Ang Katayuan ng mga Kababaihan sa Kasaysayan

 

Ang Kababaihan sa Panahon Bago Dumating ang Lipunan ng Islam at mga ibang Kabihasnan.
Ang Kababaihan sa Lipunan ng India.
Ang Kababaihan sa Lipunan ng mga Instik.
Ang Kababaihan sa Lipunan ng Griyego.
Ang Kababaihan sa Lipunan ng Roma.
Ang Kababaihan sa Makalumang Lipunan ng mga Hudyo.
Ang Kababaihan sa Makalumang Lipunan ng mga Kristiyano.
Ang Kababaihan sa Panahon Bago Dumating ang Lipunan ng Islam at mga ibang Kabihasnan.

Bago dumating ang mensahe ni Propeta Muhammad (r), ang mga babae ay nagdanas ng lubhang di-makatarungan at di-pantay na pakikitungo at sila ay hayagang inalispusta at iba't-ibang paghamak. Ang mga babae ay itinuring bilang isang bagay na pag-aari na puwedeng itapon o ipamigay sa kapritso ng kanyang lalaking katiwala o tagapag-alaga. Ang mga babae ay walang karapatang magmana mula sa kanilang magulang o asawa. Ang mga Arabo ay naniniwala na ang pamana ay iginagawad lamang sa mga may higit na kakayahan, gaya ng mga marunong sumakay ng kabayo, makipaglaban, nagwagi ng laban sa digmaan at tumulong sa pangangalaga ng kanilang tribo o angkan at nasasakupan. Sa dahilang wala sa kanya (babae) ang mga ganitong pangkaraniwang kakayahan, siya mismo ay maaaring manahin gaya ng isang materyal na bagay pagkaraang mamatay ang kanyang asawang maraming utang. Kung ang babae na may asawang namatay na may mga anak na lalaki sa mga naunang pag-aasawa, ang pinakamatandang anak na lalaki ay maaaring kuhanin (ang nabalo ng kanyang ama) at ibilang na isa niyang pag-aari sa kanyang pamamahay, katulad ng isang anak na nagmana ng kayamanan ng kanyang namatay na ama. Siya (babae) ay hindi maaaring umalis ng bahay ng kanyang anak na lalaki sa unang asawa (stepson) hangga’t hindi siya magbabayad ng pantubos.

Bilang pangkalahatang pag-uugali, ang mga lalaki ay may kalayaang mag-asawa kahit ilan na walang hangganan. Walang makatarungang batas na maaaring pumigil sa lalaki mula sa pakikitungung hindi makatarungan o di-pantay sa kanyang mga asawang babae. Ang kababaihan ay walang karapatang pumili o kahit na bigyan lamang ng pahintulot sa pagpili ng kanyang magiging asawa; sila ay para lamang ipinamigay. Higit sa lahat, sila ay hindi pinapayagang mag-asawa ulit kung sila ay diniborsyo.

Bago dumating ang Islam sa pamayanan ng Arabia, ang mga Arabo ay di nasisiyahan sa pagkakaroon ng anak na babae sa kanyang pamilya. Ang mga iba ay itinuturing ito bilang masamang pangitain. Ang Dakilang Allah ay inilarawan sa Qur’an ang pagtanggap ng isang ama tungkol sa pagsilang ng anak na babae:

“At kung ang balita (ng pagsilang) ng isang babae ay ipinarating sa sinuman sa kanila, ang kanyang mukha ay nagiging madilim at ang kanyang kalooban ay napupuspos ng pagkapoot! Ikinukubli niya ang kanyang sarili sa mga tao dahilan sa kasamaan ng ibinabalita sa kanya. (Na nag-iisip) na kanya bang pananatilihin ang batang babae na magbibigay ng kahihiyan sa kanya, o kanyang ililibing sa lupa? Katotohanang karumal-dumal ang kanilang pasya.  (Qur’an 16:58-59)

Ang mga babae ay hindi man lang nabigyan ng mga likas na karapatan katulad ng pagkain ng ibang uri ng makakain. Ang ibang uri ng pagkain ay ipinahihintulot lamang sa mga lalaki. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

At sila ay nagsasabi: ‘Kung ano ang nasa sinapupunan ng gayong bakahan (kahit na gatas o bilig) ay para sa mga kalalakihan lamang at ipinagbabawal sa aming kababaihan, datapwa’t kung ito ay patay ng ipinanganak, kung gayon ang lahat ay may kabahagi rito...  (Qur’an 6:139)

Karagdagan pa rito, ang pagkamuhi ng mga Arabo sa mga batang babae ay humahantong sa kapasiyahang ilibing sila ng buhay. Ang Dakilang Allah ay nagsabi tungkol sa Araw ng Pagbabayad:

“At kapag ang sanggol na babae na inilibing ng buhay ay tatanungin, sa anong kasalanan siya ay pinatay?” (Qur’an 81:8-9)

Ang mga ibang ama naman ay inililibing ang kanilang mga anak na babae kung ito ay may ketong o pilay o isinilang na may kapansanan. Ang Allah (Y) ay nagsabi:

“At huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa pangamba ng kahirapan. Kami ang nagkakaloob sa kanila at sa inyo ng ikabubuhay. Katotohanan, ang pagpatay sa kanila ay isang malaking kasalanan.  (Qur’an 17:31)

Ang tanging bagay lamang na maaaring ipagmalaki ng isang babae sa panahon yaon, bago dumating ang Islamikong kapanahunan, ay ang pangangalaga sa kanya at ng kanyang pamilya at tribo, at ang pagtatanggol sa kanya laban sa mga humahamak o nagtatangkang dungisan ang kanyang pagkababae. Subali’t ang ganitong pangyayari ay higit na ipinagkakaloob ang dangal at puri ng lalaki at sa karangalan ng kanyang tribo, kaysa sa pagmamalasakit sa mga babae.

Ang mga pangyayari tungkol sa kababaihan sa lipunang Arabia ay siyang umakay kay Umar ibn al-Khattab (t), ang pangalawang Kalipa ng mga Muslim, upang mag-ulat ng:

“Sumpa sa Allah, hindi natin napag-isipan na ang babae ay may kahalagahan kundi lamang ipinahayag ng Allah ang tungkol sa kanila sa Qur’an…” (Muslim)

Ang Kababaihan sa Lipunan ng India
Sa Lipunan ng India ang mga babae ay pangkalahatang itinuring na mga katulong at alipin na hindi nasusunod ang sariling kagustuhan at sariling kapasiyahan. Sinusunod nila ang kanilang mga asawa ng walang pagtutol sa lahat ng bagay. Ang mga babae ay pambayad sa pagkatalo sa sugal ng kanilang asawa. Upang maipakita ang pagmamahal, ang mga nabiyudang babae ay sapilitang sinusunog ng buhay sa pamamagitan ng paglukso sa lugar na pansiga sa patay (pyre) ng asawang namatay (ang mag-asawa ay kapwa sinusunog na magkasabay). Ang kaugaliang ito ay tinatawag na ‘sutti’ na ipinagpatuloy hanggang sa huling yugto ng ika-17 siglo noong ang kaugaliang ito ay napawalang bisa at ipinagbawal sa kabila ng pagkadismaya at pagtutol ng mga lider ng relihiyong Hindu. Kahit na ito ay napawalang bisa na, ang ‘sutti’ ay malawakang isinasagawa parin hanggang sa huling yugto ng ika-19 na siglo at nangyayari pa rin hangga ngayon sa mga malalayong lugar ng India. Sa mga ibang pook, ang mga babae ay inihahandog sa mga pari bilang kerida, o patutot na sinasamantala. Sa ibang panig ng India, ang mga babae ay ginagawang pang-alay sa mga diyus-diyosan ng mga Hindu upang bigyang kasiyahan ang mga ito o di kaya kung sila ay dumadalangin para magkaroon ng ulan. Ang ilang batas ng Hindu ay nagpahayag ng ganito:

Ang itinakdang pagtitiis, ang ihip ng hangin o buhawi, ang kamatayan, ang impiyerno, ang lason, ang mga ahas at apoy ay hindi masama kaysa sa babae.

Sa mga aklat ng relihiyong Hindu, ay sinasabi rin na:

“Kung ang Manna (ang manlilikhang diyos ng Hindu) ay lumikha ng babae, kanya itong nilalakipan ng pagmamahal sa higaan, sa mga upuan, pagpapaganda (ng mukha), maruming pagnanasa (lahat ng uri), ng galit, paghihimagsik laban sa dangal at puri, masamang pag-uugali, asal at kilos.”

Sa mga aral ng ‘Manna Herma Sistra’ tungkol sa mga babae, mababasa na:

"Ang isang babae ay maaaring mabuhay na walang pagpipilian maging siya ay batang babae, dalaga o may edad na babae. Ang batang babae ay nasa ilalim ng kapangyarihan at kagustuhan ng kanyang ama. Ang babaeng may-asawa ay nasa kapangyarihan at kagustuhan ng kanyang asawa. Ang biyuda ay nasa kapangyarihan at kagustuhan ng kanyang mga anak na lalaki at hindi na malaya (mula ng mamatay ang kanyang asawa). Ang biyuda ay hindi na maaaring mag-asawang muli pagkaraang mamatay ang kanyang asawa bagkus dapat niyang iwasan o isantabi ang kanyang pagnanasa sa pananamit, pagkain at pag-aayos ng mukha hanggang siya ay mamatay. Ang babae ay walang karapatang magmay-ari ng anupamang bagay at kung sakaling magkaroon man ng pagkakakitaan, ang pag-mamay-ari ay kaagad na mapupunta sa kanyang asawa.”

Sa ibang situwasyon naman, ang babae ay maaaring magkaroon ng maraming asawa sa isang pagkakataon . Walang alinlangan na ang kanyang kalagayan ay mistulang kalapating mababa ang lipad o puta sa lipunan.

Ang Kababaihan sa Lipunan ng mga Intsik
Ang katayuan ng mga babae sa lipunan ng Intsik ay hamak at mababa. Sila ay karaniwan at laging iniaatang sa mga mababang uri ng gawain at katayuan. Ang batang lalaki ay itinuturing bilang handog ng Diyos at pinakikitunguhan ng mabuti. Samantalang ang batang babae ay nagtitiis ng maraming kahirapan, gaya ng pagtali sa kanyang mga paa upang hindi makatakbo at hindi magawa ang ibang kaugaliang gaya nito. Ang isang salawikain sa Tsina ay ganito: ‘Makinig sa asawa ngunit huwag mo siyang paniwalaan’. Samakatuwid, ating mapag-aaralan na ang katayuan ng babae sa lipunang Intsik ay hindi gaganda kaysa sa panahon ng mga paganong Arabo bago dumating ang Islamikong lipunan at sa mga lipunan ng mga taga India.

Ang Kababaihan sa Lipunan ng Griyego
Sa mga taga Griyego, ang mga babae ay ipinalagay ng mga kalalakihang Griyego na ang mga babae ay walang halaga bagkus silang lahat ay puro kasamaan. Walang regulasyon nangangalaga sa mga babae sa lipunan ng Griyego. Sila ay pinagkaitan ng karapatang pang-edukasyon; ipinagbibili at binibili na parang isang bagay lamang; ipinagkait ang karapatang pagmamana; at itinuring bilang musmos na walang karapatan makipagkalakalan para sa sariling ari-arian. Ang mga babae ay lubos na nasa ilalim ng kagustuhan ng lalaki sa kanilang buong buhay. Ang Diborsyo ay ganap na karapatan ng lalaki. Ang palasak na katayuan ng mga babae sa lipunan ng Griyego ay nagbigay daan sa mga Pilosopo na sabihin ang:

“Ang pangalan ng mga babae ay dapat ikulong sa bahay katulad din ng kanyang katawan.”

Si Ginoong Gustave Le Bon, isang Pilosopong Pranses ay nagsabi sa kanyang aklat na;

"Arab Civilization" ng ganito:

“Ang mga Griyego, sa pangkalahatang pananaw, ay isinasaalang-alang na ang mga babae ay pinakamababang nilikha. Sila ay walang kabuluhan maliban sa panganganak at pangangalaga sa gawaing pambahay. Kung ang isang babae ay nagsilang ng isang pangit, baliw o may kapansanang sanggol, ang lalaki ay may kalayaan gawin ang kagustuhang patayin ang (ang di-kanais-nais o hindi gustong) sanggol”.

Si Ginoong Demosthenes, isang kilalang mananalumpati at Pilosopo sa Griyego ay nagsabi:

“Kami, mga lalaking Griyego, ay nasisiyahan sa piling ng mga babaeng nagbibili ng aliw para sa pakikipagtalik, pagiging kasintahan, magsing-irog, upang pangalagaan ang aming pang-araw araw na pangangailangan, at kami ay nag-aasawa upang magkaroon lamang ng lehitimong mga anak”.

Mula dito sa walang pagpipigil na simbolo ng dalawang huwaran, at napakasamang moralidad, makikita natin ang kapalaran ng mga kababaihan sa ganitong uri ng lipunan batay sa pahayag ng isang pinakamahusay at kinikilalang pilosopo.

Ang Kababaihan sa Lipunan ng Roma
Ang babae sa Romanong Lipunan ay isinasaalang-alang bilang isang musmos na walang kakayahang pamahalaan ang sariling buhay. Lahat ng pamumuhay ng babae ay napapailalim sa kapangyarihan ng lalaki na siyang ganap na naghahari sa lahat ng pansarili at pang publikong gawain ng babae. Ang lalaki ay may karapatang magbigay ng hatol na kamatayan sa kanyang asawa kung siya ay naakusahan ng katiyakang krimen. Ang kapangyarihan ng lalaki sa babae ay kinabibilangan ang karapatan siyang ipagbili, paulit-ulit na pananakit sa babae, pagkulong o pagpatay sa babae. Ang babae sa lipunang Roma ay kailangan makinig, sumunod ng ganap at tuparin ang lahat ng ipinag-uutos ng lalaki. At ang mga babae ay inaalisan ng karapatan sa pagmamana.

Ang Kababaihan sa Makalumang Lipunan ng mga Hudyo
Sa makalumang lipunan ng Hudaismo, ay wala ring magandang kapalaran katulad ng mga babae sa ibang lipunang inilarawan sa mga naunang pahina. Sa Lumang Tipan (Eclesiastes 25-26) ang babae ay inilarawan ng ganito:

(25) ‘Ako’y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam at sumiyasat at humanap ng karunungan at ng kadahilanan ng mga bagay at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan at ang kamangmangan ay kaululan. (26) At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kaysa kamatayan, samakatuwid baga ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kamay ay gaya ng mga panali…” (Ecclesiastes 7:25-26)

Sa Exodus (Lumang Tipan), ay iniulat:

“(7) At kung ipagbili ng isang lalaki ang kanyang anak na babae na maging alipin, ay hindi siya aalis na gaya ng pag-alis ng mga aliping lalaki. (8) Kung siya ay hindi makapagpalugod sa kanyang Panginoon, na umayaw mag-asawa sa kanya, ay ipatutubos nga niya siya; walang kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang bayan, yamang siya ay nadaya. (9) At kung pinapag-asawa ng bumili sa kanyang anak na lalaki ay kanyang ipalalagay siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae. (10) Kung siya ay mag-asawa sa iba, ang kanyang pagkain, ang kanyang damit at ang kanyang kapangyarihang sa pag-aasawa ay hindi niya babawasan. (11) At kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kanya magkagayon siya ay aalis nang walang bayad, na walang tubos na salapi.” (Exodus 21:7-11)

Kaya, kung ang babaeng Hudyo ay mag-asawa, ang pangangalaga sa kanya ay malilipat mula sa kanyang ama tungo sa kanyang asawa at siya ay magiging isa sa pag-aari ng asawa niya katulad ng bahay, mga alipin, salapi at kayamanan.

Ang mga batas at katuruan ng mga Hudyo ay inaalisan ang babae ng pamana mula sa kanyang ama kung ang ama ay mayroong ibang mga anak na lalaki. Ito ay mababasa sa Lumang Tipan ng ganito:

“At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel na iyong sabihin, ‘Kung ang isang lalaki ay namatay at walang anak na lalaki ay inyo ngang isasalin ang kanyang mana sa kanyang anak na babae’.” (Bilang; 27:8)

Karagdagan pa nito, ang mga lalaking Hudyo ay hindi natutulog sa iisang higaan kung ang babae ay may buwanang pagdurugo (regla), hindi sumasalong kumakain o umiinom. Ang mga lalaking Hudyo ay ganap na inilalayo ang sarili mula sa babaeng may regla hanggang ito ay malinis mula sa kanyang pagdurugo.

Ang Kababaihan sa Makalumang Lipunan ng mga Kristiyano
Ang mga Kristiyanong pari ay humantong sa labis na pagsasaalang-alang na ang babae ay siyang sanhi ng ‘Orihinal na Pagkakasala’ at siyang pinagmulan ng mga kaguluhan na siyang kinasasadlakan ng buong mundo. At dahil dito, ang ugnayang pisikal ng babae at lalaki ay tinaguriang ‘marumi’ bagaman ito ay lehitimong sinang-ayunan at ginawa sa ilalim ng kasunduang kasal.

Si Saint Trotolian ay nagsabi:

“Ang babae ay siyang Landas ni Satanas tungo sa puso ng lalaki. Ang babae ang siyang nagtulak sa lalaki sa ‘Bawal na Puno’. Ang babae ay sumuway sa Batas ng Diyos at sinira ang Kanyang Imahen.”

Si Ginoong Wieth Knudesen, isang manunulat na Danish ay naglarawan sa katayuan ng babae noong ‘Middle Ages’ na nagsabi:

“Ayon sa relihiyong Katoliko na nagsasaalang-alang sa babae bilang pangalawang uri ng tao, sadyang kakaunti ang pangangalaga at pansin ang ibinibigay sa kanya (babae).”

Noong taong 1856, mayroong pagpupulong na ginanap sa Pransiya tungkol sa pagpapasiya kung ang babae ay dapat bang ituring na tao o hindi! Ang pagpupulong ay nagbigay ng huling pananalita na:

“Ang babae ay tao ngunit siya ay nilikha upang maglingkod sa lalaki.”

Kaya’t sa pagpupulong na ito, sinang-ayunan ang karapatan ng babae bilang tao, isang bagay na pinag-aalinlanganan at di-mapagpasiyahan! Magkagayunman, ang mga lumahok sa pagpupulong na ito ay hindi ganap na nagpasiya tungkol sa karapatan ng babae bagkus ang babae ay tagasunod lamang ng lalaki at alipin na walang pansariling karapatan. Ang pasiyang ito ay binigyan ng katuparan hanggang noong ika 1938, nang sa unang pagkakataon, ang susog ay ipinalabas upang pawalang-saysay ang batas na nagbabawal sa babae na personal na mangasiwa sa kanyang gawaing pananalapi at tuwiran at hayagang pinahintulutang magbukas ng sariling libreta sa banko.

Ang mga taga Europa ay patuloy ang pang-aapi sa mga babae at inaalisan ang kanilang karapatan hanggang sa panahon ng 'Middle Ages'. Isa ring nakakagulat na malaman sa Batas ng Ingles na ipinikit nila ang kanilang mga mata sa pagbebenta ng lalaki sa kanyang asawa! Ang puwang sa gitna ng mga lalaki at babae ay lalong lamaki, hanggang sa ang pamamahala sa babae ay ganap na nasa kamay ng lalaki. Ang mga babae ay inalisan ng lubos na karapatan kahit na anong pag-aari. Lahat ng ari-arian ng babae ay napupunta sa asawang lalaki. Halimbawa, ang babae sa Batas ng Pransiya ay ipinalagay na walang kakayahang magpasiya sa sariling gawaing pananalapi. Ating mababasa sa Artikolong 217 ng Batas ng Pransiya na nagsasaad:

"Ang babaeng may asawa ay walang karapatang magbigay, magsalin, magmay-ari, may bayad o wala, na walang pagsang-ayon ang kanyang asawa kahit na ang kasunduang nakasulat sa kasal ay nagsasabi na ang ari-arian ng babae ay hiwalay sa ari-arian ng lalaki.”

Sa kabila ng maraming susog at pagbabago na nangyari sa batas ng Pransiya, makikita pa rin natin kung paano ang mga batas na ito ay nagbigay impluwensiya sa buhay may-asawa ng mga kababaihan. Ito ay isang uri ng modernong pang-aalipin.

Karagdagan pa nito, ang apelyido ng isang babaeng may asawa ay nawawala kung siya ay pumasok sa kasunduang kasal. Ang may asawang babae ay kinakailangang dalhin at gamitin niya ang apelyido ng kanyang asawa. Ito ay nagpapahiwatig na ang babae ay magiging tagasunod lamang ng kanyang asawa at mawawala ang kanyang personal na pagkakakilanlan.

Si Ginoong Bernard Shaw, isang kinikilalang manunulat na Ingles ay nagsabi:

"Sa oras na ang babae ay mag-asawa, lahat ng pansariling pag-aari ay magiging pag-aari ng kanyang asawa ayon sa batas ng Ingles (English Law).”

Panghuli, mayroong pang isang di-makatarungan at ipinataw sa mga kababaihan ng Kanlurang Lipunan ay yaong ang kasal ay ginawang isang bagay na kailangang manatili magpakailanman batay sa legal at aral ng kanilang relihiyon. Ang babae ay walang karapatang magtakda ng diborsiyo (ayon sa Katoliko). Ang mag-asawa ay pisikal na magkahiwalay sa isa’t isa. Ang paghihiwalay na ito ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit sa lipunan at katiwalian katulad ng pagkakaroon ng kasintahan, pakikipagtalik sa mga nagbibili ng aliw, pakikipagrelasyon ng lalaki sa kapwa lalaki at pakikipagrelasyon ng babae sa kapwa babae. Karagdagan pa nito, ang naiwang biyuda ay hindi pinahihintulutang bigyan ng pagkakataong mag-asawang muli at mamuhay ng normal pagkaraaang mamatay ang kanyang asawa.

Walang pagdududa, na ang tinatawag na modernong lipunan ng kanluran at ang pagpupunyagi nitong makapangibabaw sa buong mundo, ay nagmula at pagkakautang sa mga taga Griyego at Romanong tradisyon dahil sa pundasyon nilang pambayan, at sa mga tradisyon ng Hudyo-Kristiyano na kanilang pinanghahawakang simulain at batayan ng kanilang relihiyon. Ang mga nabanggit na pangkalahatang pagmamalabis sa itaas ay nagbigay daan (dahil sa unti-unti at sa huling epekto ng teknolohiya at modernong lipunan) sa inaasahan at natural na reaksyon gaya ng mga sumusunod: Kilusang humihingi ng karapatan ng mga kababaihan sa lipunan, pinangungunahan ng mga pilosopo, mga guro, mga naglolobi, at ang mga aktibista para sa karapatan ng mga kababaihan at kapakanang pang-tao. Parang and pendulo ay naitalagang kumampay sa ibang direksyon, at sila ay humihingi ng ganap na pantay na karapatan at paglaya sa mga lalaking mapang-abuso at nang-aapi. Sa maraming modernong lipunan na walang kaugnayan sa relihiyon ang mga babae ay tunay na ibinigay ang maraming pantay na karapatan, datapwa’t sa pagkakataong ding iyon, dahil sa pagkapantay-pantay ay nalantad sila sa panliligalig at panloloko na palasak sa mahalay na buhay pangmateryal at inilalako sila na parang isang nilulungating bagay na pang-sekswal, ibinebenta at pinapakontrata o pinapaupahan. Ang kasunod nito ay ang pagkalansag ng pamilya, at ang paglaganap ng imoralidad na kalaswaan pang-sekswal, pagpapalaglag, ang pagsasama ng parehong lalaki at ang kasamaan mula sa kalayaan sekswal, ay nagbigay daan sa mga iba upang tumutol sa lipunan, lalung-lalo na sa mga relihiyosong konserbatibo, subali’t sa wari, ang mga pangyayari ay tunay na malakas upang ibalik ang panahon. Sa pandaigdigang pakahulugan at mula sa pangkasaysayang pagmamana, ipakikilala namin ang mga namumukod na katangian ng mga karapatan ng mga babae sa Islam at ang kasagutan ng mga karaniwang maling pang-unawa, upang ipakita ang kahigtan ng pagsunod sa patnubay ng Dakilang Allah kaysa sa pagsunod ng bawa’t isa (lalaki at babae) sa kanilang sariling kagustuhan at kapritso.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top