Tanong at Sagot:
Tanong:
Ang neeya ay isa bang kondisyon upang mapahintulutang pagsamahin ang salah? Madalas kasing isagawa ang salah sa maghrib nang walang neeyah na pagsamahin ito at ang ‘`isha’ ngunit pagkatapos maisagawa ang maghrib ay nagsasanggunian ang jama`ah at kapag napag-kaisahan nilang isama ang ‘`isha’ sa maghrib, isasagawa kaagad nila ang ‘`isha’.
Sagot:
Nagkakaiba ang mga pahayag ng mga pantas tungkol dito ngunit ang matimbang na pahayag hindi isang kondisyon ang neyah sa pagsisimula ng unang salah (salah sa maghrib). Sa halip ay ipinahihintulot na isama ang ikalawang salah kapag lumitaw ang kondisyon na nagpapahnitulot na pagsamahin ang sala gaya ng takot, Kamadaman, at ulan. Si Allah ang tagapatnubay.