Tanong at Sagot:
Tanong:
Kailangan bang tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng salah kapag itoy ipinagsama.
Sagot:
Ang fard sa pagsasama na taqdeem* ay ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng dalawang salah at walang masama kung may mamagitang maikling sandali sa dalawang salah sapagkat ganito ang nakagawian ng propeta (SAS). Ang sabi ng Propeta (SAS): “Isagawa ninyo ang salah kung papano ninyo nakitang isinagawa ko ang salah.” Sa pagsasama na ta’kheer** ay hindi kailangang tuloy-tuloy and dalawang salah ngunit kung isasagawa and dalawang salah nang tuloy-tuloy ay mas lalong mainam sapagkat ganito ang ginagawa ng Propeta (SAS). Si Allah ang tagapatnubay.
_______________________________________________________________________________
*Ang taqdeem ay ang magkasunod na pagsasagawa ng dhuhr at ‘asr sa oras ng dhuhr at ng maghrib at ‘`isha’ sa oras ng magrib.
**Ang ta’kheer ay ang magkasunod na pagsasagawa ng dhuhr at ‘asr sa oras ng ‘asr at ng maghrib at ‘`isha’ sa oras ng ‘`isha’.