Tanong at Sagot
Tanong:
Kapag nagkamali ang masbooq, magsasagawa ba siya ng sujudus sahw? At kailan niya ito isasagawa? Kailangan pa bang magsasagawa ng sujudus sahw ang ma’moom kapag siya ay nagkamali?
Sagot:
Hindi kailangan ng ma’moom na magsagawa ng sujudus sahw kapag siya ay nagkamali at tungkulin niyang sumunod sa kanyang imam kapag siya ay sumabay rito mula sa umpisa ng salah.
Ang masbooq naman ay magsasagawa ng sujudus sahw kapag siya ay nagkamali kasama ng kanyang imam. Magsasagawa rin siya ng sujudus sahw kapag nakumpleto na niya ang salah kung nagkamali siya noong kinukumpleto pa lamang niya ang salah. Si Allah ang tagapagpatnubay.