Ang Karapatan ng Tagapangalaga sa Kontrata ng Pag-iisang Dibdib o Pag-aasawa
tagapangalaga. Ang kanyang ama, o kung halimbawa pumanaw na, ang kanyang lolo, tiyuhin (sa ama), kapatid na lalaki, o maaari ang kanyang anak na lalaki na nasa tamang gulang na, o ang punong Sa batas ng Islam, ang isa sa hinihiling para sa makatarungang pakikipag-isang dibdib ay ang buong laya ng pagsang-ayon ng babaeng may kinalaman sa kasunduan.
Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
"Ang 'ayyim' (ang diborsyada o ang balong bababe) ay hindi dapat piliting ikasal kung hindi niya ito kagustuhan. At ang isang dalaga (birhen) ay hindi nararapat na ipakasal maliban na lamang kung siya ay sinanggunihan (at nagbigay ng pahintulot). At may nagtanong:
"O sugo ng Allah (r), paano malalaman ang kanyang (babae) pagsang-ayon?" Ang Propeta(r) ay sumagot: ‘Kung siya'y nanatiling (ang babae) tahimik, ibig sabihin siya ay pumapayag. "(Bukhari atbp.)
Kung ang isang babae ay pinilit para tanggapin ang di kanais-nais na pagpapakasal, siya ay may karapatang idulog ang usapin sa harap ng Muslim na Hukom at hilingin ang pag-papawalang bisa nito (ng kasal). Ang babaeng nag-ngangalang al-Khansa Bint Khadam na noo'y ikinasal (na diborsyada), ay nagtungo at nagsumbong sa Sugo ng Allah (r) na pinilit siyang ipinakasal ng kanyang ama sa isang tao kahit na hindi niya ito gusto. Kaya pinawalang saysay ng Propeta (r) ang kasal nila.
Ang ilan pang pamantayan na dapat ay hindi niya ipapaubaya ang sarili sa pakikipag-isang dibdib sa sinuman ng wala siyang bayan, ang siyang gaganap bilang kanyang tagapangalaga sa larangang ito upang makatiyak ang kanyang karapatan ay isinaalang-alang kaakibat ng kanyang paglagda sa kasunduan ng pakikipag-isang dibdib. Ang gumaganap na tagapangalaga ay dapat nakakasiguro na ang lalaking makakaisang dibdib ng babae ay matapat at may pamantayan, na ang babae ay mabigyan ng tama o sapat na dote, at ang dalawang saksi ay magpapatotoo na ang kasunduan ay buong layang tinatanggap ng babae. Ang lahat ng panuntunang ito ay para mapangalagaan ang kanyang karapatan at ang kabanalan (kadalisayan) ng kasal.
Ang Sugo ng Allah (r) ay ginawang malinaw ito ng siya ay nagwika: "Walang kasal kung wala ang tagapangalaga." (Pag-uulat ni Abu Da`wood, Tirmidhi atbp at napatotohanan)
At sa ibang pag-uulat:
"“Walang kasal kung walang tagapangalaga, at ang pinuno ay ang magiging tagapangalaga ng babae na (mangyaring) walang tagapangalaga.”(Ahmad at Ibn Majah at napatotohanan)
Samakatuwid, kung ang babae ay magtanan at makipag-isang dibdib, ito ay tinuturing na labag sa batas, gaya ng pahayag ng Propeta (r):
"Sinumang babae ang makipa-isang dibdib ng walang pagsang-ayon ang kanyang tagapangalaga, ito ay walang bisa, ito ay walang bisa, ito ay walang bisa, at kung nagsiping na sila ng lalaki dahil sa pagpapakasal, pagkaraan kailangang makatanggap ang babae ng dote mula sa lalaki kung saan nagawa niyang angkinin ang pagkababae nito, at kung sila'y masadlak sa pagtatalo magkagayon ang pinuno ay siyang magiging tagapangalaga para sa mga walang tagapangalaga. "(Ahmad, Abu Da`wood, Tirmidhi at Ibn Majah, at napatotohanan)
Gaya ng nabanggit sa itaas sa mga karapatan ng mga anak na babae, maging birhen o ano pa man, ang karapatan ng isang babae ay tanggapin o tumangi sa anumang alok ng pakikipag-isang dibdib ng may malayang pag-iisip. Ang kaugalian ng tagapangalaga ay isaalang-alang lamang ang kanyang kagustuhan. Ang katotohanan ang punong bayan o punong lalawigan ay ang kaniyang tagapangalaga ayon sa batas upang matiyak na ang lahat ay nasa kaayusan at walang di-makatarungan magaganap na na siyang magpapalakas sa kasagraduhan ng kasunduan sa pakikipag-isang dibdib at sa kabanalan ng kanyang karapatan sa Islam.
Sapagkat ang babae ay na nanatili sa katayuang likas na mahina, ang Islamikong batas ay naglatag ng mga alituntunin at batas na magsasangalang sa kanyang kapakanan at pangangalagaan ang kanyang mga karapatan. Ang ama, ang ina at ang mga kamag-anakan, kung kakakailanganin, tumulong sa pagpili ng tama at nararapat na mapangasawa, yamang ang lahat ay naghahanap ng kanyang kaligayahan at wala ni isa man ang nagpita na siya ay mabulid sa maling pakikipag-isang dibdib. Ang layunin ng pakikipag-isang dibdib ay maitatag ang pang-habangbuhay na relasyon sa pagitan ng isang lalaki at isang babae at isang tahanan na may pagmamahalan at pagpapala para sa mga supling, hindi lamang ang pansariling kasiyahan ang hangarin. Dahil ang mga kababaihan, sa pangkalahatan, ay mas maramdamin kaysa sa mga kalalakihan at mas madaling masimbuyo ang damdamin at natutukso sa panlabas na anyo kasya sa malalim na katotohanan, ang batas ng Islam ay nagbibigay karapatan sa tagapangalaga na tutulan o tanggihan ang mga mungkahi kapag ang manliligaw ay mapagtantong hindi tapat at hindi magkabagay. Ang lalaking tagapangalaga sa usapin ay ang tangi lamang binigyan ng likas na katungkulang gumanap at mangalaga. Higit pa rito, di maitatatwa na ang mga kalalakihan, bilang parehong kasarian, ay may mas kakayahan na mapansin ang katangian ng ibang kalalakihan, at mayroong mas kakayahang hanapin ang mga ugali ng lalaking aakma sa kanyang anak na babae o ang babaeng nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. Nararapat din siyang humingi ng payo mula sa asawa at sa mga iba pang kababaihan sa pamamaraan ng pagpili ng makaka-isang dibdib ng babae. Kung ang nararapat na ginoo ay nagpahayag ng pakikipag-isang dibdib at ang tagapangalaga ay tumanggi sa walang kadahilanan, samakatuwid maaaring idulog sa hukuman ng batas ang usapin at paglabanan ang tagapangalaga. Ang katayuan bilang tagapangalaga ay ibibigay sa pinakamalapit na mapapanaligang kamag-anak na babae, at kung wala siyang kamag-anak na lalaki na maaaring mapapanaligan, ang Muslim na hukom ang siyang ipagpapalagay na tagapangalaga.
Sa kahuli-hulihang pagsusuri, ang tunay na panukat sa nararapat na kapareho sa pakikipag-asawa ay ang paglalahad ng Propeta ng Allah (r):
"Kung ang isang tao ay lumapit sa iyo at nagmungkahi o nag-alok ng pagpapakasal at ikaw ay nalugod sa kanyang relihiyon at kaugaliang wagas, kung gayon ikaw ay magpakasal. Subalit kung siya ay binigo mo, may malaking kasamaan ang magaganap sa mundo, at lalaganap ang katiwalian. " (Tirmidhi at Ibn Majah, at napatotohanan)
Ang lalaking matino at may mabuting kaalaman sa kanyang pagtupad sa kautusan ng Islam, na may mabuting pamantayan ng pag-uugali, ay ipagmamalaki at ipagbubunyi ang kanyang asawa, at pakikisamahan niya ito ng may katarungan at kabaitan kahit na siya ay hindi mahal nito.