Tanong at Sagot:

Tanong:

Naabutan ba ang salah sa jama`ah kapag naabutan ang tasleem kasama ng imam o hindi naabutan kung hindi nakaabot ng isang rak`ah?   Kapag dumating ay nakaupo at binibigkas ang huling tashahud, mas mabuti bang sila ay sumabay na sa imam o maghintay ng panibagong salah sa jama`ah?

Sagot:

Hindi naabutan ang salah sa jama`ah kung hindi naabutan ang isang rak`ah man lamang ayon sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Ang nakaabot ng isang rak`ah sa salah ay naabutan ang salah.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Muslim.  Subalit ang sinumang may katangap-tangap na dahilan, makakamit pa rin niya ang salah kasama ng imam ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) noong siya ay nasa labanan sa Tabuk: “Kapag nagkasakit ang isang Muslim o naglalakbay, itatala ni Allah para sa kanya ang mga ginagawa niya noong siya ay malusog at hindi naglalakbay.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Al Bukhari.  At ayon pa sa sabi niya (SAS): “May mga tao sa Madinah na wala kayong daan na tinahak at lambak na binagtas na hindi ninyo sila kasama.  Ang kanilang katanggap-tanggap na dahilan ang humadlang sa kanila (na makasama).”*  At isa pang sanaysay ay ito ang sinabi: “Nakilahok sila sa inyo sa gantimpala.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheehayn.

Sa oras na maabutan ng isang pangkat ang imam habang ito ay na bumibigkas ng huling tashahhud, mainam na sumabay na sila sa kanya ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag kayo ay pupunta sa salah, maglakad nang mahinahon.  Ang anumang maabutan ninyo sa salah ay isagawa ninyo at kumpletuhin ninyo ang hindi ninyo nagawa.”  At kung magsasagawa naman sila ng isa pang salah sa jama`ah ay wala namang masama.

 _________________________________________________________________________________

*Ibig sabihin ay natatamo rin sila ng gantimpala bagaman hindi sila nakalahok sa labanan sa Tabuk dahil may maganda silang dahilan kung bakit hindi nakalahok.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top