Tanong at Sagot: 

Tanong:

Fard ba ang pagsasagawa ng sujudus sahw para sa mga sumusunod na sitwasyon:

1]. Kapag bumigkas ng anumang talata ng Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah sa dalawang huling rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah?

2]. Kapag bumigkas ng anumang talata ng Qur’an habang nakapatirapa o nagsasabi halimbawa ng subhaana rabbiyal ‘adheem sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa? 

3]. Kapag binigkas nang malakas ang salah na binibigkas nang tahimik (dhur at ‘asr) at binibigkas ng tahimik ang salah na binibigkas nang malakas (maghrib, ‘`isha’, at fajr)?

Sagot:

Kapag nakalimot at hindi sinasadyang nakabigkas ng isa o higit pang ayah o surah sa dalawang huling rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah o isa sa dalawang huling rak`ah, hindi na kailangan magsagawa ng sujudus sahw sapagkat napatunayang may Hadeeth buhat sa Propeta (SAS) na nagpapahiwatig na bumigkas siya ng talata buhat sa Qur’an karagdagan sa suratul fatihah sa ikatlo at ikaapat ng rak`ah ng dhuhr.  Napatunauyan din na pinuri ng Propeta (SAS) ang isang prinsipe na binibigkas sa lahat ng rak`ah ng salah nito ang suratul ikhlas pagkatapos ng suratul fatihah.  Subalit ang nakagawian ng Propeta (SAS) ay hindi siya bumibigkas sa ikatlo at ikaapat na rak`ah ng anumang talata buhat sa Qur’an maliban sa suratul fatihah tulad ng nasasaad sa Hadeeth na nasa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim na isinalay say ni Abu Qatada (RA).  Napatunayang binibigkas ni Abu Bakr-As-Sideeq (RA) sa ikatlong rak`ah ng salah na maghrib pagkatapos ng suratul fatihaha ang talata ng Qur’an na nasa surah Al Imran.  Ito ay nagpapatunay na maari ring bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah sa Ikatlong rak`ah ng salah sa maghrib.

Ang sinumang magkamaling bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an habang nakayukod o nakapatirapa ay magsagawa ng sujudus sahw sapagkat hindi ipinahihintulot sa kanya na sadyang bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an habang nakayukod o nakapatirapa dahil ipinagbabawal  iyon ng Propeta (SAS).  Kaya kapag nagkamaling bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an, kailangan magsagawa ng sujudus sahw.  At ganoon din kapag nagkamali habang nakayukod at sinabi ang subhaana rabbiyal a’la, sa halip na subhaana rabbiyal ‘adheem sa halip na subhaana rabbiyal a’la, kailangan ding magsagawa ng sujudus sahw sapagkat nakaligtaan gawin ang dapat gawin.  Kung nagkamaling naipagsama ang pagbibigkas ng subhaana rabbiyal ‘adheem at subhaana rabbiyal a’la  sa pagyukod o pagpapatirapa, hindi kailangan magsagawa ng sujudus sahw.  Kung magsasagawa man ng sujudus sahw, wala ring masama.  Saklaw ng nabanggit ang imam, ang munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah), at ang masbooq.

Ang ma’moom na kasama ng imam sa simula pa lamang ng salah ay hindi kailangang magsagawa ng sujudus sahw kung magkamali man siya.  Kailangan lamang niyang sumunod sa kanyang imam.  Ganoon di naman kung nilakasan niya ang pagbigkas ng salah na hindi nilalakasan ang pagbigkas o binibigkas nang tahimik ang salah na binibigkas nang malakas, hindi kailangang magsagawa ng sujudus sahw sapagkat ipinaririnig noon kung magkaminsan  ng Sugo (SAS) sa salah jama`ah ang pagbigkas ng talata sa Qur’an sa salah ng binibigkas nang tahimik.  Si Allah ang tagapatnubay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top