Tanong at Sagot:

Tanong:

Ano po ang hatol sa salah na pinamunuan ng imam na naninigarilyo o nag-aahit ng balbas o nagsusuot ng damit o pantalon na lampas sa bukong-bukong at iba pa?

Sagot:

Ayon sa nagkakaisang hatol ng mga pantas ng Islam, ang salah niya ay tanggap kapag isinagawa niya ito ayon sa paraang nais ni Allah.  Tanggap din ang sala ng kanyang mga ma’moom ayon sa pinakatumpak na hatol ng mga pantas.  Tungkol naman sa di-Muslim,  hindi tanggap ang kanyang salah at pati na ang salah ng kanyang ma’moom dahil wala sa kanya ang isang kondisyon upang matanggap ang sala at iyon ay ang pagiging Muslim.  Si Allah ang tagapatnubay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top