Tanong at Sagot:
Tanong:
Isasagawa po ba ng isang musafir ang mga salah na sunnah?
Sagot:
Ang sunnah para sa musafir ay huwag isagawa ang mga salah na sunnah sa dhuhr, maghrib, at ‘`isha’ subalit isasagawa ang sunnah sa fajr bilang pagsunod sa Propeta (SAS) . Sunnah din na isagawa ang tahajjud at ang witr (1) sa gabi, habang naglalakbay sapagkat ginagawa iyon ng Propeta (SAS). Gayon din ang iba’t ibang salah na sunnah gaya ng salatul duha (2), sunnatul wudu’ (3), salatul kasoof (4), sujudut tilawah (5), at salah tahiyatil masjid (6) kapag papasok sa Masjid upang magsagawa ng salah o maging ano pa man ang dahilan.
_________________________________________________________________________________________
1]. Ang dalawang salah na sunnah na ito ay karaniwang isinasagawa pagkatapos ng ‘`isha’ bago sumapit ang fajr. Ang dalawang ito ay kapwa binubuo ng isa o tatlo o lima o pito o siyam o labing-isang rak`ah. Ang pinagkaiba nga lamang ng dalawang ito ay isinasagawa ang tahajjud kapag nagising sa gabi baago sumapit ang fajr samantalang ang witr ay isinasagawa naman bago matulog.
2]. Ang salah na ito ay katulad ng pangkaraniwang salah na sunnah at isinasagawa matapos na sumikat ang araw.
3]. Ito ay dalawang rak`ah na salah na isinasagawang katulad ng pangkaraniwang salah na sunnah pagkatapos magsagawa ng wudu’.
4]. Isinasagawa ang salah na ito kapag may eklipse.
5]. Ito ay dalawang pagpapatirapa na gaya ng sujudus sahw na isinasagaw kapag may nabasa sa Qur’an na isang ayah na nag-uutos na magpatirapa. Maaring isagawa ito habang nagbabasa ng Qur’an o nagsasagawa ng salah
6]. Ang kahulugan ng salah tahiyatil masjid ay ang salah ng pagbati sa Masjid. Ang pagsasagawa nito ay walang ipinagkaiba sa pangkaraniwang salah na sunnah.
Source: Youth Peace Propagators Associations Inc. (YPPAInc.)
Jami’ah As-Shabab Du’aat As-Salaam