Tanong at Sagot:
Tanong:
Mayroon po bang itinakdang layo ng isang paglalakbay upang mapahintulutang paikliin ang salah?
Sagot:
Ang marami sa mga pantas ng Islam ay naniniwalang ang itinakdang layo ng pupuntahan ay ang layo ng isang gabi at isang araw na pangkaraniwang paglalakad ng kamelyo o tao o mga 80 kilometro. Ang ganitong layo (o higit pa) ay intinuturing na paglalakbay ayon sa nakagawian at ang mababa pa rito ay hindi.