYUNO AY ISANG TUNGKULIN NA ANG BUONG LAYUNIN AY PARA SA DIYOS LAMANG

Itinuturing itong isa sa mga   haligi o batayan sa mga mananampalatayang Muslim na nasawastong gulang at pag-iisip, maging lalake o babae, isang pagsasanay na kung paano mapipigilan ang ating sarili sa pakakasala.

Isang tungkuling ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ang isang tao ay nag-aayuno o hindi.

Kaya ang relihiyong Islam ay nagtuturo na ang pag-aayuno ay walang ibang layunin maliban lamang sa nag-iisang tanging Diyos na si Allah (swt).

Sinabi ng huling Propetang si Muhammad (sas), Ang sabi ng Allah (swt); “Ang lahat ng ginagawa ng anak ni Adam ay para sa kanya, maliban sa pag-aayuno sapagkat ito ay para sa Akin at gagantimpalaan Ko ito.” (Sahih Al-Bukhari)

NAPAKAGANDA NG KAHULUGAN SA ISLAM ANG PAG-AAYUNO

Ito ay isang pang-ispiritwal na panglinis sa ating mga nagagawang kasalanan, at pampababa sa ating mga paghahangad sa mga makamundong bagay, isang tungkulin na kung paano maaalala ang kapwa natin na halos walang makain sa buong maghapon at dahil dito ang ating puso ay magiging maawain at mapagbigay sa mga nangangailangan.

ANG PAG-AAYUNO AY HINDI BAGO BAGKOS ITO AY GINAWA NG MGA PROPETA

Ang pag-aayuno ay hindi bago ni gawa lamang ng huling   Sugo na si Propeta Muhammad (sas) sa katunayan, ang mga Sugo at Propeta ng Diyos ay tumupad sa ganitong uring tungkulin bilang matapat na mananampalataya.

Qur’an 2:183 “O kayong mga naniwala sa Allah (swt) at sumunod sa Kanyang Sugo at tumupad sa batas! Ang pag-aayuno ay ipinag-utos Niya sa inyo, na tulad ng Kanyang pagkakautos sa mga nauna sa inyo, nang sa ganoon ay magkaroon kayo ng takot sa inyong Panginoon.

Kahit sa mga naunang kasulatan, ating matutunghayang ang pag-aayuno ay hindi bago sapagkat ang mga nangaunang Propeta at mga tagasunod nito ay matapat na nagsipag-ayuno.

SI PROPETA HESUS (AS) AY NAG-AYUNO AYON SA BAGONG TIPAN NG BIBLIYA

“Sa loob ng apatnapung araw: at sinubok siya (Hesus) doon ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa loob ng mga araw na iyon at sa katapusa’y nagutom siya.” (Lukas 4:2)

AYON KAY JESUS (AS) SA BAGONG TIPAN

“Sapagkat hindi ka nag-aayuno para pakitang-tao lamang kundi para sa iyong amang (Diyos) na nakakakita sa lahat ng lihim.” (Mateo 6:18)

Sinabi ni Propeta Muhammad (sas): “May pintuan sa Paraiso na tinatawag na “Ar-Rayaan”, at sinumang nag-aayuno makakapasok nito sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At walang sinumang makakapasok maliban lamang sa kanila.” (Sahih Al-Bukhari)

 

ni: bro. Ahmad Erandio

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top