Tanong at Sagot:
Tanong:
Ano po ang tingin ninyo sa pagsasama ng salah na maghrib at ‘`isha’ kapag may ulan sa sandaling hindi naglalakbay at naninirahan sa mga lungsod na ang mga lansangan ay patag aspaltado o sementado, at naiilawan yaman din lamang na walang hirap (ang pagpunta sa Masjid) at walang putik o daan.
Sagot:
Walang masama sa pagsasama ng maghrib at ‘`isha’ o dhur at ‘asr, ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, kapag may ulan at mahirap ang pagpunta sa mga Masjid. Ganoon din naman kung madalas at binabaha ang mga daan dahil ang mga ito ay nagpapahirap sa pagpunta sa Masjid. Ang batayan nito ay ang nasasaad sa Saheehayn buhat sa salaysay ni Ibnu ‘Abbas (RA). Ayon sa salaysay, na ipinagsama ng Propeta (SAS) ang dhuhr at ang ‘asr, at ang magrib at ‘`isha’ sa Madina. Sa nasasaad sa Saheeh Muslim ay binanggit na ginawa ng Sugo (SAS) ang gayon hindi dahil sa may pinangangambahang bagay o dahil may ulan o siya (SAS) ay nasa paglalakbay. Ipinakikita sa Hadeeth na ito na matibay na pinaniniwalaan ng mga Sahabah (RA) na ang pangamba at ang ulan ay katangap-tangap na dahilan sa pagsasama ng salah tulad ng paglalakbay. Subalit sa sitwasyong ito ay hindi ipinahihintulot na paikliin ang salah. Ang ipinahihintulot lamang ay ang pagsasama ng salah sapagkat sila ay nanatili sa kanilang lugar at hindi musafir. Ang papapaikli ng salah ay laan lamang sa mga musafir.