Tanong at Sagot:

Tanong:

Maaring maganap ang solar eclipse (eklipse sa araw) pagkatapos ng `asr, kaya issagawa rin ba ang salatul kasoof pagkatapos ng `asr, samantalang bawal magsagawa ng salah pagkatapos ng `asr.   At maari bang isagawa ang salah tahiyatil masjid sa oras na bawal isagawa ang salah?

Sagot:

Sa dalwang usaping ito ay may pagkakaiba ang mga pahayag ng mga pantas ngunit ang tama ay ipinahihintulot ang pagsasagawa ng salahtul kasoof at salah tahiyatil masjid.  Dapat gawin ang dalawang salah na ito sapagkat ang mga salah na ito ay mga salah na isinasagawa sanhi ng mga kadahilanan.  Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng mga salah na ito sa oras na kung papaanong ang mga ito ay ipinahihitulot sa iba pang mga oras.  Ito ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Tunay na ang araw at ang buwan ay dalawang tanda sa mga tanda ni Allah.  Hindi naglalaho ang mga ito dahil sa pagkamatay o pagkasilang ng isang tao.  Kapag nakakita kayo ng eklipse, magsagawa kayo ng salah at manalangin hanggang sa matapos ang eklipse.”  Ang Hadeeth na ito ay matatagpuan sa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim.  Ang sabi pa niya (SAS): “Kapag pumasok ang sinuman sa inyo sa Masjid, huwag siyang umupo hangga’t hindi nakakapagsagawa ng dalawang rak`ah na salah.”  Ganoon din ang dalawang rak`ah na salah na sunnah na isinasagawa matapos isagawa ang tawaf, kailangan paring isagawa ang salah na ito kahit tapos na ang salah sa fajr o `asr nang matapos ang pagsasagawa ng tawaf.  Batay ito sa sinabi ng Propeta (SAS) na:  “o angkan ni Abd Manaf* huwag ninyong pabawalan ang sinuman na magsagawa ng tawaf sa Bahay na ito (Ka`bah) at magsagawa ng salah sa anumang oras na kanyang naisin, sa gabi man o araw.”  Ang Hadeeth na ito ay isinalaysay ni Juabayr bin Mut`im (RA).  Si Allah ang tagapagpatnubay.

______________________________________________

*Isa sa pangalan ng angkan ni Propeta Muhammad (SAS)

Source: Youth Peace Propagators Associations Inc. (YPPAInc.)

Jami’ah As-Shabab Du’aat As-Salaam

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top