Tanong at Sagot
Tanong:
Ano po ang hatol sa di-musafir na ang kanyang imam ay isang musafir o ang kabaligtaran nito? May karapatan ba ang musafir sa pagkakataong ito, kung siya ang imam o ma’moom, na paiklihin ang salah.
Sagot:
Ang salah ng musafir na ang imam ay di-musafir o ang salah ng di-musafir na ang imam ay musafir ay kapwa tanggap. Subalit kung ang ma’moom ay ang musafir at ang imam ay and di-musafir, tungkulin ng ma’moon (na musafir) na sundin ang kanyang imam (na di-musafir) (kaya hindi niya paiikliin ang salah). Ayon ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu Abbas (RA). Sa Hadeeth na ito ay naiulat na siya ay tinanong tungkol sa apat na rak`ah na salah na isinagawa ng musafir kasama ng imam na di musafir. Sinabi niyang iyon ay tama. Kung nagsagawa ng salah na binubuo ng apat na rak`ah ang di-musafir at ang kanyang imam ay musafir, kukumpletuhin niya ng kanyang salah kapag nagsabi ng tasleem ang kanyang imam na musafir.