Tanong at Sagot:
Tanong:
Sisimulan po ba ang hanay ng salah sa kanan ng imam o sa likuran niya mismo? Sunnah po bang magkasindami ang bilang sa kanan at kaliwa? Anupa’t sinasabing pagpantayin ang haba ng hanay (sa kanan at kaliwa) gaya ng sinasabi ng maraming imam.
Sagot:
Ang hanay ay sisimulan sa gitna buhat sa likod ng imam. Ang kanan ng bawat hanay ay mas mainam kaysa kaliwa nito. Kailangan huwag magsimulang gumawa ng isa pang hanay hangang hindi pa kumpleto ang naunang hanay. Walang masama kung mas marami ang mga tao sa kanan ng hanay. At hindi kailangan pagpantayin ang bilang (ng kanan at kaliwang bahagi ng hanay), datapwat ang pag-uutos ng ganito ay salungat sa sunnah. Subalit hindi gagawa ng ikalawang hanay hangga’t hindi nabubuo ang unang hanay at hindi gagawa ng ikatlong hanay hangang hindi nabubuo ang ikalawang hanay at ganoon din sa nalalabi pang mga hanay sapgkat napatunayang ganoon ang ipinag-utos ng Propeta (SAS).