Tanong at Sagot:

Tanong at Sagot:

Ano po ang masasabi ninyo sa muftarid (taong nagsagawa ng sala na fardh) na ang ginawang imam ay ang mutanaffil (taong nagsasagawa ng sala na sunnah)?

Sagot:   

Walang masama kung gagawing imam ng muftarid ang mutanaffil sapagkat napatunayang sa ilang uri ng salatul khawf* ay nagsagawa ang Propeta (SAS) ng salah na dalawang rak`ah bilang imam ng isang pangkat at saka sinabi ang tasleem.  Pagkatapos nito ay nagsagawa uli siya ng salah ng dalawang rak`ah bilang imam ng isa pang pangkat at saka sinabi ang tasleem.  Ang una niyang salah ay fardh at ang ikalawang ay sunah ngunit ang mga ma’moon ng dalawang pangkat ay mga muftarid lahat. Napatunayan din sa Hadeeth na isinalaysay ni Mu’adh bin Jabal (RA) na siya ay nagsagawa ng salah sa 'isha’ kasama ng Propeta (SAS) at pagkatapos ay umuwi siya sa kanyang mga kanayon upang maging imam nila sa salah. Ang salah na isinagawa niya ay upang maging imam nila sa salah.  Ang salah na isinagawa niya ay sunah at and sa kanila naman ay fardh.  Katulad din ito ng sa buwan ng Ramadan.  Kung sakaling dumating sa Masjid ang isang tao, samantalang ang mga tao ay nagsasagawa ng salah na taraweeh at siya naman ay hindi nakapagsagawa ng salah sa ‘`isha’, sa ganitong pagkakataon ay sasabay siya sa kanila upang isagawa ang 'isha’ nang sa gayon ay matamo niya ang biyaya sa pagsasagawa ng salah sa jama`ah.  Kapag nagsabi ng tasleem ang imam, tatayo siya upang kumpletuhin ang kanyang salah.

 _____________________________

*Ito ang tawag sa limang salah na fardh sa panahon ng ang mga nagsasagawa nito ay nasa larangan ng digmaan.  Ang salatul khawf ay nangangahulugang salah sa panahon ng pangamba o takot.  Sa salah na ito, ang mga salah na binubuo ng apat na rak`ah ay pinapaiksi sa dalawang rak`ah.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top