Tanong at Sagot

Tanong:

Maaring mangyari na sa pagsasama ng maghrib at ‘`isha’ “dahil may ulan” ay may (mga) tao na darating samantalang ang imam ay nagsasagawa ng salah sa ‘`isha’.  Sasabay siya (o sila) sa imam dahil sa pag-aakalang ito ay nagsasagawa ng maghrib; ano po ang dapat niyang (o nilang) gawin?

Sagot:

Kailangang maupo sila kapag natapos na nila ang ikatlong rak`ah, bigkasin ang tashahhud, at magsabi ng tasleem kapag nagsabi ang imam ng tasleem.  Pagkatapos niyon ay isasagawa nila ang ‘`isha’ upang matamo ang pagpapala ng salah sa jama`ah at upang masunod ang pagkasunod-sunod ng salah.  Kung nang sumabay sila sa imam ay nang natapos na ang isang rak`ah, kasama ng imam ay isasagawa nila ang natitira sa salah kalakip ang neeyah na salah sa maghrib ang siyang isinasagawa.  Kung nang sumabay sila ay mahigit na sa isang rak`ah ang natapos, isasagawa nila kasabay ng imam ang naabutan nila sa salah at isasagawa nila kasabay ng imam ang naabutan nila sa salah at isasagawa nila ang natitirang rak`ah.  Ganoon din naman kung sakaling nalaman nila na ang isinagawa ng imam ay ‘`isha’, sasabay sila sa kanya ngunit ang kanilang neeyah ay ang magsagawa ng maghrib.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top