Tanong at Sagot:

Tanong:

Kapag nasira ang wudu’ ng imam habang nagsasagawa ng salah, kukuha ba siya ng isang tao bilang kahalili niya na siyang magpatuloy sa salah bilang imam ng mga ma’moon o nawalan na ng saysay ang salah ng lahat kaya magtatalaga na lamang siya ng isang tao bilang imam ng mga ma’moom upang ulitin ang salah mula sa umpisa?

Sagot:

Ang tama ay tungkulin ng imam na kumuha ng kahalili niya na siyang kukumpleto sa salah kasama ng mga ma’moom tulad ng ginawa ni ‘Umar (RA) nang siya ay saksakin habang nagsasagawa ng salah bilang imam, ginawa niyang kahalili si ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA).  Kinumpleto ni ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA) ang salah na fajr kasama ng mga ma’moon.  Kung hindi kumuha ng kahalili ang imam, ang isang ma’moon sa kanyang likuran ay pupunta sa harap ng mga ma’moom para kumpletuhin ang salah nila bilang kanilang imam.  Kung uulitin ang salah mula sa umpisa, wala ring masama doon sapagkat sa puntong ito ay makakaiba ang pahayag ng mga pantas ng Islam.  Subalit ang pinakamainam na pahayag ay ang magtalaga ng kahalili bilang imam upang kumpletuhin ang salah batay sa ginawa ni ‘Umar (RA) na ating nabanggit na.  Sa muli, kung uulitin man nila ang salah ay walang masama.  Si Allah ang tagapagpatnubay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top