Tanong at Sagot:

Tanong:

Nagsagawa ng salah ang imam sa kanyang jama`ah ngunit nakalimutan niyang magsagawa ng wudu’; ano ang hatol sa salah na ito ayon sa mga sumusunod na kondisyon:

1.      Kapag naalala niya habang nagasasagawa ng salah (na wala pala siyang wudu’)?

2.      Kapag naalala niya pagkatapos na tasleem bago nagkahiwa-hiwalay ang jama`ah?

3.      Kapag naalala niya matapos na nagkahiwa-hiwalay ang jama`ah?

Sagot:

Kapag naalaa lamang pagkatapos ng tasleem, ang salah ng jama`ah ay tanggap at hindi nila kailangang ulitin ang salah subalit kailangan ulitin ng imam ang kanyang salah.  Kung naalala ng imam habang siya ay nagsasagawa ng salah, sasabihin niya sa isa sa mga ma’moom na ito ang hahalili sa kanya at kukumpleto sa salah bilang imam ng jama`ah.  Ito ay ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas batay sa sanaysay tungkol kay ‘Umar (RA) Nang siya (RA) ay sinaksak habang nagsasagawa ng salah  bilang imam, itinalaga niya bilang kahaliling imam sa salah si ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA).  Tinapos naman nito ang salah bilang imam ng jama`ah at hindi na inulit ang salah.  Si Allah ang tagapatnubay. 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top