Tanong at Sagot:
Tanong:
Ano ang hatol sa salah ng taong mag-isang nagsasagawa ng salah sa likod ng hanay? Kapag dumating at hindi nakakita ng lugar sa hanay, ano ang gagawin? Kapag nakakita ng batang wala pa sa wastong gulang, maari ba siyang gumawa ng bagong hanay kasama nito?
Sagot:
Walang saysay ang salah na ginawang mag-isa (walang katabi) sa likod ng hanay. Ito ay ayon sa Propeta (SAS): “Walang salah ang mag-isang nagsagawa ng salahsa likod ng hanay.” At dahil napatunayang inatasan ng Propeta (SAS) ang mag-isang nagsasagawa ng salah sa likod ng hanay na ulitin ang salah at hindi niya ito tinanong kung may nakitang puwang sa hanay o wala, ito ay nagpapatunay lamang na walang pinagkaiba ang may nakitang puwang sa hanay at ang walang nakitang puwang upang magkaroon ng dahilan ng mag-isang magsagawa ng salah sa likod ng hanay. Subalit kung may dumating na hindi nakaabot sa umpisa ng salah samantalang ang imam ay nakayukod at siya ay yumokod nang wala sa hanay at saka pumasok sa hanay bago nagpatirapa, sapat na iyon para sa kanya. Ito ay ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Bakrah ath-Thaqafi (RA). Ayon sa kanyang sanaysay, dumating siya sa salah samantalang ang Propeta (SAS) ay nakayukod kaya yumokod siya nang wala sa hanay at pagkatapos nito ay pumasok sa hanay. Pagkatapos ng salah ay sinabi sa kanya ng Propeta (SAS): “Nawa’y pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangarin na gumawa ng kabutihan. Ngunit huwag mo nang ulitin.*” Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na magsagawa ng isa pang rak`ah.
___________________________________
*Isang uri ng salah na sunnah na isinagawa sa buwan ng Ramadan pagkatapos ng sala sa `isha’.