Tanong at Sagot:

Tanong:

Kapag naabutan ng masbooq ang imam na nakayukod, ano ang dapat niyang gawin sa sandaling iyon?   Ang pagsabi ng Subhaana rabbiyal ‘adheem bago maiangat  ng imam ang kanyang likod ay isa bang kondisyon para sa masbooq upang maituring na naabutan niya ang rak`ah?

Sagot:

Kapag naabutan ng masbooq ang imam habang ito ay nakayukod, sapat na iyon para maabutan niya ang buong rak`ah kahit nasabi lamang niya ang subhaana rabbiyal ‘adheem matapos na maiangat ng imam ang likod nito dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “Ang nakaabot ng isang rak`ah sa salah ay naabutan ang salah (sa jama`ah).”  Ang Hadeeth na ito ay nasa   Saheeh Muslim.  Nalalaman natin na naabutan ang rak`ah kapag naabutan ang pagyukod (sa rak`ah na iyon)  ayon sa Hadeeth na nasa Saheeh Al Bukhari.  Ayon sa Hadeeth na ito na isinalaysay ni Abu Bakrah Ath Thaqafi (RA) ay dumating siya isang araw sa Masjid habang ang Propeta (SAS) ay nakayukod kaya yumokod na rin  siya nang wala sa hanay at (pagkatapos ng pagyukod) ay saka lamang pumasok sa hanay.  Nang nasabi na ng Propeta (SAS) ang tasleem ay sinabi nito sa kanya: “Nawa’ay pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangaring gumawa ng mabuti.  Ngunit huwag mo nang ulitin.*”  Hindi siya nito inutusang ulitin  ang rak`ah.  Pinagbawalan  lamang siya nito na ulitin ang pagyukod na wala sa hanay.  Kaya ang masbooq ay huwag magmadali na yumokod hanggat’t hindi nakakapapasok sa hanay.  Si Allah ang tagapagpatnubay.

 ________________________

*Ang pagyukod nang wala sa hanay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top