Tanong at Sagot

Tanong:

May mga taong nagsasabi na kapag hindi nakapasagawa ng adhan sa umpisa ng pagsapit ng oras ng salah, hindi na kailangang mgasagawa ng adhan sapagkat ang adhan ay ang pagbibigay-alam na pagsapit ng oras ng salah.  Ano po ang inyong pahayag hinggil dito? Kailangan pa po bang mgasagawa ng adhan ang taong nagiisa sa disyerto o ilang?

Sagot: 

Kapag hindi nasagawa ng adhan ang mu’adhdhin sa simula pa lamang ng pagsapit ng oras ng salah, hindi na niya kailangang magsagawa ng adhan kung sa lugar din naiyon ay may mga mu’adhdhin bukod pa sa kanya sapagakat ang mga iyon na ang tumupad sa tungkuling magkaroon ng adhan.  Subalit kung ang pagkahuli ng pagsasagawa ng adhan ay hindi naman gaanong matagal, walang masama kung isagawa ang adhan.  Kung wala nang iba pang mua’dhdhin maliban sa kanya, kailangan niyang magsagawa ng adhan kahit nahuli siya nang matagal sapagkat ang adhan sa pagkakataong ito ay fard kifayah* at walang ibang magsasagawa nito kaya kailangan niyang isagawa ito dahil tungkulin niya ito at ang mga tao ay kadalasang naghihintay lamang.

Itinatagubilin sa musafir (manalalakbay) na magsagawa ng adhan kahit nag-iisa lamang siya.  Ito ay ayun sa Hadeeth na sinabi ni Abu Sa’eed (RA) sa isang lalaki:  “Kapag ikaw ay kasama ng iyung mga tupa sa ilang, lakasan mo ang iyong tinig kapag nagsasagawa ng adhan.  Walang jinn o tao o maging ano paman na nakarinig sa narating ng tinig ng isang mu’adhdhin na hindi sasaksi para sa kanya sa araw ng paghuhukom.”

___________________________________

*Isang obligasyon ng isang komunidad ng mga Muslim na kapag ginawa ng isa sa kanila o ilan sa kanila, silang lahat ay hindi magkakasala at hindi pananagutin ni Allah.  Subalit kung wala ni isa man lamang sa kanila ang nagsagawa nito, silang lahat ay magkakasala at mananagot.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top