Tanong at Sagot:

Tanong:

May mga imam na nagsasagawa ng sujudus sahw pagatapos ng tasleem at may ibang nagsasagawa ng sujudus sahw bago magsabi ng tasleem at ang iba pa ay nagsasagawa ng sujudus sahw bago at matapos magsabi ng tasleem.  Kailan po kailangang magsagawa ng sujudus sahw bago magsabi ng tasleem?  At kailan kailangang magsagawa ng sujudus shaw pagkatapos ng tasleem?  Ang sujudus sahw pagkatapos bago o matapos magasabi ng tasleem ay fard ba o mustahabb?

Sagot:

Ang sujudus sahw bago at matapos magsabi ng tasleem ay kapwa ipinahihitulot sapagkat ito ang isinasaad sa mga Hadeeth buhat sa Propeta (SAS).  Subalit ang sujudus sahw ay lalong mainam bago magsabi ng tasleem maliban sa dalawang pagkakataon:

Kapag nagsabi ng tasleem ngunit kulang ng isang rak`ah o higit pa ang salah, ang lalong mainam ay isagawa ang sujudus sahw matapos na makumpleto ang salah at makapagsabi ng tasleem.  Ito ay bilang pagsunod sa Propeta (SAS) sapagkat noong nagsabi siya ng tasleem nang ang kanyang salah ay kulang ng dalawang rak`ah --ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) -- at nang ang kanyang salah ay kulang ng isang rak`ah -- ay:

1.      nagsagawa siya ng sujudus sahw matapos makumpleto ang salah at magsabi ng tasleem.

2.      Kapag nag-alinlangan sa salah anupa’t hindi malaman kung ang natapos na rak`ah ay tatlo ba o apat sa salah na binubuo ng apat na rak`ah, o dalawa ba o tatlo sa maghrib, o isa ba o dalawa sa fajr ngunit ang nangingibabaw sa kanyang palagay ay ang isa sa dalawa, kulang o sapat na bilang ng rak`ah, ang pagbabatayan niya ay ang nangingibabaw niyang palagay. Ang kanyang sujudus sahw ay pagkatapos ng tasleem na siyang pinakamainam ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu Mas’ood.  Si Allah ang tagapatnubay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top