Tanong at Sagot
Tanong:
May mga nag-aakala na ang pagsasama at ang pagpapaikli ng salah ay laging magkasabay anupa’t walang pagsasama nang walang pagpapaikli at walang pagpapaikli ng walang pagsasama. Ano po ang masasabi ninyo rito? Ang lalo po bang mainam para sa musafir ay ang pagpapaikli nang walang pagsasama o pagsasama at pagpapaikli ng salah?
Sagot:
Ang batas ng pagpapaikli ng salah ay ginawa ni Allah para sa musafir. Ipinahihintulot din para sa musafir na pagsamihin ang salah pero hindi nangangahulugan na ang dalawang ito (pagsasama at pagpapa-ikli ng salah) ay laging magkasama. Kaya maaring paikliin ang salah at hindi pagsamahin kung ang isang musafir ay pansamantalang tumitigil sa isang bayan o hindi dumadalaw lamang. Mas mainam na hindi pagsamahin ang salah tulad ng ginawa ng Propeta (SAS) sa Mina noong isinagawa niya ang kanyang hajj ng pamamaalam, pinaikli niya ang salah ngunit hindi ipinagsama. Sa labanan sa Tabuk ay pinagsabay niya ang pagpapaikli at pagsasama ng salah kaya ito ay nagpapakita lamang (na maaring pagsabayin o di-pagsabayin ang pagpapikli at pagsasama ng salah). Pinaiikli at pinagsasama ng Propeta (SAS) ang kanyang salah kapag tuloy-tuloy ang kanyang paglalakbay.
Tungkol naman sa pagsasama ng salah, mas malawak ang saklaw nito sapagkat ito ay ipinahihintulot sa may karamdaman. Kapag may malakas na ulan (at mahirap ang pumunta sa Masjid) ay ipinahihintulot din na pagsamahin ang pagsasagawa ng mga salah sa Masjid. Sa pagsasama ng mga salah, ang ipinagsasama ay ang dhuhr at ang asr o maghrib at ang ‘`isha’. Hindi ipinahihintulot sa kanila na paikliin ang mga nabangit na salah sapagkat ang pagpapaikli ay para lamang sa musafir. Si Allah ang tagapatnubay.