Tanong at Sagot
Tanong:
Maraming mga kapatid sa Islam ang nagpapahalaga sa pag-upo na kung tawagin ay jalsatu istirahah* at pinupuna ang hind umuupo nang ganito. Ano po ang hatol dito? At kanais-nais po ba ang ganitong pag-upo para sa imam (namaumuno sa salah) at ma’moon (taong pinangungunahan ng imam sa salah) kung papanong ito ay kanais-nais para sa munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah).
Sagot:
Ang Jalsatul istirahah ay kanais-nais para sa imam, ma’mmom, at munfarid. Ang pag-upong ito ay katulad ng pag-upo sa pagitan ng dalawang papapatirapa. Ito ay daglian at walang dhikr o dua’a’ na binibigkas dito. At ang sinumang hindi naupo ng ganito ay hindi nagkakasala. Ang mga Hadeeth hinggil sa pag-upong ito ay napatunayang buhat sa Propeta (SAS). Ang ilan sa mga Hadeeth na ito ay isinalaysay nina Malik bin Al-Huwarith at Abu Hameed As-Sa’idee at ng isang pangkat ng mga sahabah (RA). Ang Allah ang pumapatnubay.
_________________________
*Ito ang dagliang pag-upo pagkatapos ng ikalawang pag-papatirapa sa unang rak`ah at ikatlong rak`ah ng mga salah na binbuo ng apat na ra’ah at pagkatapos ng ikalawang papapatirapa ng unang rak`ah ng salah na binubuo ng tatlo o dalawang rak`ah.