Tanong at Sagot:

Tanong:

Kapag ang isang lalaki ay imam sa salah na ang ma’moom ay dalawang bata o higit pa, ilalagay ba niya sila sa kanyang likod o sa kanyang kanan.   Ang pagsapit ba sa wastong gulang ay isang kondisyon upang maaring makasama sa hanay ang batang lalaki.

Sagot:

Ang dapat niyang gawin ay ilagay  ang mga bata sa kanyang likuran tulad ng mga taong nasa wastong gulang na kapag ang mga batang ito ay sumapit na sa pitong  taong gulang o higit pa.  Ganoon din naman kung ang mga ma’moom isang bata at isang taong nasa wastong gulang na, ilalagay din niya sila sa likod.  Sapagkat nang ang Propeta (SAS) ay nagsasagawa ng salah bilang imam ni Anas (RA) at ng isang ulilang wala pa sa wastong gulang ay inilagay niya ang dalawang ito sa kanyang likuran.  Nangyari ito noong dalawin ng Propeta (SAS) ang lola ni Anas (RA).  Ganoon din ang kanyang ginawa kina Jabir at Jabbar na mga taga Madinah nang humanay sila sa kanya, inilagay niya sila sa kanyang likuran.  Kung ang kasama ng imam sa salah ay isang lalaki lamang, ito ay pupuwesto sa kanyang kanan --nasa wastong gulang man ito o wala -- dahil nang tumayo si Ibnu Abbas sa kaliwa ng Propeta noong ito ay nagsasagawa ng salatul layl* ay inilagay niya ito sa kanan.  Ang kalalakihan sapagkat nang magsagawa ng salah ang Propeta (SAS) bilang imam si Anas at isang ulilang wala pang sa wastong gulang ay inilagay niya si Umm Sulayn na ina ni Anas sa likuran ni Anas at ng ulila.

______________________________________________

*Isang uri ng salah na sunnah na isinasagawa sa pagitan ng ‘`isha’ at fajr.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top