Tanong at Sagot:

Tanong:

Dahil sa sobrang dami ng mga tao sa ibang mga Masjid na pinagdadausan ng pagsamba sa araw ng biyernes, napupuno ang mga Masjid na ito kaya ang ibang mga tao ay sa mga kalsada at daanan na lamang nagsasagawa ng salah kasabay ng imam.  Ano po ang masasabi ninyo tungkol doon?  Mayroon po bang ipinagkaiba kung may kalsada sa pagitan ng mga nagsasagawa ng salah at Masjid o walang kalsadang naghihiwalay?

 

Sagot:

Kapag magkarugtong ang mga hanay, walang masama.  Ganoon din naman kung ang mga ma’moon ay nasa labas ng Masjid ngunit nakikita nila ang mga hanay sa harapan nila o naririnig nila ang pagsasabi ng Allaahu akbar.  At kahit pinaghihiwalay man sila ng ilang mga daanan ay wala ring masama doon dahil mahalaga ang salah sa jama`ah at nagagawa naman nilang makita ang hanay sa harap at naririnig ang pagsasabi ng Allaahu akbar.  Subalit walang sinuman ang maaring magsagawa ng salah sa harap ng imam dahil hindi iyon lugar ng ma’moom.  Si Allah ang tagapatnubay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top