Ang Pagkapantay-Pantay ng Lalaki at Babae sa Islam at ang Kanilang Likas na Kaganapan sa Bawat-isa


Sa isang pang-unawa, ang pagkapantay-pantay sa gitna ng mga lalaki at mga babae ay maaari at makatuwiran dahil sila ay parehong tao, na magkatulad ang kanilang kaluluwa, mga isip, mga puso, mga baga, mga braso, atbp. Sa kabilang banda, ang pagkapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae ay hindi maaari at kakatuwang-bagay sa kadahilanan ng kanilang likas na pagkakaiba ng pangangatawan, kaisipan, kalooban o damdamin at pangkaisipan katangian, mga kagustuhan at mga kakayahan. Sa gitna ng mga katangiang nabanggit dapat nating ipaliwanag kung papaano sila naging pantay at kung papaano sila kapupunan ng bawat isa.

Kung ang pagkapantay-pantay ng lahat ng mga may parehong kasarian ay imposible sa dahilan ng kanilang natural na pagkakaiba sa lakas at sa ibang mga katangian, kahiman siya ay may kasariang lalaki o babae, samakatuwid siguradong hindi maaaring magkapantay ang dalawang kasarian. Ang Dakilang Allah ay nagabi:

“At sa mga bagay ay lumikha Kami ng pares, upang inyong magunita (ang biyaya ng Allah). ”. (Qur’an 51:49)

Kahit na ang mga atomo ay may dalawang katangian iniulat, na mayroong pagkakaugnay at kapupunan na tungkuling ginaganap ang positibo at negatibong ‘particles & ions’, ngunit ang bawat isa ay mga mahalagang bahagi ng buong sistema na tinatawag na ‘binary basis of life’. Lahat ng mga nabubuhay na bagay ay mayroong lalaki at babaeng kasarian upang magka-anak. Gaya ng katuruan sa siyensya ng biolohiya, lahat ng hayop na nagpapasuso ay may parehong katangian sa anyo ng kanilang glandula at maliliit na parte (molecular & glandular structures) na siyang nagpapakilala ng kasarian ng bawat isa. Ang mga batayang pangpisikal, pangkaisipan at pangsekswal na katangian ay mayroong mga tiyak na epekto sa ibang yugto ng buhay.

Likas sa isang lalaki na kailangan niya na maghanap ng kasiyahan sa babae at gayon din ang babae sa lalaki, dahil sila ay nilikha… ang isa mula sa isa (lalaki) at para sa isa’t-isa. Sila ay di-mapaghihiwalay at naitakda sa bawat isa. Ni hindi sila makakita ng kaligayahan kung hindi kasama ang bawa’t isa sa pamamagitan ng legal at marangal na pag-aasawa, gaya ng sinabi ng Allah (U) sa Kanyang Dakilang Aklat:

“O Sangkatauhan! Aming nilikha kayo mula sa isang pares ng lalaki at babae, at Aming ginawa kayo sa maraming bansa at mga tribo upang mangakilala ninyo ang isa’t isa. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong sumasampalataya na may Taqwa (kabanalan at kabutihan) at pinakamamahal ang Allah (lagi ng nag-aalaala sa Allah). Katotohanang ang Allah ay Tigib ng kaalaman at Lubos na nakababatid ng lahat ng bagay." ”(Qur’an 49:13)

Maraming pagkakataon na ang Islam ay nagturing sa mga babae na pantay sa mga lalaki. Ang mga ibang halimbawa ay ilalahad sa ibaba. Sa mga sumusunod na bahagi ng aklat ay palalawakin namin ang mga paksa sa iba’t ibang pakahulugan hanggang sa dulo ng aklat na ito.

1) Ang lalaki at ang babae ay pantay sa larangan ng kanilang pagkatao. Ang Islam ay hindi kina-kategorya ang mga kababaihan, gaya halimbawa, bilang pinagmulan ng kasamaan sa mundo, at bilang ‘pinagmulan ng kasalanan’ na siyang dahilan kung bakit si Adan (u) ay pinalabas sa Paraiso, o siyang sanhi sa kasamaan sa buong mundo sa pagpapakawala ng lahat ng uri ng bisyo at mga masasamang pinagkabihasnan, katulad ng mga doktrina at mga pabulang katuruan ng mga ibang relihiyon. Ang Makapangyarihan at Dakilang Allah ay nagsabi;

"O Sangkatuhan! Pangambahan (ninyo) ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adam), at mula sa kanya (Adam) nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae…  (Qur’an 4:1)

Sinabi rin ng Dakilang Allah:

“Inaakala ba ng tao na siya ay pababayaan at kakalimutan na hindi parurusahan o hindi na gagantimpalaan sa kanyang mga itinakdang tungkulan na itinagubilin sa kanya ng kanyang Panginoon (Allah)? Hindi baga siya ay isang Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae) na ibinuhos? At pagkatapos, siya ay naging Alaqa (namuo sa paglaki) at binigyan siya ng Allah ng hugis at anyo, at ginawa siya sa dalawang kasarian, lalaki at babae. Hindi baga Siya (Allah) na lumalang sa kanya (sa unang paglikha) ay makapagpanumbalik ng buhay sa mga patay? (Qur’an 75:36-40)

Inilarawan ng Dakilang Allah sa mga talata na nilikha Niya ang parehong kasarian mula sa isang pinagmulan. Walang pagkakaiba ang dalawang kasarian sa larangan ng kanilang katangian bilang tao, at ang bawa’t isa ay kapupunan ng isa dahil ang dalawang kasariang ito ay magka-uri. Pinawi at pinawalang-bisa ng Islam ang mga naunang batas na di-makatuwirang nagpapababa sa katangian at uri ng mga kababaihan. Ang Propeta (r) ay nagsabi:

“Katotohanan, ang mga babae ay kakambal na kapatid ng mga lalaki.” [Abu Da`wood, Tirmidhi, at atbp. at pinatotohanan)

2) Magkapareho ang tungkulin at mga rituals na kinakailangan ng relihiyon mula sa mga lalaki at mga babae. Ang Dalawang Panunumpa sa Pananampalataya (Shahaadah), ang Pagdarasal (Salah), ang Kawanggawa (Zakah), ang Pag-aayuno (Saum), ang Paglalakbay sa Makkah (Hajj)… ang mga ito ay iniuutos sa parehong kasarihan. Sa mga ibang pagkakataon, ang mga kinakailangan sa mga kababaihan ay medyo magaan upang magpabawa sa mga natatanging kahirapan. Halimbawa, kung ating isaalang-alang ang kanilang kalusugan at ang kondisyon ng pangangatawan, sa kanilang buwanang regla o ang pagdurugo sa panganganak at sa kanilang pagpapagaling, ay nagpapawalang sala ang mga ito sa kanilang pagliban sa pagdarasal at pag-aayuno. Ang babae ay inuutusan na magbayad sa mga araw ng kanyang pagliban sa pag-aayuno dahil sa buwanang regla o pagdurugo pagkatapos ang panganganak, ngunit hindi siya magbabayad sa pagliban niya sa pagdarasal.

Si Sheikh Muhammad Mutawali ash-Sha'rawi (t) ay nagsabi:

"Mula sa pasimula ng paglikha, ang lalaki ay nakilala na ang kaibahan at di-pagkatulad sa mga babae. Ang isa ay kapupunan ng iba. Batay dito kami ay naniniwala na ang ganap na pagbabahagi ng terminong kasarian ay tunay na nagpapakilala na may dalawang magkaibang misyon sa buhay, kung hindi, ang magkaibang dalawang kasarian ay hindi na kailangan pa. Ito ay palatandaan na ang bawa’t kasarian ay may kanya-kanyang katangian. Madali nating makilala ang pagkakaiba ng araw at gabi, kahima’t pareho silang tumutulong sa atin upang malaman ang tunay na pinagbabatayang oras o panahon. Ang araw ay nagbibigay sa atin ng kakayahan upang makapaghanap-buhay para sa ating pang-araw-araw na pagkain, at ang gabi ay nagbibigay sa atin ng katahimikan at kapayapaan upang makapagpahinga. Sa ganitong uri ng pagkakaiba, ay tuwirang katulad ng kalagayan ng araw at gabi. Mayroong mga ibang bagay na kinakailangan lamang mula sa lalaki, batay sa likas na paghahanda. Katulad din namang may mga bagay na kailangan lamang mula sa babae, batay sa kanyang likas na paghahanda. Bagama’t sila ay parehong tao na may maraming taglay na pangkaraniwan o parehong katangian”.

Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

“Ang mga lalaki at mga babaeng sumasampalataya ay mga Auliya (tagapagtangkilik, tagapangalaga, kapanalig,) sa isa’t isa, sila ay nagtatagubilin ng Al-Ma’ruf (lahat ng kabutihang ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al-Munkar (paglabag sa lahat ng ipinagbabawal ng Islam); sila ay nag-aalay ng kanilang Salah (takdang pagdarasal ng mahinusay); at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sumusunod sa Allah at sa Kanyang Sugo. Ang Allah ay magkakaloob ng Kanyang Habag sa kanila. Katotohanang ang Allah ay Sukdol ng Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan. (Qur’an 9:71)

3) Ang mga lalaki at mga babae ay parehong magkakamit ng gantimpala sa kanilang pagtupad at mayroong kaparusahan sa hindi pagsunod dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

“Sinuman ang gumagawa ng kabutihan, maging lalaki man o babae, habang siya ay isang sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allah), katotohanan, sa kanya ay igagawad Namin ang isang mabuting buhay (sa mundong ito) at katiyakan na Aming babayaran sila ng gantimpala ng ayon sa pinakamainam sa kanilang ginawa (ang Paraiso sa Kabilang Buhay).  (Qur’an 16:97)

At sinabi rin ng Dakilang Allah:

“Katiyakan, ang mga lalaking nagpapasakop at ang mga babaeng nagpapasakop, ang mga sumasampalatayang lalaki at mga sumasampalatayang babae, ang mga masunuring lalaki at mga masunuring babae, ang mga matatapat na lalaki at mga matatapat na babae, ang mga matitiyagang lalaki at mga matitiyagang babae, ang mga mababang-loob na lalaki at mga mababang-loob na babae, ang mga mapagkawanggawang lalaki at mga mapagkawanggawang babae, ang mga mapag-ayunong lalaki at mga mapag-ayunong babae, ang mga lalaki na nangangalaga sa kanilang maselang bahagi ng katawan at mga babae na nangangalaga sa kanilang maselang bahagi ng katawan, at ang mga lalaki na lagi ng nag-aalaala sa Allah at mga babae na lagi ng nag-aalaala sa Allah, sa kanila ay inihanda ng Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala.  (Qur’an 33:35)

4) Ang mga kababaihan ay parehong may moral na tungkulin at sila ay may parehong karapatan kagaya ng mga kalalakihan sa pangkalahatang karapatan katulad ng pangangalaga ng kanilang kapurihan, dangal at respeto atbp. Walang dalawang pamantayan ang tinatanggap o pinapayagan. Kagaya halimbawa, silang mga nagparatang ng mali sa babaing malinis ng pangangalunya at pakikiapid ay mapaparusahan hayagan (sa publiko), katulad ng pang-insulto sa isang lalaki.

Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

“At sila na nagpaparatang (ng pakikiapid) sa malilinis na babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at huwag tanggapin mula sa kanila ang kanilang pagsaksi kahit na kailan, katotohanang sila ay Fasiqun (mga sinungaling, palasuway, mapaghimagsik sa Allah).” (Qur’an 24:4)

5) Ang kababaihan ay pantay na may kakayahan at pinahihintulutang mangalakal kaugnay sa pananalaping kalakalan at pagmamay-ari ng mga ari-arian. Batay sa batas ng Islam, ang mga babae ay maaaring magmay-ari, bumili, magtinda at magsagawa ng pananalaping kalakalan na hindi na kailangan ang katiwala, at walang panghihigpit at pagtatakda, isang kalagayan na hindi pa nangyari sa mga ibang pamayanan hanggang sa nitong modernong panahon.

6) Sa Islam, bilang palatandaan na ang isang lalaki ay mayroong kabutihan, mabait at makatwiran kung ginagalang at nirerespeto niya ang pakikipag-ugnayan sa kababaihan ng may katarungan at kung kinakailangan, subalit ang isang lalaki na malupit sa mga babae ay isang hindi mabuti at hindi kagalang-galang na lalaki. Ang Propeta (r) ay nagsabi:

“Ang tunay na mananampalataya ay siya na may pinakamabuting pag-uugali, at ang pinaka-mabuting sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanyang asawa.” (Tirmidhi at napatotohanan)

7) Binibigyan ng parehong karapatan ng Islam ang mga babae kagaya ng karapatan ng mga lalaki sa paghahanap ng karunungan. Ang Propeta (r) ay nagsabi:

“Ang paghahanap ng karunungan ay sapilitan sa bawat Muslim (lalaki at babae).  (Ibn Majah at al-Baihaqi at napatotohanan)

Ang mga Paham na Muslim ay nagkasundong lahat na ang salitang ‘Muslim’ kung ito ay ginagamit sa mga ipinahayag na banal na kasulatan ay saklaw pareho ang lalaki at babae. Kaya’t ibinibigay ng Islam sa kababaihan ang parehong karapatan sa pag-aaral (kagaya ng mga lalaki) upang maintindihan ang ubligasyong pang-relihiyon at panlipunan at kinakailangan nilang palakihin ang kanilang mga anak sa pinakamabuting paraan, nang ayon sa tamang alituntunin at pag-aaral sa Islam. Tunay na ang mga babae ay may tiyak na tungkulin sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na katumbas ng kanilang abilidad at ang mga lalaki ay mayroong kaganapang ubligasyon sa pananalapi, pangalagaan at magpanatili ng ayon sa kanilang tungkulin sa buong pamilya. Samakatuwid dahil sa malaking ubligasyon at katayuan ng lalaki bilang padre de pamilya, siya ang nagdadala ng pasanin sa buong responsibilidad kaya naman mabibigyan din siya ng malaking gantimpala.

Ang Propeta (r) ay nagsabi:

“Sinuman ang mayroong tatlong anak na babae at sila ay pinalaki bilang mabubuting mga anak at ipinakasal, at pinakitunguhan sila nang pinakamabuting pag-uugali, siya ay gagantimpalaan ng Paraiso.  (Ahmad at Ibn Habban at napatotohanan)

Tungkol sa mga babaeng alipin, ang Propeta (r) ay nagsabi:

“Kung sinuman ang mayroong batang babae (na nasa kanyang pamamahala bilang alipin), at sinanay sa pinakamagandang pag-uugali, tinuruan ng mabuti, at pinalaya at pinakasalan niya, ay magkakaroon ng dobleng gantimpala. (Bukhari, Muslim atbp.)

8) Ang mga lalaki at babae ay mayroong parehong tungkulin at pananagutan upang pagsikapang mabago at maiwasto ang pamayanan sa pinakamabuti nilang kakayahan. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay inaako ang tungkuling magtagubilin ng mabuti at ipagbawal ang kasamaan, katulad ng sinabi ng Dakilang Allah sa Qur’an:

“Ang mga lalaki at mga babaeng sumasampalataya ay mga Auliya (tagapagtangkilik, kapanalig, tagapangalaga) sa isa’t isa, sila ay nagtatagubilin ng Al-Ma’ruf ( lahat ng kabutihan ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al-Munkar (paglabag sa lahat ng ipinagbabawal ng Islam); sila ay nag-aalay ng kanilang Salah (takdang pagdarasal ng mahinusay); at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sumusunod sa Allah at sa Kanyang Sugo. Ang Allah ay magkakaloob ng Kanyang Habag sa kanila. Katotohanang ang Allah ay Sukdol ng Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.  (Qur’an 9:71)

9) Ang mga lalaki at mga babae ay itinalaga at nagtakda ng karapatan upang makatanggap ng makatarungang bahagi ng kayaman, kagaya ng sapilitang pagbibigay ng Zakah (kawanggawa) sang-ayon sa itinalagang pagsusuri. Lahat ng mga paham na Muslim ay sang-ayong sa ganitong pagkwenta. Ang mga kababaihan ay may naitalagang pamana sa kanila, na aming ipapaliwanag ng detalye sa bandang huli, na ito ay isang karapatan na hindi maisip o matanggap ng ibang pamayanan.

Ang Allah (U) ay nagsabi:

“Sa mga kalalakihan ay mayroong natatanging bahagi sa anumang naiwan na kayamanan ng mga magulang at malalapit na kamag-anak (na yumao) at sa mga kababaihan ay mayroon ding natatanging bahagi sa anumang naiwan na kayamanan ng mga magulang at malalapit na kamag-anak (na yumao) kahima’t ang ari-arian ay maliit o malaki; (ito ay) isang nakalaan na ubligasyon na bahagi.(Qur’an 4:7)

10) Ang babae, katulad ng isang lalaki, ay maaaring magbigay ng karapatang hinahanap na kanlungan at kaligtasan ng mga ibang Muslims (o ibang tao).

Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

"At sinuman sa Mushrikun (mapagsamba sa maraming diyus-diyosan) ang humingi ng tulong ng iyong pangangalaga, kung gayon gawaran siya ng pangangalaga upang kanyang marinig ang Salita ng Allah, iyong samahan siya sa lugar na siya ay magiging ligtas… " (Quran 9:6)

Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:

“…ang pamamaraan ng pangangalaga sa mga Muslim ay iisa, at ang pinakamaliit sa mga ito ay makapagbigay ng pagkalinga; at kung sinuman ang umagaw sa karapatan ng isang Muslim, magkagayon ang galit ng Dakilang Allah at ng Kanyang mga Anghel at ng lahat ng mga tao ay mapapasakanya, at hindi tatanggapin ang kanyang pagsisisi o ang anumang pantubos mula sa kanya …” (Bukhari)

Ito ay pinatunayan ng isang tanyag na istorya ni Um Hani(y) (‘Ina ni Hani’) nang siya ay nagbigay ng pangangalaga sa isang taong sumasamba sa maraming Diyos (Polytheist) na humingi ng kanlungan mula sa kanya sa Araw ng pananakop sa Makkah pagkaraang tinangka siyang patayin ng kanyang kamag-anak (dahil sa nakaraang alitan) kaya ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:

“Tayo ay nangangalaga at nagbibigay ng ampunan sa mga gusto mong pangalagaan at bigyan ng kanlungan O Um Hani. (Bukhari)

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga karapatan. Ang mga sumusunod na paglalahad ay mga halimbawa na binuod sa paraang maipakita ang pang-unawa sa malawak na uri ng Islamikong pambabatas.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top