Tanong at Sagot:
Tanong:
Kapag dumating ang oras ng salah samantalang hindi pa naglalakbay ang isang tao at pagkatapos ay naglakbay siya bago naisagawa ang salah; may karapatan ba siyang paikliin at pagsamahin ang salah o wala? Kapag isinagawa niya halimbawa ang dhuhr at ‘asr, pinaikli niya at pinagsama ang mga ito, at pagkatapos nito’y nakarating siya sa kanyang bayan sa oras ng ‘asr, ang ginawa ba niyang iyon ay tangap kung nang sandaling pinaikli at pinagsama niya ang salah ay nalalaman niyang siya ay darating sa kanyanng bayan sa oras ng ikalawang salah (‘asr)?
Sagot:
Kapag ang isang nagbabalak maglakbay ay dinatnan ng oras ng salah samantalang siya ay nasa kanyang bayan pa at pagkatapos ay umalis bago nagsagawa ng salah, pinahihintulutan siyang paikliin ang salah kapag ang nilisan niya ay ang bahagi ng bayan na pinaninirahan ng mga tao. Ito ay ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam. Kapag pinagsama at pinaikli ang salah (halimbawa’y ang dhuhr at ‘asr) habang nasa paglalakbay at pagkatapos ay dumating sa sariling bayan bago dumating ang oras ng ikalawang salah, hindi kailangan ulitin ang salah dahil naisagawa naang salah sa paraang tama. Kung isagawa man niya muli ang ikalawang salah kasama ng jama`ah, ang salah na ito ay sunnah na. Si Allah ang tagapatnubay.