Tanong at Sagot:

Tanong:

Kailangan pa ba ang wudu’ bago magsagawa ng sujudut tilawah?   Magsasabi pa ba ng allaahu akbar kapag magpapatirapa at kapag mag-aangat ng ulo buhat sa pagpapatirapa kung ang sujudut tilawah ay nangyari habang nasasagawa ng salah o habang nababasa ng Qur’an?  Ano ang sasabihin sa sujudut tilawah?  Ang mga du`a’ bang binibigkas dito ay buhat sa Hadeeth na saheeh?  Kailangan pa bang magsabi ng tasleem kung nasagawa ng sujudut tilawah habang nagbabasa ng Qura’an?

Sagot: 

Ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, hindi na kailangan ang wudu’ sa sujudut tilawah. At sa pag-aangat ng ulo buhat sa papapatirapa ay hindi na kailangang magsabi ng allaahu akbar ayon pa rin sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas.  Ngunit kailangang sabihin  ang allaahu akbar kapag magpapatirapa sapagkat ito ang ipinahihiwatig sa isang Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu ‘Umar (RA). Kapag isinagawa ang sujudut tilawah habang nagsasagawa ng salah, kailangang magsabi ng allahu akbar kapag magpapatirapa at mag-aangat ng ulo buhat sa pagpapatirapa sapagkat ginawa ito ng Propeta (SAS) sa lahat ng salah.  Nasasaad sa Saheeh Al-Bukhari na sinabi niya (SAS): “Isagawa ninyo ang salah kung papaano ninyo nakitang isinagawa ko ang salah.”  Sunnah na bumigkas ng mga du`a’ at dhikr na angkop para sa sujudut tilawah gaya ng: allaahumma laka sajattu wa bika aamantu wa laka aslamtu, sajada wajhee lilladhee khalaqahu wa sawwarahu wa shaqqa sam‘ahu wa basrahu bihawlihi wa qoowatihi, tabrakallaahu ahsnul khaliqeen.  Ang du`a’ na ito na matatagpuan sa Saheeh Muslim na isinalaysay ni Ali (RA) ay binigkas ng Propeta (SAS) sa sujudut tilawah.  Ang sinasabi kapag nakapatirapa sa salah ay siya ring sinasabi sa sujudut tilawah.  Nasasaad sa isang Hadeeth na binibigkas ng Propeta (SAS) sa sujudut tilawah ang panalanging ito: allaahum maktub lee bihaa ‘indaka ajran, wamhu ‘annee biha wizra, waj‘alhaa lee ‘indaka dhukhra, wa taqabbalhaa minee kama taqwabbaltaha min ‘abdika daawuda ‘alayhis salaam.  Ngunit ang fard na sabihin sa sujudut tilawah ay: subhaana rabbiyal a‘laa na siya ring fard sabihin kapag nakapatirapa sa salah.  Ang ano mang dhikr o du`a’ na idadagdag dito ay kanais-nais.  Ang sujudut tilawah habang nagsasagawa ng salah o habang nagbabasa ng Qur’an ay sunnah at hindi fard sapagkat ito ang ipinahihiwatig sa Hadeeth na isinalaysay ni Zayd bin Thabit (RA) at ito rin ang ipinahihiwatig sa Hadeeth na isinalaysay naman ni `Umar (RA).  Si Allah ang tagapatnubay.

Source: Youth Peace Propagators Associations Inc. (YPPAInc.)

Jami’ah As-Shabab Du’aat As-Salaam

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top